Results 1 to 10 of 51
-
March 2nd, 2008 12:24 AM #1
Kanina umaga, punta ako ng garage namin, binuksan pinto ng kotse at saka bumalik sa loob ng bahay kasi may naiwan ako, but i didnt close the car door. Pagbalik ko may napakalaking spider, traveller's spider ata tawag dun, nasa pinto ng car, kumuha ako ng walis para patayin sana pero tumakbo ito at pumasok sa loob ng kotse. kainis talaga. Hinanap ko, hindi ko na makita. Pinukpok ko na lahat sa loob para lumabas pero wala talaga. Paano ba to? Ayaw ko kasing mangyari sa akin ang nangyari sa cousin ko, while he's driving bigla na lng may dumapong ipis sa mukha nya, nakabig nya wheel kaya nabangga sya. Gulat na gulat kasi sya. Ako naman baka bigla lumabas yun while im driving, haay... kainis. Vinacuum ko na pero wala talaga, pero i saw the spider went inside my car.
-
March 2nd, 2008 01:10 AM #2
sprayhan mo ng insecticide like baygon lalabas yan pag nahilo na or mamatay siyasa loob
-
Verified Tsikot Member
- Join Date
- Aug 2007
- Posts
- 171
March 2nd, 2008 01:43 AM #3pati si mr. spider na-goon squad hehe...
wag pesticide. baka kumapit ung amoy
-
Verified Tsikot Member
- Join Date
- Jul 2006
- Posts
- 8
March 2nd, 2008 02:09 AM #4bro bili ka industrial insecticide yung ginagamitan ng fumigation machine or fog machine. Pabomba mo sa auto mo para mawala lahat ng insect na pumasok, mahirap yan while your driving baka bigla pumunta sayo yan mataranta ka at mabangga ka pa. I have a friend na muntik na mabangga dahil lang sa ipis! hahaha!
-
March 2nd, 2008 03:05 AM #5
WTF! malaking spider! kung ako yan baka hindi ko magamit ung kotse. wahahaha. pakita mo na sa akin lahat ng insekto wag lang gagamba, tapos malaki pa. hehehe
-
March 2nd, 2008 03:08 AM #6
nataw rin ako, sabi ko SPIDER??? ... Goonsquad???? hehehe peace bro... anyway back to topic... yup pwede nama baygon... ung kunin mo eh ung multi insect killer, wag ung original formula, sama ng amoy nun baka kumapit... ung multi insect killer parang glade ang amoy.. sabi nga ng sister ko one time nag spray ako sa bahay. "ano bayan hindi mamamatay ang ipis sa glade" sabi ko, "glade ka jan" sabay pakita ko ung bottle ng baygon... hehe
-
March 2nd, 2008 04:37 AM #7
waah! gagamba! ayoko nyan nakakatakot... ayoko rin sa ipis, dagang malalaki (yung maliit ok lang), at butiki/tuko...
wag siguro baygon kase baka kumapit sa upholstery. alisin mo lahat ng pedeng alisin sa loob like mga car seat covers. o kaya pa-interior detail mo na lang. sabihin mo sa detailer pakihanap yung gagamba sa loob tapos bigyan mo ng tip pag nakita nila
-
March 2nd, 2008 06:00 AM #8
yap may experience ako dyan. while driving nakita ko ang malaking spider sa likod ng belt ng passenger side. whowwww ang hahaba ng paa. then pagdating ko sa bahay hinanap ko eh wala na. anyway nag spray ako ng insecticide then bigla syang lumabas sa between the windshield and dashboard. since na akala ko eh mahina na dahil ng sa insecticide eh dinampot ko with tissue paper, pero ng mapisil ko na, biglang pumiglas.. malakas pa pala. hehehe.. nakawala at tumakbo pababa sa pedals ng driver's side. di ko na makita waaahhh!! inispreyan ko na lang ang buong ibaba na yun.
pina vacuum clean ko sa shell. at nagtataka(inis siguro) ang naglilinis dahil panay ang usyoso ko at bantay na bantay sa kanyang ginagawa. sabi ko "ayan dyan sa ilalim na yan... doon, doon vacyumin mo yun... o dyan pa.." may mga pa ilan-ilang coins syang nakita pero walang gagamba. o baka naman na vacuum yun ng di lang napansin.
di ko na rin nakita yun uli hanggang ngayon.
ang siste lang minsan pag nag da-drive ako pakiramdam ko may gumagapang sa binti ko. well, over consious lang seguro ako. nasa isip ko kasi na doon sa ilalalim ng dashbord ng driver's side yun tumakbo eh.
suspetsa ko pumasok yung gagamba na yun doon sa shop ng magpagawa ako ng mastakap ang salamin ng pinto ko. iniwan ko yun doon at binalikan ko ng hapon. since two days ko nang ginagamit mula kinuha ko sa shop ang car so, ibig sabihin nandoon na yun for about two days ng maispatan ko.
-
-
Tsikot Member Rank 3
- Join Date
- Oct 2006
- Posts
- 760
March 2nd, 2008 10:29 AM #10Un sasakyan ko talagang maraming gagamba pero un maliit lang. Un tatalon-talon na mongo seed size. Saka dami na ring maliliit na sapot. Parati ko kasing naiiwan bukas na kaunti un bintana, tsk. Paaraw lang ginagawa ko.
Will wonders never cease with Motolite? Ha ha.
Cheaper brands than Motolite but reliable as well