May violation ako "Passing thru red light" around 3am because of an emergency pero ayko na ijustify alam kong may mali ako. Hiningan ko ng Mission Order, deputation order or time sheet para malaman ko ang area of responsibility, time of duty dahil nga 3AM na at official function walang maipakita nasa opisina daw. Pinagtulungan ako ng 5 enforcers hingin ang license ko pero pinakita ko lang at hindi ko sinurrender. Di pa nakuntento nag tawag pa ng pulis tapos dinala pa ako sa police station at threathening ng arrest nag display pa ng posas.
Nagpatiket nalang ako nong nasa police station na ako dahil hindi ko na alam kung posible ngang maaresto sa ganitong sitwasyon?

Naka file na ako ng adjudication at malapit na ang hearing.
Any thoughts or insight na posibleng makatulong sa akin?