Results 1 to 10 of 11
-
December 7th, 2009 04:53 AM #1
Guys help!
Ngaun ko lang nexperience with my A/T Toyota Corolla Big Body, I did not know, basta na lang nung magpunta na ako ng MOA yesterday, magpapara na sana ako ng pa reverse, kaso ang nangyari eh AYAW MAGREVERSE! Yikes!! Pinilit ko, stepped on Gas a little bit kasi baka mamaya biglang umatras tamaan ko pa yung ibang sasakyan pero ayaw pa din.
Nasa Reverse Gear naman yung transmission ko and hindi naman nakaangat yung handbrakes or whatever pero wala talaga ayaw. So ginawa ko umikot ikot muna ako dun sa parking ng MOA kasi natatakot ako magpark facing the wall, mamaya di ko na mailabas kasi ayaw nga magreverse.
Then I thought of consulting the nearest talyer or whatever, ang unang pumasok sa isip ko is yung Goodyear Servitek near Park N Fly, so lumabas agad ako ng MOA.
Then while I was on Macapagal infront of the Shell Power Station, tumabi ako sandali and then tried again yung reverse, aba, it seemed like wala naman problema. Kumagat agad and umaatras naman kagad.
Ngayon natatakot ako baka mamaya ayaw nanaman umatras, but I think it would happen again in the near future, what do you think is the problem? San kaya ok magpa diagnose? para man lang maagapan kung maari...
By the way, walang Problem sa kahit anung gear. Drive gear works fine, D2 Gear Works fine, L gear works fine. Neutral gear works fine (hindi naman umaandar pag naka neutral"just kidding")
Pero any ideas mga kuya, ate, sir, kapatid, kaibigan??
baka mamaya magkaproblem along the way....
Salamat!!!
-
December 7th, 2009 05:21 AM #2
kailan ka pa huling nagpalit nang ATF fluid baka marumi na . Check mo rin ang level ng ATF fluid sa dipstick baka kulang.
-
Verified Tsikot Member
- Join Date
- Jan 2007
- Posts
- 137
December 7th, 2009 09:09 AM #3
-
December 8th, 2009 11:32 AM #4
ok, going to do that, by the way, what kind of ATF ba ang para sa Toyota? I can read sa dipstick na may naka engraved na Dexron II yata yun, yun ba yun? kahit san auto shop ba meron nun??
-
December 8th, 2009 11:47 AM #5
my friend who also had the same problem with her bigbody corolla. sabi nya nag palit na sya ng atf based on a mechanic's suggestion... pero ganun pa din. obserbahan na lang daw. so tinanung ko sa friend ko na may talyer(Stage 1) ano problema ng ganun.
dapt daw hindi lang drain kasi yung dumi nakakapit pa din sa loob, dun sa strainer/filter. dapat ibaba yung tranny pan. para malinis yun.
so pinagawa dun sa Stage 1 and now the tranny works fine. plus gumanda hatak.
-
December 8th, 2009 02:04 PM #6
ATF will not solve the problem at this point. You need to buy a rebuild kit and have a reputable ATF specialist rebuild the tranny. I had the same problem on my BMW and had it rebuilt with a clutch kit for the AT. The reason you no longer have reverse is because the clutches in the AT for that gear are burned. Get the rebuild kit and have it done rather than buying a new AT which will be more expensive.
-
December 8th, 2009 02:59 PM #7
-
December 11th, 2009 07:04 PM #8
Update lang po regarding this case of mine....
had my car checked up on Petron Station near my place, ayun, kulang na nga sa ATF.... the mechanic showed me the ATF Fluid being drained out. I saw na kalahating litro lang yung na-drain...
Then the mechanic told me na ang kinakarga is 3 liters pag nagpapalit ng ATF tapos ang nadrain lang is 1/2 liter. Ayun nung pinapalitan ko ng ATF, nawala na ang reverse gear problem ko!! Yey, di na kelangan pa iharurot sa kung saan saan para lang gumana ang reverse!
Pina change oil and engine wash ko na din para sulit! ayus na ulit! Buti hindi transmission mismo ang may problem!
Bait pa nung mechanic na nag asikaso sakin, naubusan sila ng atf so pinabili niya ako sa labas, eh yung malapit na auto shop only has the Caltex Brand na atf, ayun, I told him beforehand na "sa kalaban iyan". I thought di niya i-aacept yun, ginawa nya, nilusot kagad niya para di makita nung guard na nagbabantay hehe..
-
Verified Tsikot Member
- Join Date
- Sep 2009
- Posts
- 6
December 19th, 2009 08:04 PM #9mabuti pa yung sayo ok na sya... yung sakin pinalitan ko na ng atf linis nadin ang strainer, ayaw padin magreverse. balak ko na bumili ng surplus if ever....
-
December 20th, 2009 01:41 AM #10
onga eh, fear ko din na mapalitan yung a/t kaya buti nadaan sa pagpalit ng atf.... irresponsible din kasi ako minsan kaya di ko na nachcheck na kulang na pala atf..
nakalimutan ko pala ikwento dito na nagkatagas yung atf ko kaya siguo naubos din to 1/2 liter... minsan kasi may mga nadadaanan ako na bato while driving tapos tumatalsik sa ilalim, baka tumama kaya nagkaleak, pero naayus na din nung time na nagpapalit ako ng atf, magaling yung nagcheck sa petron station ginawan na din niya ng paraan since maliit na tagas lang...
sana maayos ma yung problem ng sau bro
Di ko alam about sa miata. But I was able to help my uncle acquire a unit para sa pinsan ko kasi...
6th Gen Mazda MX-5 Miata