New and Used Car Talk Reviews Hot Cars Comparison Automotive Community

The Largest Car Forum in the Philippines

Page 334 of 808 FirstFirst ... 234284324330331332333334335336337338344384434 ... LastLast
Results 3,331 to 3,340 of 8077
  1. Join Date
    Oct 2002
    Posts
    6,385
    #3331
    Quote Originally Posted by CVT View Post


    Bro.,- I was thinking of taking the Magilas trail, pero decided not to on our way to Manaoag....

    Nice to hear about the progress of SCTEX... Sana on schedule or ahead of schedule sila, para Baguio is just in the neighborhood....

    16.1K:nerves:
    Nakakatuwa nga ang NLEx/SCTEx. Sure it's not silky smooth as you want it to be, but it's smooth enough to have an enjoyable drive. Lumalapit na nga ang Baguio.

  2. Join Date
    Mar 2005
    Posts
    358
    #3332
    Sir matanong ko lang, magkano binayaran nyo sa police report? I had a similar experience ako pinagbabayad ng police report sabi ko ako na nga binangga ako pa magbabayad. Parang napahiya yung police kaya in the end di na pinabayaran yung police report. Bale 400 ang sinisingil, 200 sa report at 200 sa pics e wala naman dala cam yung traffic police na rumesponde dun na lang kinunan sa presinto yung tama. Ano ba patakaran dito?

    Quote Originally Posted by yebo View Post
    matibay pala ang bumper ng GS, both front and back! haaah! finally i got to post it! naiinis kasi ako lagi pag naiisip ko at kumukulo ang dugo ko pag naalala ko kaya di ko pi-nost for weeks. anyway ang short story ay binangga ang GS ko sa likod, then after 1 week sa harap naman.

    yung 1st, papunta kami ng manaoag on our 4-monthly mass there (la lang, nakagawian na namin). i was stopped at the nlex toll gate at dau waiting for my turn at the toll plaza when suddenly "BRRRAAAGG!" buti hindi inabot yung vehicle sa harap ko which fortunately at that instant moved ahead. the GS must have moved forward 1-1/2 meters from the skid marks of my tyres. so i checked on everyone muna and knowing all were ok i got out of the GS. there was a revo behind me, the driver said he lost his brakes. "sana naman pare hindi ako pinunterya mo, pwede naman yung barrier eh." kinamutan ako ng ulo. ano pa nga ba ginagawa ng nakakabangga kundi magkamot ng ulo. bagito yung driver, di daw nya alam gagawin nya pag nawalan ng preno. so tinuruan ko pa, shift to low and engine brake, and then shut the engine off in gear. ok daw, next time alam na nya. well on inspection the top rubber cover part of the bumper (bumper step plate yata tawag dun) was torn. the bumper itself was not damaged, just a little almost unnoticeable paint chip at the 2 portions where his bull bars hit. as for the revo, pasok ang bull bar sa front grill, damaging his radiator a little. bagsak din ang front bumper nya, basag ang right head lights. with the nlex police report in hand we proceeded to manaoag. the next day i had the damage estimated at hyundai balintawak (13.4k) and hyundai north edsa (6.5k). di ko sana dadalhin sa north edsa pero naawa ako at matino naman kausap kaya sabi ko canvas muna kami. so there you go folks, repairs are 50% cheaper at hyundai north edsa compared to hyundai balintawak! the bumper step plate cost P1650, the rest is labor.

    di pa dumadating yung parts na inorder, fathers' day na. so after hearing mass we went to trinoma, whole family including my mom and brother. papasok sa trinoma mall parking 2 (coming from mindanao), as you know 2 lanes yun. one coming from edsa making a left turn, and one from mindanao/north avenue junction. dun ako nakapila sa mindanao avenue, so i was at the rightmost lane. maayos ang pila until i got to the turn. as i turned this black vios tried to make a 3rd row, in between my line and the line coming from edsa. syempre di siya pinagbigyan. stop kami lahat, my foot on the brake. vios was on my left, halos pantay ang windows namin. as the car in front of me advanced i naturally let go of the brake. this a$$hole vios driver suddenly gunned for it tyres screeching, inserting his car in front of me. but since wala nga space a di bangga, ano pa ba. tinamaan ng front bumper ko yung right front fender and front passenger door nya. aba, ang ogags, kasalanan ko daw bakit daw ako umabante. sabi ko pare 2 lang ang pila, ginawamong 3, sino nasa right of way sa atin. sagot ba naman e "nauna bumper ko sa iyo, ako nasa harap bayad ka sa akin!" hahahahaha! dati sigurong jeepney driver ang kumag na ito. kahit ano explain ko ng right of way ang nakapila at nasa lane e di daw tama at nauuna ang bumper nya. ay bobo talaga, i let it go. there are some things you can not change and this man's lack of IQ is one of them. wala nga pala siya insurance, sagutin daw ng insurance ko. weeeeh! police report: "car v2 suddenly sneaked into the path of car v1 resulting in car v1 colliding with right front fender and passenger door of car v2". tawa lang ang police sa kanyang "jeepney driver tright of way" sabay sabi sa akin, "huwag ka magbayad sir kahit sinko." sinisingil ako, sabi ko kay vios driver "antayin ko summons. pag tinoyo ako baka ikaw pa pagbayarin ko". well i was thinking, walang sira GS ko, scratched paint lang sa bumper (tibay talaga!) while his car would need pukpok and painting of 2 panels, hehehe. damage sa akin will be P500 paint mixed at my suki and P500 labor sa banawe boys. after 5 days eto na, tawag ng tawag at text ng text sa akin ang repair shop nya. i-process daw ang insurance, 50% lang daw ng deductible ang babayaran ko sila na bahala. sagot ko, "manigas kayo! basahin mo police report at saka mo sabihin sa akin kung may masisingil kayo sa insurance ko." kinuha ang police report, "ay sorry sir ngayon ko lang nakita. ok sasabihin ko sa kanya di pwede." end of story, di na tumawag ulit.

    nakuha ko na rear bumper step plate, na-DIY ko na ang kabit. di ko na pina-paint yung chip sa rear bumper, di naman kita. yung sobrang money na binayad sa akin nung revo yun gagamitin ko pa-paint ng scratch sa front bumper. pag di na umuulan. masakit na naman loob ko, naalala ko ang 2 gunggong na bumanga sa akin.

  3. Join Date
    Oct 2002
    Posts
    10,819
    #3333
    ganyan nga din siningil, P400. P200 daw sa pictures, P200 sa notary. tapos syempre ang xerox nila P10 yata per page hehehe!

  4. Join Date
    Mar 2005
    Posts
    358
    #3334
    Quote Originally Posted by yebo View Post
    ganyan nga din siningil, P400. P200 daw sa pictures, P200 sa notary. tapos syempre ang xerox nila P10 yata per page hehehe!
    Sino nagbayad?

  5. Join Date
    Nov 2011
    Posts
    538
    #3335
    Quote Originally Posted by CVT View Post


    Bro.,- here's a solution to your issue.

    Turn off your compressor about 3 minutes before you turn off your blower.

    Should resolve the smell issue on initial A/C on....

    I have not done this with our GS, but this should work to clear the vents/pan of any condensation.

    And yes, charcoal is a wonder...

    16.1K:nerves:


    Salamat bro!

    Try ko charcoal, mga gaano kadami? at saan ko ilalagay?
    Last edited by jdee12; July 5th, 2012 at 12:03 AM.

  6. Join Date
    Oct 2002
    Posts
    10,819
    #3336
    Quote Originally Posted by jovill View Post
    Sino nagbayad?
    P400 sa akin, P400 dun sa other party. kung di ka magbabayad e wala kang copy ng report so nasa iyo yan pards kung magbabayad ka o hindi. kung sa tingin mo e di mo need ang police report e di don't pay.

  7. Join Date
    Dec 2005
    Posts
    39,172
    #3337
    Quote Originally Posted by jdee12 View Post
    Salamat bro!

    Try ko charcoal, mga gaano kadami? at saan ko ilalagay?
    About a handful bro.,- ilagay mo sa isang plastic container na walang takip. Place it underneath the seat. Para sigurado kang hindi matatapon,- place the plastic container in a small plastic bag na bukas....

    Ako, one in front, and one at the back...

    16.1K:nerves:
    Last edited by CVT; July 5th, 2012 at 08:16 AM.

  8. Join Date
    Dec 2005
    Posts
    39,172
    #3338
    Quote Originally Posted by yebo View Post
    P400 sa akin, P400 dun sa other party. kung di ka magbabayad e wala kang copy ng report so nasa iyo yan pards kung magbabayad ka o hindi. kung sa tingin mo e di mo need ang police report e di don't pay.
    Bro.jovill,- kung ako ang tatanungin mo,- magbayad ka na rin lang... Baka mabago ang resulta ng police report.... Alam mo na...

    On another topic,- wala bang nadaraan sa inyo sa intersection ng C5 at Kalayaan? Dito iyong nagta-traffic dahil pinapara ang mga sasakyan for smoke belching test. Wala ba kayong engkwentro na pinara ang inyong GS?

    Sobra kasi rito, pati mga bagong Crosswind (plate number Pxx),- pinapara nila for the on-the-spot smoke belching test... I saw a couple of them in one instance,- isang nakapara at isang nakaparada na mukhang bumagsak ng test.

    Not because I am not confident with our ride, but then again,- they could alter the test to make any diesel ride fail, plus the abala....

    16.1K:nerves:
    Last edited by CVT; July 5th, 2012 at 08:20 AM.

  9. Join Date
    Oct 2002
    Posts
    6,385
    #3339
    *CVT,
    I've seen those vultures there. And also before along Kalayaan Ave in between South Ave and N. Garcia. So far they haven't tried stopping me on either of my 2 diesel rides, thankfully. Might still be apprehensive to get in front of a fast big van or suv with a big grille.

  10. Join Date
    Nov 2011
    Posts
    538
    #3340
    Natutuwa lang ako sa GS kahit sudden acceleration ko hindi pa nag-eemitt ng smoke.

2008 Hyundai Starex (Gen. 4)