Results 1 to 3 of 3
-
August 20th, 2010 11:54 AM #1
guys, im buying this explorer 2001. the price is right, the exterior is awesome. parang bago. pero siyempre sabi nga nila makina padin ang pinakaimportante. ang medyo hindi ko lang talaga gusto with this car is yung mileage niya is 100k na.. pero casa maintained naman daw po ito sabi ng seller. so is it really ok na kht mataas ang mileage ng kotche as long as its casa maintained? ibig sabihin po ba neto ay safe naman po na bilhin ito kahit na nasa 100k na ang tinakbo? TIA
-
August 20th, 2010 12:39 PM #2
100k mileage for 9yrs old car is not bad for me. Mababa pa nga yan kung tutuusin mo.
100,000/9yrs that is 11k km/per year. Ako ave ko per year is 18,000km
Ang mahalaga dapat marunong ka tumingin ng Sariwa O restored lang na interiors at well maintain engine. Sa Ford tranny ang kabahan ka pag hindi well maintain medyo malaking gastos yan. Tsaka casa maintain ano proof nya. Marami nagsasabi ng casa maintain pero wala naman maipakitang proof. Hirap pa nga kung minsan sobrang tiwala sa casa tapos hindi man lang sinilip kung pinalitan ba dapat palitan. Especially yun mga fluids. May mga cases na hindi pinapalitan sa CASA yun diff and tranny fluids. may sindekato na yata sa CASA. Ngayon kung Restored lang interior at hapy kanaman pwede narin siguro yan tapos test drive mo matagal wag ka mahihiya kung ayaw nila marami pa iba dyan. Sarap bumili ng Ford kasi ang mura ng 2nd hand ok rin Explorer sarap gamitin yan. Ingat lang.
-
August 20th, 2010 01:01 PM #3
thank sa advice sir.. yeah, im planning na itest drive ng matagal. hehe well actually sabi naman niya he has all the proof and receipt para mapatunayan na casa maintained daw yung kotche. sana maging ok. ;p
btw any advices kung pano ko malalaman na palyado na yung tranny ng explo? any signs? or what? and ano pa po ba ang dapat ko icheck out ng sobra sa explo 2001? thanks again!
2025 BYD Seal 5 Premium Review: Best value hybrid at PHP 1.2M? AutoIndustriya - - - - - - - - -...
BYD Philippines