Results 1 to 8 of 8
-
Verified Tsikot Member
- Join Date
- Aug 2010
- Posts
- 8
August 8th, 2010 04:29 AM #1tanong ko lang kung may kinalaman ang idling sa aircon. pag start ko ng kotse minsan normal ung idle nya ok naman (mga 1.2k for ilang secs then bababa sa 1000-900 rpm) at gumagana dn ang aircon especially kapag mainit ang panahon, ung ang npapansin ko. Kapag ginamit ko naman sya ulit minsan, pag start ko feeling ko hindi normal ung idling kc ang baba nya (mga 500rpm pag nagstart tpos aakyat agad ng 800rpm) hanggang dun nlng sya then pag ni rerev ko tpos pag bitaw bigla sa gas, bababa sya hnggang mga 200rpm minsan namamatay pa ung makina. Yun na ung instance na hindi na gumagana ang aircon ko, blower lng mararamdan walang lamig. Madalas mangyare to pag malamig ang panahon or umulan, Di ko talaga alam kung may koneksyon un or nagkakataon lang. Di ko talaga malaman kung idling ba or aircon ang problema basta nagsimula tong problem na to nung naging abnormal ang idling ng oto ko.
Help naman please..Thanks
-
Verified Tsikot Member
- Join Date
- Jun 2008
- Posts
- 30
August 9th, 2010 06:06 PM #2hi sir, na-try nyo na po i-tune up yung car? a simple answer to your question relating to your idling and aircon, dapat po asa tamang rpm rating para pagbukas nyo po ng aircon 'ndi mag-sudden stop yung engine na parang 'na-choke'.
have your fuel injectors cleaned also since this is an eccs b13. check nyo din po yung compressor ng aircon at yung belt nito if it needs adjustment saka po if working pa yung thermostat. hope this helps
-
Verified Tsikot Member
- Join Date
- Aug 2010
- Posts
- 8
August 10th, 2010 02:25 PM #3thanks for the reply sir, cge try kong palinis yung fuel injectors since di ko pa nagawa un nung nabili ko yung oto. what do you mean sir, pag wala sa tamang rpm eh automatic talagang di gagana ang aircon? di ko pa sya napapa tune-up, huling tune-up nung last december. naayos na dati yung problem na to sir mga almost 1 month na, nagpalinis ako ng throttle body nun, umayos na yung idling pero ung aircon di parin naayos nun. sabi sakin wala daw freon, automatic daw na di gagana ang compressor pag walang freon. so nagpakarga ako ng freon at un umayos na ung aircon, back to normal na ulet ung idling at a/c ko nun kahit mainit or malamig ang panahon. after 2 weeks bumalik na naman yung problem sa dati, ung idling and a/c ganun na naman ulet. pina check ung freon puno naman daw kaya di ko talaga alam kung anong problema nito. baka may alam ka sir na mga matitinong car aircon shop, sa evangelista kasi ayoko na bumalik parang manloloko yung mga shop dun, sabi sakin dun kelangan na daw palitan yung compressor, expansion valve, evaporator, drier etc. Yung thermostat ba ayun ba ung parang device sa loob ng glove box? ayun din ba yung nagcocontrol ng pag-aautomatic ng aircon? ipapacheck ko din un sir. Thanks for your help.
-
Verified Tsikot Member
- Join Date
- Jun 2008
- Posts
- 30
August 10th, 2010 06:52 PM #4hi sir, pag below rpm rating ng idling, mahihirapan paikutin yung compressor, at sometimes leading to walang hangin na macocompress at maibubuga. Yes, yung thermostat po yung nagcocontrol ng temp. ng aircon.
I also own a b13
Share ko narin po sa inyo service manual for the b13
http://www.*********.com/?ar7q2rt2zai75pn
-
Verified Tsikot Member
- Join Date
- Jan 2009
- Posts
- 38
August 19th, 2010 11:01 PM #5Kung reliable aircon shop sir, I highly suggest kina Mang Mario sa likod ng SM North. Dinadayo siya as far as Cavite at Batangas. Magagaling sila at mapagkakatiwalaan.
Directions...
after sm city sya sir if you're coming from cubao. turn right ka sa stoplight after ng sm. then left ka sa bukidnon st (4th corner from axis market). then right ka sa fort santiago st. dire-diretso na yun. pag me nakita kang basketball court sa gitna ng daan lampasan mo pa yun. mahaba kasi fort santiago and medyo nasa dulo sila mang mario.
Tel. nina Mang Mario = 9201708
Pakisabi ni-refer ka kamo ni Sid, yong tiga GT na may corolla with BlackTop engine. :D
Pero kung unstable idling ang main problem, first off, ano type ng engine mo sir... carb o EFI?
-
Verified Tsikot Member
- Join Date
- Aug 2010
- Posts
- 8
August 30th, 2010 04:27 AM #6thanks for the reply mga sir. EFI yung engine ko sir. marami na nga akong nabasa dito about kay mang mario, mukang ok nga dun kasi mura daw and honest. kaso mukang mahihirapan ako dahil pila-pila daw ang nagpapagawa dun kahit maaga ka pa pumunta, unless kung seswertehin, hehehe. may leak siguro yung freon ko kasi pinacheck ko nung kelan lang wala na daw laman and gusto nila palit compressor na kasi nandun daw yung leak. gusto ko narin ipaconvert kasi r12 palang to, hehe. di ko lang sure kung kelangan papalitan ba yung buong ac system kasi sabi ng iba ifflush lang daw buong system then palit daw ng drier or expansion valve ata. cge ttry kong dumayo dun kila mang mario kung kelan pwede yung kasama ko. di ko kasi alam kung anong uunahin kasi nagkasunod-sunod yung problema ko sa oto, ang sakit sa ulo at bulsa, hehehe. thank you sa mga tips sir
-
August 31st, 2010 12:29 AM #7
Also try the ignition coil (inside the distributor) kasi nangyari na rin sa akin yan eh.
-
November 22nd, 2010 10:09 PM #8
Mga sir ask ko lang ano po kaya problem pag yun makina namamatay pag binubuksan aircon,minsan naman ok minsan bigla namamatay makina.thanks
parang bumababa yun idling. thanks
Aftersales support, you mean? They do have some aftermarket parts... though not as exhaustive as...
BYD Sealion 6 DM-i