New and Used Car Talk Reviews Hot Cars Comparison Automotive Community

The Largest Car Forum in the Philippines

Page 8 of 10 FirstFirst ... 45678910 LastLast
Results 71 to 80 of 91
  1. Join Date
    Sep 2007
    Posts
    8,452
    #71
    noon, sa sobrang ngatog ng paa ko nung nagaaral ako magdrive, nakayapak lang ako. pero unti unti ko naman nagagawang mawala ang pangangatog ng paa ko

  2. Join Date
    May 2009
    Posts
    4
    #72
    ako naman...haha...very funny topic...new driver lang din...last January lng ako nag-aral...nabili na nga un car, di pa ko marunong magdrive =P, 1st car ko un. Student license pa.

    Morning after madeliver un car, tinest drive ko na (kahit di marunong), may go signal naman ni Mommy...iatras abante ko raw. so un ginawa ko..I drove up one block lang naman with the side mirrors folded. kasi natakot ako sumabit e. I saw side mirrors then as hazard...sabi ko pa, ano ba talaga use nun e sasabit lang naman...un tpos may liko na, di ko na alam pano mabalik...so lumabas na ako at nablank...di ko na alam un next na gagawin e, paglabas ng mom ko, tinawag niya na ung neighbor namin, siya na nagbalik, tapos natawa sila sa ginawa ko...haha, ciempre, nakitawa na lang din ako.

    ang lakas ng loob ko noh!

    1st real drive ko sa admu. maluwag kasi pag walang pasok...di pa mahigpit ang mga guards...Nagpaturo lang ako sa friend ko kasi nga iba pag family member ang nagturo...puro bad words abutin mo...at mas nakakakaba...

    Full turn sa parking lot..walang lane lane...haha...barefooted din ako kasi nga galit sa gas...impatient pa'ko..kaya lumipat kami sa boni high..ang lakas talaga ng loob..try lang ng try...ayun, nikain ko na ung lane ng isa pang yaris! Puro beep beep inabot ko! Haha! 1st real drive un! kaya thanks sa teacher ko! =D

    Ang aga ng mga experiences ko..parang personal blog na nga toh..haha..wala pang 1 month, nabangga ko na...di pa ok mgdrive, nagsolo na..aun, inabot ung nakapark na car...(e ang dilim e!) dun ko lang na notice na, pacurve pa la ung body nito sa rear...Nakabangga na rin ako ng tao nung pinagdrive ako sa laguna, pero dumikit lang naman ung side mirror sa siko ng traffic aide...ayos noh! my license na ako nun..so don't worry! haha

    after 2 months naman, pumunta kami ng pier, MV Doulos, map lang ang dala ko...sabi ko sa dad ko alam ng officemate ko un papunta dun para lang payagan ako...ayun ok naman...nung pauwi, nauna ung brown uniform(TMG)...muntik na...un blue, ayun, nayellow lane ako..what was I thinking! dumaan ako sa pink fence, kahit feeling ko may mali..pero ciempre iniyakan ko na si manong mmda...salamat! nakita naman na bago license ko..2 mos. pa lang..kaya ayun I went home ticketless!


    grabe talaga! di pa ako magaling na driver pero so far, ok naman...

    Napansin ko lang ng nag-aaral ako, eto un order ng obstacles I tackled:

    1. Lanes - pag estimate if my car is on the right lane ( dati un side mirror niset ko nakita un white lines at body ko, un ung una ko ginawa para matancha un lanes, tapos nicorrect lang ni Kuya, sabi nya, ano mas importante, kita mo nga un katawan ng kotse mo, di mo naman kita ung mga paparating na kotse sa likod mo)

    2. Turns - nun fist time ko, two hands ang liko, tapos abrupt...un parang ikaw naghahabol sa steering wheel.

    3. Parking - medyo ok lang naman toh...pero di pa ko expert

    sige i'll park
    my fingers na..sleepy na din! good luck sa work bukas!

  3. Join Date
    Oct 2008
    Posts
    113
    #73
    ako naman natutu ako nung 16 palang ako, alang nagturo sakin nun,...nakikinig lang ako sa papa ko habang tinuturuan nya si mama,tsaka natuto din ako sa mga sigaw ni papa nun kasi nagsisigawan silang dalawa sa kotse eh..hehe...ayun dun lang ako natuto, tapos konting apply lang ng common sense...nagpraktis nako dun sa garage namin, atras abante lang..actually parang mas marunong nga ako sa mama ko eh, ang hirap kasi sya turuan......pero ngayon ayaw pa ko pakuhain ng license, pag 18 nalang daw....masaya ako kasi mag 18 nako eh .

  4. Join Date
    Sep 2007
    Posts
    8,452
    #74
    nagumpisa ang interest ko sa pagdridrive nung ang dala pa na sasakyan ni erpats eh lumang fj40 land crusier. lagi niya ko kinakandong sa lap niya. that time, 4 years old palang ako. pinapahawak na sa kin noon ang manibela pero nakaalalay siya noon. tapos yung mga nasa arcade na rides, pinapatulan ko at tuwang tuwa na ko noon, na feeling ko, ako na ang driver. hindi naman ako nagsabi na gusto ko magdrive pero si erpats na ang nagkusang turuan ako ng basics. i remember, grade 1 or 2 ako noon, pinapastart na sa kin ni erpats ang fj40. since manual tranny yun, tinuro nya sa kin na dapat ganito ganyan ang pagstart. so ayun, konting practice pa at hanggang sa ako na ang pinapastart ng sasakyan every morning bago ako ihatid sa school.

    grade 4 ako nung una ako turuan ng tuluyan ni erpats sa pagdrive, nissan pick up na ang sasakyan namin nun. natakot ako kasi palagi ako namamatayan ng makina. paikot-ikot lang kami noon sa place namin. dun din nya ko tinuruan ng shifting. 2nd try ko, nakaabot na ko sa 4th gear, sabi ko mukhang mabibilisan ako matuto magdrive. pero hindi pala, kasi nahinto ako sa pagdrive. ang naging practice ko nalang eh ang paglabas-paosk ng sasakyan sa garahe. 4th year high school na ko nung nakahawak ulit ako ng manibela at dun, sobra ang kaba ang nginig ng paa ko na nagdridrive ako ng barefooted. sige lang practice ko nun hanggang sa nawala at pinakuha na ko ng student permit. after 3 months ko hawak ang permit, kumuha na ko ng non-pro pero hindi pa rin ako pinapayagan magdala ng sasakyan.

    just two years ago lang niya ko pinayagan magdala ng sasakyan, yung fx namin, just after maipasa ko ang board exam ko. then just half a year after nun, binili na ang una kong sasakyan at dito na ko naging full pledged driver ng pamilya, ng tropa, at syempre ng mga dinadate ko

  5. Join Date
    Oct 2009
    Posts
    2
    #75
    Di ko alam kung nasa tamang thread ako.

    Mga 3years na din mula nung natuto akong magdrive, kaya lang sa A/T yun, ngayon magpapalit na kami ng car M/t na sya.

    mahihirapan ba ko mag M/T kahit na may experience na ko sa pag drive?

  6. Join Date
    Aug 2009
    Posts
    197
    #76
    Yes sir mahihirapan ka. pero sa pag papatakbo lang kase im sure mamamatayan ka nyan kase you dont know how to release clutch pa at bigay gas kung galing ka sa AT. lalo na sa hanging baka umatras ka kase titimplahin mo clutch at gas mo. pero dali lang yan sir pag aralan mo lang timpla ng clutch at gas. atras abante ka lang muna

  7. Join Date
    Nov 2009
    Posts
    20
    #77
    Late Bloomer ako when I learned to drive, 26 yrs old so "totoy" pa rin sa dra drive. 1st time ko magkasasakyan when i was 27 yrs old (a 3AU Owner type jeep). It was a saturday when i invited my workers to go to SM, 1st time ko magpunta ng malayo layo.

    Namatayan ako ng makina twice habang traffic and worse, nung magparada ako sa carpark ng SM, hindi tuwid , a almost 1 dangkal na lang bangga na sa adventure, iniwan ko na lang ng ganun sa takot, pinagtawanan ako ng mga kasama ko. Nung, bumalik na ako para umuwi, salamat at nawala na ang adventure. Ano kaya naiisip nung driver ng adventure hehehe.. Hanggang ngayon naiilang pa din ako magpark lalo na pag na sandwich ako ng 2 sasakyan sa kalye pero mas Improved na ako.

  8. Join Date
    Mar 2008
    Posts
    199
    #78
    ako din dati, sa matic ako nagsimula. hirap ako sa manual pero ok na ngaun

  9. Join Date
    Jan 2010
    Posts
    8
    #79
    ako..

    mahilig ako sa arcade noon time na hindi pa ako natutuo mag-drive....

    14 pa lang ako nung time na tinuruan ako ng 2nd cousin ko..
    (pinsan ni ermats).. wayback 2002.. 2 nights lang ako tinuruan..
    sa province nila sa ormoc..

    di ko malimutan yung ginawa sa akin nun...

    papa-drive daw nya sa akin yung suzuki vitara..
    madali lang daw kasi automatic...
    ako naman tamang kaba kasi TOTOONG AUTO NA ANG GAGAMITIN KO:shocked:
    so ang ginawa sa akin..
    pinatagay ako ng dalawang baso ng pale pilsen..

    hehehe
    ayun!!! lumakas na ang loob at dun ako nagsimula...


    tapak sa break..
    lagay ko sa D yung cambio..
    ayun!! takbo na..

    nung una medyo nahirapan ako kasi sa arcade...ang steering wheel..
    hindi masyadong malaking ikot...unting ikot lang..sagad agad

    pero yung ginamit ko yung vitara...hinahabol ko yung steering wheel...
    kasi ang laki ng ikot...

    sabi ng pinsan ko...relax lang...

    wala pang 5mins...ayun kuha ko na!!

    tpos nung time na pinag-reverse ako... inilagay ko naman sa R
    biglang tapak ba naman ako sa gas pedal...ayun!! muntik na akong maka-atras ng tao...

    sabi sa akin....tingin ka sa likod mo pag-aatras ka..
    ayun mga 1hour later.. kuha ko na...dali lang

    then nung second night..ako pinag-drive pauwi sa kanila..
    tamang kaba ulit!! 2 bottles again of pale-pilsen..hahahaha

    ayun walang tao, walang kotse, put the pedal to the metal!!
    hahaha full throttle...!!!

    tangal daw amats nila nung ginawa ko yun!! kasi delikado daw yung
    ginawa ko...ayun!! wag mo na lang daw uulitin yun..next time..

    ayun!!! after 2yrs...dito na ako nagformality mag-drive..
    nung time na nakuha ni ermats yung brand new revo namin sa toyota makati...

    dito na ako na-challenge!

    from AT to MT!!!

    but this time... no bottles of pale pilsen na!!
    seryoso na ang usapan dito..

    bagong kuha sa casa, ayun pinagpraktisan ko agad..
    barkada ni erpats nagturo sa akin...

    namangha ako sa kanya nung pinakitaan nya ako ng primera
    na hindi bumababad sa clutch...kahit trapik hindi nya binabad
    saka lang nya tatapakan pag hihinto!!

    sabi ko paano yan!! ayun tinuran nya ako..
    nung una nahirapan ako dahil 2yrs din ako hindi nakapagdrive..
    saka hirap din ako kasi may cambio na akong ginagalaw!!

    madalas akong mamatayan ng makina noon..hehehe

    parang rollercoaster yung revo namin nung time na pinagprakitsan ko!
    biglang kabig!! kasi puro kurbada! hahaha! sa loob ako ng subdivision tinuruan...buti din nung time na iyon..wala pang masyadong tao saka malawak ang kalsada...

    di ko din malimutan nung time na nagalit yung barkada ni erpats sa akin
    humataw daw agad ako saka nung time na kumambyo ako
    siguro nasa 25KM/HR galing segunda, binalik ko sa primera!!
    ayun!! katakot takot na sermon ang inabot ko!! baka daw maputol yung crankshaft ng sasakyan namin sa ginawa ko!!

    pagkatapos ng training ko....hindi pa natatapos ang lahat!!
    nasermunan din ako ni erpats!! dahil ginagawa ko daw racecar ang sasakyan namin...ginagawa ko daw arcade yung sasakyan namin..

    2 days lang din ako tinuruan ng barkada ni erpats..

    wala pang isang linggo after nung time na tinuruan ako

    at dumating ang pagkakataon na iniwan ang susi ng kotse!!
    nasa makati sina ermats at erpats!! at ako naman nasa cavite!!
    ang sabi lang sa akin, ibaba lang ang kotse dahil lalagyan ng pebbles yung grahe namin..

    AYUN!!! HAHAHAHAHA!!! TAKAS NA!!!!! SELF-LEARINING NA TO!! :naughty2:
    nagsawa ako!! hataw dito hataw doon!! hahaha!!
    banat agad ng 80KM/HR sa LOOB NG SUBDIVISION!!!
    dahil malawak ang kalsada namin at walang pang masyadong tao!!
    kaya OK LANG

    PASAWAY!!!

    dun na nagsimula ang driving skills ko!!! take note!! WALA PA AKONG LICENSE NUNG TIME NA IYON

    lakas ng loob!!! ako lang mag-isa!!!!
    kusa ko na lang natutunan yung mga bagay tungkol sa pag-mamaneho..

    lalo na yung pa-akyat!!! buti na lang may bridge na matarik sa loob ng subdivision namin!!! ayun!! kusa mo palang matutunan yun..
    hindi ako nagtry magpa-akyat dati...siguro mga 2months bago ko sinubukan magpa-akyat ng sasakyan sa tulay!!

    parking, atras, abante, pagmamane-obra! braking, handling,..

    nadale lang ako isang beses...

    muntik nang tumaob sasakyan namin dahil sa lintik na gutter..hahaha!
    may chicks kasing naglalakad..ayun nalingap ako..nagulat na lang ako na biglang...BOOM!!! akala ko tataob na ako buti na lang..
    kabisado ko na yung sasakyan namin...tamang preno lang..


    nagkataon pa na panghapon ang sked ko dati nung highschool ako!!
    kaya every morning!! tulog pa sna erpats at ermats!!!

    bantay salakay!!! then!! TAKAS THE CAR!!!

    ayun!!! halos isang taon din akong nag-drive sa loob ng subdivision!!
    nung naging 17 na ako..kumuha na ako ng student license!!
    pinatulog ko lang ng isang buwan!! walang ka-alam alam magulang ko!!

    MAY NON-PRO na ako

    ayun!!!!

    dating GAWI!!! TAKAS THE CAR PAG WALA SILA!!
    this time!!! hala, EDSA, COASTAL, SKYWAY, bsta highway...
    ayun!!! hataw to the max!!!

    trapik!!! sabayan to the max din!! gitgitan dito gitgitan doon!!
    maraming pasaway sa kalsada!! lalo sa EDSA!! pag di ka nakipagsabayan
    ipit ka!!

    dun ko din na-realized na MARAMING PASAWAY SA KALSADA!!
    saka habang tumatagal....dun na din na-develop ang pag iingat ko sa kalsada!!

    lalo na pag may mga pasahero ako na dala sa sasakyan namin
    from agressive to defensive... pero depende pa din sa situation..

    nagsawa din ako!!

    kaya ngayon, 21 na ako, pag gusto ko na lang magdrive yun na lang...
    mas masarap mag-commute eh!!! hehehe mahal pa ng gas!!

  10. Join Date
    Mar 2011
    Posts
    31
    #80
    Reklamo ko sa nagturo saken dati, masyadong syang OA kapag merong mga obstacles, kala nya I would not be able to handle it kaya ako naiinis. :D Kasi bigla nyang hinahawakan ang manibela.

    Ngayon tinuturuan ko si esmi, mas matindi pala ako sa nagturo saken )

    As in nagpipintig ang tenga ko hehehe!

    Madali naman ako natuto, even sa hanging. Pinaka malaki kong damage e sumabit ang tagiliran ng likod sa poste dahil ang sikip ng intersection at may nakabalandrang concrete blocks sa may gitna. :D

Page 8 of 10 FirstFirst ... 45678910 LastLast
Basics of Driving. Experiences nung "totoy" pa kayo sa driving.