New and Used Car Talk Reviews Hot Cars Comparison Automotive Community

The Largest Car Forum in the Philippines

Page 1 of 4 1234 LastLast
Results 1 to 10 of 34
  1. Join Date
    Jun 2005
    Posts
    377
    #1
    I have a 5 yo kid, pwede na mag school next school year. I don't know if he is gifted, pero ang alam ko, marami na syang alam.

    Unang reaction ko, ayos to, pwede na siyang maging honor student, buti na lang naisip ko mag basa basa tungkol dito, kasi pala dapat pala talagang malaman ko kung anong level na siya dapat, otherwise, magkakaroon siya ng problem sa school, pwedeng ma bore siya, or mag regress siya, pretend na hindi pa siya marunong para hindi siya ma outcast, or worse baka mag rebelde sa school.

    Pwedeng hindi siya gifted, pero advanced lang siya somehow, in any case, dapat pa rin ma assess. Kung tingin ninyo ang anak ninyo ay gifted, pa assess nyo na, hindi ko pa lang alam eksakto kung saan, pero sabi try ko daw sa UP Educ.

    Hindi ko din alam kung nag iilusyon lang ako na marami na siyang alam hehe. Baka naman karamihan na din ng bata ay ganun. Malamang hindi gifted child anak ko, kasi ibang gatas ang ininom niya e hehehe

  2. Join Date
    Oct 2002
    Posts
    3,754
    #2
    may kilala ako 5 years old lang can read and write like a 7 years old.. pero ng ipa asses sya hindi naman daw gifted fast learner lang talaga.. meron din naman 12years old na hirap pang mag basa hehehe

  3. Join Date
    May 2006
    Posts
    8,357
    #3
    A month bago mag 4 yrs. old ang baby ko ipinasok na namin sya ng Kinder 1 sa Kumon (sya ang gustong-gustong pumasok na). After 2 months nakakuha na sya ng Bronze Medal na bibihira lang daw sa mga bata. Actually nadagdagan na naman ang Bronze nya ng isa pa. Natapos na rin nya ang addition nya, ngayon subtraction naman. Binigyan na nga sya ng sariling chair and table kasama ng mga gold medalist sa iisang room kasi gusto nilang idevelop pa ang isip ng baby ko.

    Problema lang namin sa kanya ang hirap turuan ng Tagalog pero pag English pagkasabi mo pa lang alam na nya.

    BTW she's a Fast Learner not a gifted.

  4. Join Date
    Jul 2005
    Posts
    199
    #4
    meron akong boss (media personality) dati...mahusay yung anak but he refused to have his kid accelerated...gusto nyang mabuhay ng normal na kasama yung mga kaedad ng bata..may katwiran rin sya.

    i remember yung story nung isang gifted girl na laging nagagamit sa commercial ng milk yata yun...sya yung may commercial regarding planetary system..she almost amounted to nothing...thats from her own mouth.

    yup, i agree dapat pagaralan nating mabuti kung anong maganda para sa mga anak natin.

  5. Join Date
    Jun 2005
    Posts
    377
    #5
    Actually ako din hoping ako na fast learner lang siya.

    Kasi magulo kapag gifted. According to my readings, maraming gifted children na hindi ma classify kung san papasok kasi karamihan ng gifted, in particular areas lang sila magaling, tapos normal naman yung ibang areas or pwede nga behind sila sa iba. Tapos pwede ring gifted ang bata pero at the same time may learning dissability din.

    Ang fast learner, at least medyo mas well rounded, so kung bored siya sa topics na pang kinder o kung ano man, pwede i-accelerate na hindi siya mahihirapan humabol sa ibang topics.

    Saka pihado magastos mag nurture ng gifted child hehe.

    Sir Syuryuken, magkano po sa Kumon? Ano ba teaching style doon?

    Baby ko din, galing na magbasa both english and tagalog, started reading between 3-4 yo. Mga 3 leter words nakaka spell na din, meron ding mas maraming letters pero yung mga simple lang. Marunong na din siya ng 1 digit addition, ay, hanggang 10+10 pala hehe. At dahil marunong na magbasa, marami na ring na pi-pick up na kung anu-ano, like yung planets, yung difference ng living at non-living things etc. At hindi pa siya nag s-school, sa TV, books at internet lang niya napupulot yung mga yun. Tindi din ng TV na yan, tagalog namin kinakausap sila, pero marunong mag ingles, may disney channel at nickelodeon accent nga lang hehe.

  6. Join Date
    Feb 2005
    Posts
    469
    #6
    My 3 year old can read letters and numbers gifted ba yon?

  7. Join Date
    Jun 2006
    Posts
    2,027
    #7
    Quote Originally Posted by nerbyoso View Post
    meron akong boss (media personality) dati...mahusay yung anak but he refused to have his kid accelerated...gusto nyang mabuhay ng normal na kasama yung mga kaedad ng bata..may katwiran rin sya.

    i remember yung story nung isang gifted girl na laging nagagamit sa commercial ng milk yata yun...sya yung may commercial regarding planetary system..she almost amounted to nothing...thats from her own mouth.

    yup, i agree dapat pagaralan nating mabuti kung anong maganda para sa mga anak natin.
    i know this girl, batch-mate ko yan nung college. minsan kasi pag gifted na-ooutcast talaga lalo kung kilala. btw, she looks hot right now, for me at least.

  8. Join Date
    Oct 2002
    Posts
    232
    #8
    my son is a fast learner pero tamad pumasok sa school, nursery pa lang siya niyan, sa araw araw na lang pahirapan kung pumasok.minsan, exam day nila ayaw talaga pumasok iyak ng iyak, nung nasa school na at iwan ni misis talagang walang tigil ang iyak, hayun sabi ng teacher habang nageexam siya iyak pa rin ng iyak. nagulat na lang kami sa resulta ng exams niya dahil perfect score niya sa 3 subjects tapos dun sa 2 subjects halos ma perfect din niya.

  9. Join Date
    Jan 2004
    Posts
    3,362
    #9
    Di ba talaga namang 5 years old ang pasok sa school? Iba na ba ngayon?

    I don't know about my child being gifted, but she sure is a gift from God. Sana mabait pag laki at hindi kami bibigyan ng masyadong problema.

  10. Join Date
    Jun 2005
    Posts
    377
    #10
    sir tacoma check nyo po ito

    http://www3.bc.sympatico.ca/giftedcanada/develop.html

    bossing Linkk, baka kaya siya tinatamad pumasok ay dahil alam na niya yung mga itinuturo, hindi na siya interesado, bored na siya.

    Eto naman resource nakita ko kung bakit kailangan ipa-test ang bata kung gifted siya or hindi, medyo mahabang basahin.
    http://www.gt-cybersource.org/Record...=2_0&rid=11376

Page 1 of 4 1234 LastLast
Do you have a gifted child?