Results 31 to 40 of 47
-
January 20th, 2010 08:33 AM #31
* Frake - no problem sir, may mga friend din ako dun nagpapagawa ng suspension nila wala naman din silang reklamo saka mabait ung mga tao... dun din ako nagpatangal dati ng lug nut ko na kinalawang at ayaw matangal sa gulong ko kasi 1 year kong ndi nagamit ung oto... binigyan ko lng ng 150 as a tip para tangalin ung nut... nag welding pa sila nun para idikit ung tool sa nut kasi bumilog na ung ulo nung lug nut ko..
* hindiakocjek - Nakuha mo ba ng pangalan nung nag sabi sayo ng 350 para mag jump start?
-
January 22nd, 2010 02:16 PM #32
its hard to earn money now a days, pero dapat naman inde ganung kaaobvious na pera pera lang talaga.. hay naku kaya inde tayo umaasensyo eh.. eto dapat sa mokong na tao na yun
-
January 22nd, 2010 09:01 PM #33
Baka iba ang tinutulak ng guy kaya...mura na yung 350 (sa akala niya)
-
Tsikot Member
- Join Date
- Jun 2008
- Posts
- 2
July 24th, 2010 11:22 AM #34
I also have a good experience on this branch.. I think this branch is what they called the Main branch..
Minsan sumubok akong magpagawa sa zafra mandaluyong kasi malapit lang dito sa min.. ok naman nung una tinest drive kotse tapos inangat saka sinabi kung ano yung mga posibleng problema tapos binigyan ako ng presyo 1800 lahat na daw yun kasama na kung anuman makita pa nilang sira para mawala kalampag sa harap... nagkasundo kami sa 1500, inisip ko ok na rin kasi baka may makita ngang malala e di nakamura na ko.. kaso wala naman palang masyadong problema, hinang lang ng ball joint ang ginawa.. sabi ko nga sa sarili ko mukhang talo ako dun kaya pinalinis ko na lahat ng break pads/drum para na rin di masyadong lugi..
pagkatapos ng gawa e di test drive ulit.. ok na nga pero nagulat ako nung sinabi nung kausap ko na bigay ko lang sa kanya yung 1500 kasi paghahatian daw nila yun sa mga gumawa tapos yung camber lang na pinagawa ko rin ang ilalagay sa resibo.. wag daw akong mag alala kasi natatandaan niya ko at meron akong 6 months warranty..
after 1 week may nadinig akong kumakalog sa harap e di binalik ko ulit.. paglapit ko dun sa gumawa sa kin di na maalala kung ano daw ginawa sa kotse ko.. buti na lang yung pinaka in charge yata sa branch na yun ang nakakilala sa kin kaya ayun siya na sumama sa kin i test drive ulit.. clip lang pala sa break pads yun kaya kumakalog yung pads.. pagkatapos nun di na ko ulit nagpagawa dun..
kaya ngayon balik Zafra Bautista na ulit ako... kahit malayo sa min ok na dun kasi bago sila gumawa talagang detalyado ang estimate sheet nila.. negotiatble pa ang labor cost at nagbibigay talaga ng warranty card pagkatapos... ang cons lang e dapat maaga pa lang andun ka na kasi laging punuan.. kahit 5 na ang lifter nila pipila ka pa rin sa dami ng nagpapagawa lalo pag week end.
-
January 11th, 2011 10:28 AM #35
Buhayin ko lang po ulit tong thread na to...any feedback for Zafra located at Bagong Ilog along C5 Pasig City?
-
January 11th, 2011 08:26 PM #36
-
January 11th, 2011 09:54 PM #37
grabe naman yan!
back in college, nung nadaan ako sa isang deeply flooded na part ng araneta ave enough para mapasok yung loob ng adventure ko pag huminto....
may mga istambay don, pinatay ko makina before I entered the flood then tinawag ko sila....limang tao yun....mga 80 meters din yung tinulak nila nagbigay ako 100 after tuwang tuwa na sila....
-
January 24th, 2011 02:55 PM #38
ano pakiramdam pag pinakita mo sa nag bigay sa ng options na binigyan mo ng tig 500 yung mga tumulong sayo???
-
Verified Tsikot Member
- Join Date
- Jun 2009
- Posts
- 24
January 26th, 2011 10:05 PM #39Pag ako nasa paligid non kahit marami akong dala tutulong ako sa tulak.
Thank you lang or kahit senyas lang or thumbs up or busina lang ok na.
Pero may hindi ko makalimutang experience sa SM North Edsa. Sobrang daming tao sale kasi so hindi ako nagdala ng sasakyan kasi full parking for sure so plan ko mag bus or taxi. So sa dami ng tao sa labas ako ng SM North nag-abang ng taxi or maluwag na bus.
Then my taxi na super bagal and stopped. Then sumesenyas siya sa loob na "tulak-tulak". So ako naman naisip ko baka yung senyas niya ay doon lang yung daan niya papunta doon so senyas din ako na " oo doon direksyon".
Nag windows down siya then sigaw, "Tulak mo!" (para bang sinasabi na T*nga ako at hindi ko alam yung sinasabi niya. So mabait naman ako pero nainis kasi bastos ang pag-hingi niya ng favor. So sabi ko "sige tapos hatid moko pa-monumento edsa".
Ang sabi ng mokong " Hindi ako papunta don. Tulak lang." So ako naman ABA! bastos to ah!. Sabay sabi ko pwede ko ba mahiram lisensya niya at rehistro ng taxi niya tapos itabi niya yung sasakyan.
Buwelta niya "Ay sorry chief, Pasensya na po talaga ayaw po talaga kasi mag-start at kelangan ko pa mag-boundary". Sabi ko " bastos ka kasi eh, Papahatid lang ako sa presinto sa sangandaan bastos pagsasalita mo eh." Sabi niya "sorry po talaga sir" sabay labas at siya ang nagpara sakin ng taxi. "Kuha ko kayo sir ng taxi teka" At todo effort siya sa gitna mismo nanghaharang ng taxi sa edsa".
Tapos ayan may taxi na, Sa bahay ako nagpahatid at hindi sa presinto, Joke lang na pulis ako haha. Pero malamang natuto siya na maging polite kahit talagang masakit sa ulo ang trabaho nila.
-
January 27th, 2011 01:03 PM #40
matagal na pala tong thread, well anyway sana hindi na maulit yung pag-taga ng Zafra.
*boy_tino: Alam ko din yung Zafra Roosevelt. Pansin ko nga bihira ang nagpapa-service sakanila. Yung katabing carwash ng Zafra hindi sakanila yun. Nagpakabit kasi ako ng seatcover at sabi sakin ng carwash boy nagrerent lang daw sila ng pwesto. 10k daw binabayad nila monthly. Isa na namang taga ba ito ng Zafra?O fair naman ba ang 10k dahil along Roosevelt ave?
At i remember nung mag-iinquire ako magpa-camber meron isang customer na galit sakanila. inis tlaga yung customer tapos umalis na lang. Ikaw ba yun Sir boy_tino?
Will wonders never cease with Motolite? Ha ha.
Cheaper brands than Motolite but reliable as well