Results 1 to 10 of 91
Hybrid View
-
October 2nd, 2006 03:55 PM #1
Hi mga sir!
Lahat naman po ata dito dumaan. Pa share na lang po nung mga experiences nyo nung nag aaral pa lang kayong mgadrive. How-To's and Tips and tricks sa driving na natutunan nyo na baka makatulong sa mga baguhan. MT vs AT, nakahang o stuck sa traffic na uphill, highway driving and paano magdrive sa mga nakakainis na daan ( lalo na sa edsa ). :meeting:
-
October 2nd, 2006 04:01 PM #2
naku..hindi ko na matandan. nung natuto kase akong mag-drive, si Ferdinand Marcos pa ang presidente at si Ninoy Aquino eh nasa Boston pa.
-
October 2nd, 2006 04:06 PM #3
ako laging namamatayan ng makina, lalo na from complete stop.
ang ayaw na ayaw ko ay yung hanging pataas tapos traffic he he. practice mo mabuti yun.
-
October 2nd, 2006 04:11 PM #4
palagi me namamatayan rin from complete stop. lalo na pag may kasama me na habang magaral magdrive. pag ako lang magisa, parang ok naman.
kabado. hahaha. takot din ako sa edsa kaya sa konting sasakyan muna. village ng pinsan ko. wala gaanong kotse. yung "timpla" ng clutch at accelerator ba habang hanging ka sa uphill kanya kanyang "timpla" lang ba talaga yun o may dapat kang sinusunod?
-
October 2nd, 2006 04:16 PM #5
kanya-kanyang timpla siguro ako nga noon todo apak sa clutch para hindi mamatay makina.
-
October 2nd, 2006 05:35 PM #6
Hmmm... I've spent the last ten years trying to unlearn what I was taught when I was learning to drive... anggaling naman kasi ng mokong nagturo sa akin...
Ang pagbalik ng comeback...
-
October 2nd, 2006 06:19 PM #7
ahehe.. naaalala ko pa.. when i was around kinder or grade1, my dad or my uncles would sit me on their lap and let me take the wheel. then when i was in grade 3 or 4 they'd let me shift. so by grade 6 i knew how to drive. ofcourse I can barely reach the pedals and see beyond the dash then
another thing i remember was.. i thought that as i worked my way through the gears that i dont need to downshift anymore even after slowing down. kala ko laging nasa quarta nalang sha
-
Verified Tsikot Member
- Join Date
- Aug 2006
- Posts
- 17
October 2nd, 2006 08:52 PM #8Dito ako nagpraktis sa Saudi way back 1998,wala pa akong lisensya, pahiram hiram lang , kaso bumaon ako sa buhangin akala ko pwede pwersahin sa silinyador pero lalong bumaon.Buti na lang me tumulong sa aking trailer... hinatak nya...
-
October 2nd, 2006 11:27 PM #9
namatayan sa makina sa stop ay okey lang... yung nagpa-panic kung namatayan ng makina sa traffic ang hindi okey.
Last edited by rion; October 3rd, 2006 at 09:27 PM.
-
Verified Tsikot Member
- Join Date
- Oct 2005
- Posts
- 51
October 2nd, 2006 11:55 PM #10ako naman grade 6 ako, gumising ako ng maaga para walang tao first time ko magdrive nilabas ko yung oto sa garahe paatras sobrang excited ko nakalimutan ko isara yung pinto ng oto. pag atras bumangga sa gate namin yung pinto ng oto wasak. nagising erpats at ermats ko ayun palo sa pwet
hahaha
How much room do you have between the battery terminals and the hood seeing the the 3SM is much...
Cheaper brands than Motolite but reliable as well