New and Used Car Talk Reviews Hot Cars Comparison Automotive Community

The Largest Car Forum in the Philippines

Page 1 of 3 123 LastLast
Results 1 to 10 of 30
  1. Join Date
    Apr 2017
    Posts
    49
    #1
    Good day mga boss! Hingi lng sana ako ng inputs nyo, sakit na kasi sa ulo..
    Honda Civic FD 2.0 pala ung model ng sasakyan, K20 engine automatic transmission.

    Nakapagpalit na ako ng radiator ung 2 rows.
    Nagpalit na rin ako ng upper and lower radiator hose, thermostat, coolant filler neck, radiator cap, engine coolant temp sensor,chaka ung maliliit ng bypass hose sa throttle body. Lahat brand new na orig para wala na ko iisipin kaso ito nagbabawas pa rin ako ng coolant sa reserve.

    50/50 na prestone ung coolant na gamit ko then nag leak test kami nung ma install na lahat, hindi naman
    bumaba ang pressure sa gauge. Both fans working dn, wala rin naman tama ang head gasket. Nag bleed na rin ako for an hour ata, then kinabit ko na ung cap then sinarado ko na ung hood.
    Kinabukasan halos ubos ung laman sa reserve, so goods lng nag fill up ako uli almost dun sa max level then bumiyahe ako approx 40kms. The next day nasa gitna na ng minimum at max ung level ng coolant sa reserver minarkahan ko na para ma monitor then gnun uli ginamit ko sya pamasok for 2 days nabawasan nanamn ung coolant sa reserver ko.

    Every morning po ako ng che check ng coolant level sa reserve. BTW ung tubig sa radiator oks naman pero ung sa reserve nagbabawas in a span of couple days top up nanaman ako.

    Naisip ko rin na baka water pump kaso maliban sa mahirap sya masilip, kung water pump pa to nuon pa bumigay ksi initially nagbabawas na ako ng coolant bago pa masira ang radiator ko, so inisip ko in the span of how many years sana bumigay na sya. Then nung nag pressure test okay naman sya, hindi bumaba ang pressure. mga 5 or 10 minutes dn ung pressure test namin.

    Okay rin po lahat ng hose clamps and fittings ng mga hose.

    Thank you po in advance sa mga suggestions nyo mga idol, frustrated na ksi tlaga ako di ko na alam ano pa gagawin.

  2. Join Date
    Jul 2013
    Posts
    6,474
    #2
    reminds me of our tita's 3rd Gen Vios.

    Nag-overheat ba Civic mo?

    ngayon lang ba yang issue? o last year pa?

  3. Join Date
    Apr 2017
    Posts
    49
    #3
    Quote Originally Posted by ice15 View Post
    reminds me of our tita's 3rd Gen Vios.

    Nag-overheat ba Civic mo?

    ngayon lang ba yang issue? o last year pa?
    hindi naman po.
    since nakuha ko po ung sasakyan ng 2021 nagbabawas na sya ng coolant.
    top up top up lng po ginagawa ko.

    nitong november 2024 nag leak na sa taas na part ng radiator ung coolant, may tagas na sya so nagpalit na po ko.
    ngayon gnun pa rin po, nagbabawas pa rin ako ng coolant sa reservoir.

    paano po na fix ung sa vios nyo sir?

  4. Join Date
    Jul 2013
    Posts
    6,474
    #4
    Quote Originally Posted by kaloi01 View Post
    paano po na fix ung sa vios nyo sir?
    more than 1 year nang ganun... nagbibit-bit na lang sya ng 1gallion SM Bonus distilled water kapag summer -

  5. Join Date
    Apr 2017
    Posts
    49
    #5
    Quote Originally Posted by ice15 View Post
    more than 1 year nang ganun... nagbibit-bit na lang sya ng 1gallion SM Bonus distilled water kapag summer -

    copy sir thanks pa rin sa inputs.

  6. Join Date
    Apr 2017
    Posts
    49
    #6
    Isang bagay pa po pala na na notice ko is pag ang takbo ng ko is nag re range lng po from 20kph - 70kph pag park ko and pag open
    ko ng hood to check level sa reserve nasa gitna lng sya tumaas lng ng kaunti sa minarkahan ko sa gitna ng minimum at max mark.

    pag hataw naman po ang takbo ang coolant level sa reserve ko ay umaabot sa max ( bali parang tumaas sya ng less than an inch mula sa minarkahan ko )
    possible po ba na air pockets? mali ako ng pag bleed?

  7. Join Date
    Jan 2009
    Posts
    6,192
    #7
    Kung nagbabawas coolant at walang obvious na leak sa engine bay, pwedeng ang tagas nasa head gasket.

    Tanggalin lahat ng sparkplug at tandaan mo kung ano original position nila. Comapre mo kung sino pinaka-malinis at doon malamang yung singaw. Better kung may borescope ka para masilip mo condition ng bawat cylinder. Dapat pare-pareho ang itsura nila. Kung maeron isa o dalawang cylinders na malinis, pagdudahan mo na.

    Another possibility ay sa heater core... Di ba amoy coolant yung cabin?

    Ilan na odo? Baka dapat palitan na rin water pump... lalo kung di ka gumagamit ng Type 2 coolant... baka kalbo na yung impeller nyan.

  8. Join Date
    Apr 2017
    Posts
    49
    #8
    Quote Originally Posted by oj88 View Post

    goods naman sir sa head gasket.
    di naman nag aamoy coolant ung cabin.

    134k na ung odo nya, sa coolant naman sir kampante ako kasi sa brother in law ko sya galing.
    nung npnta sakin type 1 ginamit ko na coolant.

  9. Join Date
    Jul 2013
    Posts
    6,474
    #9
    kung hayaan mo lang sya magbawas... nauubos ba coolant mo?

  10. Join Date
    Apr 2017
    Posts
    49
    #10
    Quote Originally Posted by ice15 View Post
    kung hayaan mo lang sya magbawas... nauubos ba coolant mo?
    parang ayaw ko umabot sa ganun sir, nagbabawas kasi so baka matuluyan nga maubos ung coolant sa reserve.

Page 1 of 3 123 LastLast

Tags for this Thread

Nababawasan ang coolant sa reservoir honda civic