Results 1 to 10 of 14
Hybrid View
-
January 30th, 2010 09:12 AM #1
[SIZE="4"]APO magpapaalam na sa industriya ng musika[/SIZE]
Pagkaraan ng 40 taon, magpapaalam na sa music industry ang APO Hiking Society - grupong lumikha at kumanta ng mga ‘di malilimutang awitin katulad ng “Batang-Bata Ka Pa," "Blue Jeans," "Ewan," at "Yakap sa Dilim."
Sa press conference na ipinatawag ng APO – kinabibilangan nina Buboy Garovillo, Jim Paredes at Danny Javier – magsisilbing huling hirit nila ang Valentine show sa Pebrero 13 sa SMX Convention Center.
“We have decided that this, actually early this year the APO will be winding down our career," pahayag ni Buboy sa Chika Minute ng GMA news 24 Oras nitong Miyerkules.
Sa naturang ulat ni entertainment reporter Lhar Santiago, sinabing noong nakaraang taon daw napag-usapan ng tatlo na pagpahingahin ang kanilang grupong APO.
For the latest Philippine news stories and videos, visit GMANews.TV
Gayunman may kanya-kanyang plano sina Buboy, Jim at Danny bilang indibiduwal. Tuloy pa rin umano ang solong pagkanta at hosting job ni Buboy. Samantalang si Danny ay balak manirahan sa Mindanao, habang patuloy na lilikha ng awit si Jim.
"If you want to catch the APO, this is the last stretch. We're good till the end of May. So, any concert that's there, panoorin niyo na. To our fans, our followers, everything else... panoorin niyo na," pag-imbita ni Jim.
Sa pamamaalam ng grupong APO na binuo noong 1969, iiwan nila sa kanilang mga tagahanga ang mga walang kamatayang awitin tulad ng "Batang-Bata Ka Pa," "Blue Jeans," "Ewan," "Kaibigan," "Pumapatak ang Ulan," "Yakap sa Dilim," "When I Met You," at maraming iba pa.
“Ang mga kanta namin nagbigay kahulugan o summary sa mga naramdaman nila, habang sila ay… while they are growing up, habang tumatanda, at habang nagigising sila sa kanilang pagka-Pilipino," ayon kay Jim. - Fidel Jimenez, GMANews.TV
http://www.gmanews.tv/story/181504/a...iya-ng-musika#
-
January 30th, 2010 09:20 AM #2If you want to catch the APO, this is the last stretch.
-
Tsikoteer
- Join Date
- Nov 2005
- Posts
- 457
January 30th, 2010 09:44 AM #3[QUOTE=isketi;1410183][SIZE="4"]APO magpapaalam na sa industriya ng musika[/SIZE]
Pagkaraan ng 40 taon, magpapaalam na sa music industry ang APO Hiking Society - grupong lumikha at kumanta ng mga ‘di malilimutang awitin katulad ng “Batang-Bata Ka Pa," "Blue Jeans," "Ewan," at "Yakap sa Dilim."
40 years na pala ang APO? so, gano na katanda itong tatlong 'to? di kaya naka-dextrose na sila pag nagconcert pa sila?
-
-
January 30th, 2010 11:39 AM #5
They're still together?
I remember seeing a reader's digest ad where they promoted a 1970's Toyota Corona macho. Kinain na ng kalawang ang Corona na yun buhay pa rin sila :lol:
-
January 30th, 2010 12:53 PM #6
Si Danny Javier ang mukhang lolo na. Damatans na.
Yung 2 di pa masyado eh. Pero, malaki talaga ang naging contibution nila sa music industry. Pati iba nilang kanta, nire-revive ng mga new artists.Last edited by chua_riwap; January 30th, 2010 at 01:22 PM.
-
January 30th, 2010 01:08 PM #7
Whatever the reasons may be behind the "disbanding" of APO, they will always be remembered as one of the greatest artists our country has ever produced.
Yung kanta nilang "Awit Ng Barkada" ang ginawa naming anthem. Sakto kasing 12 kami sa barkadahan nung hayskul.
Last edited by jjmd3_787; January 30th, 2010 at 01:13 PM.
Will wonders never cease with Motolite? Ha ha.
Cheaper brands than Motolite but reliable as well