Mga master lagi po kasing nag ooverheat oto ko every 1km, palaging bumubulwak yung tubig sa reservior pag overheat na. nung ma inspect ko yung radiator ok naman pero napansin ko hindi umiikot yung tubig kaya siguro nag ooverheat. i suspect sira yung water pump kasi nung tinangal ko yung hose galing ng cylinder then on ng engine napansin ko yung tubig sa hose di gumagalaw. i-DIY ko kasing mag palit ng water pump. tanggalin ko water pump kasama yung thermostat housing at inlet para malinisan narin kasi may konting kalawang na yung tubig. Ask ko lang mga sir, pwede na bang huwag ng ilagay yung thermostat? sabi kasi nung mga napagtanungan kong mekaniko ay huwag naraw ilagay yung thermostat kasi sagabal lang daw yun sa daloy ng tubig. totoo kaya yun at hindi kaya makakasama sa engine cooling system kung di na ilagay yung thermostat? sabi nung ibang mekaniko baka sira narin daw yung thermostat kasi baka raw di na nag oopen yung valve niya kaya sakal yung daloy ng tubig. meron pang nagsabi na baka may exhaust gas leaks sa cooling sytem at baka may tubig naraw sa piston, pero sabi nung ibang mechanic kung may tubig naraw sa piston at may gas leak sa cooling system ay di naraw aandar yung engine. kaso 1click lang start agad at maayus ang idle at tunog ng engine at ayos din tumakbo pati hatak. kaya karamihan sa mga mekanikong napagtanungan ko ang sabi ay unahin ko raw yung water pump dahil baka dun lang daw kasi di gumagalaw o umiikot yung daloy ng tubig. tapos sabi nila mas ok daw kung huwag ng ilagay yung thermostat. ano po sa palagay nyo mga master? tia po..