SUV, nahulog sa Pasig River

Ayon kay Senior Supt. Rogelio Simon, hepe ng Makati Police, nakaparada sa lugar ang isang Toyota Fortuner sa bahagi ng Guadalupe northbound nang bumaba ang driver nito.

Ngunit naiwang nakabukas ang makina ng sasakyan at nasa loob ang isang pasahero nang bigla itong umatras at mahulog sa ilog. Kinilala ang pasahero na si Erlinda Francisco, VP for operations ng PAG-IBIG NCR.

Ayon sa driver ng company-issued SUV na si Luis Ponciano, inangat niya ang handbrake bago lumabas ng sasakyan.

Nakita naman ng mga pulis na nakaangat ang handbrake gaya ng kwento ni Ponciano.

Ayon sa traffic investigator na si SPO2 Wilson Nacino, tinitingnan ng pulisya ang mechanical failure bilang dahilan ng pag-atras ng sasakyan.

Ayon kay Pangan, ipapaimbestiga rin nila ang nangyari sa manufacturer ng sasakyan.