Results 31 to 40 of 49
-
February 13th, 2006 03:17 PM #31
naka receive ako ng chain text na "dito na lang kayo dahil mga buhay unlike sa kabila" pero di talaga ako naniwala kasi napanood ko nga un show niya, wala naman ako narinig na ganun kundi sa text lang.
-
February 13th, 2006 05:23 PM #32
kahit naman sinabi na yun, nobody takes him seriously. He's like Jim Carey, lan beses na nag-serious roles pero flop, ngaun balik na naman sya sa comedy hehehe
-
February 13th, 2006 07:39 PM #33
Originally Posted by Bogeyman
Signature
-
FrankDrebin GuestFebruary 13th, 2006 07:55 PM #34
Yup. Mas masahol pa nga sina Willie, John at Randy. Minamanyak yung mga contestants.
-
February 13th, 2006 10:03 PM #35
dami nga hatak ni joey pero kung umiyak man siya hindi siya kasing lakas kumuha ni kris ng sympathy after she cried foul, shes a bitch yet all sympathy are on her, si joey... still think hes crap
-
Tsikot Member Rank 3
- Join Date
- Jan 2006
- Posts
- 732
February 13th, 2006 10:29 PM #36ika nga ni joey isang "institution" na ang eat bulaga. ganyan nga siguro dyan showbiz puro sira(an) ang nangyayari kung sikat na ang ang isang tao...
-
February 14th, 2006 01:42 AM #37
"institution"? sheesh what a way to destroy a meaningful word. it's like the word "bayani" or "hero". nowadays, lahat na ata ng tao eh hero.
-
February 14th, 2006 01:54 AM #38
ano ba yan... puro chismaks! hindi na magbabagi pinas. puro nalang chizmiz d2 chizmiz duon!
-
February 14th, 2006 01:59 AM #39
Originally Posted by oldblue
-
February 16th, 2006 09:19 AM #40
got this from Philstar! Iba talaga tumakbo isip ni Joey. Malalim!
-------------------------------------------------
Open Letter From Joey De Leon
(To the person who started that nasty rumor about me via text messages)
JOEY DE LEON
First of all, Tatagalugin ko na dahil mukhang mas komportable ka rito base sa ginamit mo doon sa pinakalat mong text.
Hula ko lang, isa kang babaeng medyo hindi kagandahan. Bakla? Pwede, pero hindi malakas ang sagi sa isip ko eh.
Kung lalaki ka naman, well…saksakan ka nang duwag!
Kasi kung talagang totoo at sigurado ka sa ibinibintang mo sa akin, at sa pagkasensitibo ng mga bagay-bagay nuong mga panahong iyon, matapang at matatag kang lalabas agad para kondenahin ako sa publiko.
Hindi mo na ito padadaanin pa sa "chain-texting."
Ang baduy mo! Biro, ayon sa text mo, "hanggang makarating kay Joey de Leon." Talagang malinaw na paninira ang layunin mo. Pwede mo naming idiretso sa akin. At saka nagtataka ako…bakit ikaw lang nakapanood nung ibinibintang mo sa akin? Eh ang taas ng viewership rating namang nung Sabadong ‘yon…34%!
Well, may ilang puntos lang akong gustong sabihin at linawin sa ‘yo Darling… Una, huwag kang matuwa at ako’y napaiyak sa Startalk nuong Feb. 11.
Inaamin ko, kung minsan ako ay palabiro at manunukso kaya imposibleng tamaan din ako ng ganoong mga sundot.
Ang tunay at nag-iisang dahilan nang pagsabog ng luha ko ay bawal kasi sa akin nuong magsalita lalo’t tungkol sa isyu na pinakalat mo.
Hindi kita, o kayo, matira dahil pinagbawalan ako ng Eat Bulaga. Hindi ka ba nagtataka? Sa buong buhay ko sa radio at telebisyon, ngayon lang ako naiyak…at ganon pa katindi.
Kapag tumulo ang luha ko nuong araw, siguradong patungkol sa anak ang usapan at hindi sa mga walang halagang bagay tulad nung ginawa mo. Dehins! Isa akong dakilang tirador…pero sa may mga bahid ng katotohanan lamang; at walang personalan…pa-cute lang.
Inuulit ko, naiyak ako dahil for the first time, hindi ako makasagot at maipagtanggol ang sarili ko agad-agad.
Para kasi akong isang spoiled na bata na laging ibinibigay ang gusto…kendi, laruan, TV oras-oras.
Pagkatapos, isang araw, biglang sasabihin ni Mommy, "Joey, no candies, no toys, and no TV for today… and no talking!" Ngek! Ang hirap pala Darling, kaya sumambulat ako.
Pero ito ang masisiguro ko sa iyo…after kong humagulgol, humikbi at magalit, sobrang gumanda at gumaan ang pakiramdam ko. Ang tingin ko nga gumaling ako pati duon sa iba ko pang karamdaman eh. Sa parteng iyon, maraming salamat sa iyo.
Kaya lang, hanggang ngayon, hindi ko talaga sigurado kung galit sa akin ang mga boss ko dahil sinuway ko utos nila. Well, kita mo naman, itinaya ko career, trabaho at kapakanan ng pamilya ko nung sabihin kong, "kung may mailalabas kayong tunay na ebidensya, hindi na ako lalabas sa TV! At kung dahil sa pagsuway kong ito sa pag-uutos ng Eat Bulaga ay tanggalin ako, wala akong pakialam!" O, kaya mo ba yon?
Pangalawang punto, hindi mo ako ganap na kilala. Alam mo Darling, pag ako’y pabirong sumusundot o nanunukso sa kakompetensya, hindi ako basta kumakadyot nang walang pakwela o humor man lang; yung may "utak" dapat…na malinaw na wala sa iyo. Kumbaga, clever remarks only please.
Sabi sa text mo, ang sabi ko raw, "Dito na kayo manood sa amin…Dito buhay ang mga tao,,," Wow, not very Joey de Leon. Alam mo kung ako talaga ‘yon, baka ang nasabi ko pa e, "Dito na kayo manood sa amin…Live kami!" O, gets mo? Malamang hindi.
Or better yet, mag-seminar ka nga sa akin, Darling. Isama mo na rin yung mga bobong members ng text brigade mo.
At huling punto, yun tungkol sa diumano ay "gilit-leeg" na ginawa ko. Pwede ba, huwag ako ang pansinin mo? At ito naman ay galing at ayon sa maraming mga tao–tingnan n’yo raw mabuti ang choreography, lalo na ng kamay ng theme song ng ipinagtanggol mong show– hindi ba sila mismo ang parang gumigilit sa leeg nila? Paulit-ulit pa!
At kung ako man, ayon sa iba, ay napahawak sa gawing bahaging leeg ko nung araw na ‘yon, at iginigiit mo na nakita mo sa picture ng TV mo, o, eh ano kasalanan ko? Necks picture?
Hindi ako ganon kalupit at kasama. Siguro rin, kung nangyari man yung mga galaw ko na binigyan mo nang masamang pakahulugan, maaaring dala ito ng iniinda kong ubo at sore throat. Ikaw man ang magdadaldal sa TV 12 times a week, aber? * * *
Salve V. Asis’ e-mail - salve*philstar.net.ph
.
Consider that they're just plugging in a scanner to find out what the trouble code is without...
ABS and Handbrake Lights Both On