New and Used Car Talk Reviews Hot Cars Comparison Automotive Community

The Largest Car Forum in the Philippines

Page 4 of 11 FirstFirst 12345678 ... LastLast
Results 31 to 40 of 107
  1. Join Date
    Oct 2012
    Posts
    1,465
    #31
    mas maganda magpractice sa may bandang SM Fairview/Jordan Plains, maraming uphill/down shill, humps, makitid ang daan, dun din ako natuto magdrive, kung malapit ka dun, try mo. good luck.

  2. Join Date
    Dec 2005
    Posts
    39,172
    #32
    Quote Originally Posted by robot.sonic View Post
    hahaha! tama! i postpone ko muna pagpapagawa ng bumper at fender ngayon. may mga tama na e. driving school na nga lang. tapos practice practice sa UP.

    Salamat mga sirs.
    Teach her the basics bros,- para hindi masayang ang oras na ulitin ang mga ito sa driving school.

    Drive kaagad....

    17.8K:snow:

  3. Join Date
    Mar 2010
    Posts
    2,209
    #33
    sige. sundan ko yung sa day 1 ng smart driving. adjust ng side mirror, 10:10 driving position, adjust ng upuan. start ng kotse. hehehe. sana mahanap ko pa yung sa A1 na driving manual.

  4. Join Date
    Mar 2010
    Posts
    2,209
    #34
    Quote Originally Posted by d'flash View Post
    mas maganda magpractice sa may bandang SM Fairview/Jordan Plains, maraming uphill/down shill, humps, makitid ang daan, dun din ako natuto magdrive, kung malapit ka dun, try mo. good luck.
    medyo malayo sa akin yang fairview sir. mukhang UP ang pinaka viable na option. yun nga lang alam ko bawal don. siguro sa summer break na lang para mas safe. hehehe.

  5. Join Date
    Apr 2009
    Posts
    316
    #35
    *TS: if you could borrow a diesel AUV, mas madali magtimpla ng clutch compared sa gas-fed cars if you'll opt to teach her a M/T. the likes of the Adventure or Crosswind, kasi hindi basta namamatay ang makina kahit nakapasok na sa 1st gear without stepping on the gas. Teach her the basic functions, puro diretso muna then basic turning, para ma-feel nya yung galaw ng vehicle. Afterwards yung tantyahan na saka parking.

    But if you'll be using your car and its A/T, then mas mabilis na siya matuto nun.

    Word of advice if your using your own car: Wag ka muna pa-repaint hanggat di pa siya natututo, hehehe.

    Gudluck Bro!
    Last edited by garfield_08; January 22nd, 2013 at 11:41 AM. Reason: edit

  6. Join Date
    Sep 2007
    Posts
    1,778
    #36
    ako lang nagturo sa misis ko magdrive. nung una akala ko di talaga matututo kasi sobra hina ng loob. pero eventually nadaan din sa tiyaga. ngayon isa na siyang backseat driver which is nakakabwisit dahil naturuan ko pa siya magdrive. hehe.

    TS, tip lang kapag tinuruan mo asawa mo konting pasensiya at wag na wag ka magagalit dahil ikaw din baka mawalan ka ng ***y time.

  7. Join Date
    Oct 2002
    Posts
    10,819
    #37
    turuan mo muna ng basics, even without actually driving. basta kung saan ang brake and gas pedals, hand brake, transmission shifting (P-R-N-D), wipers, head lights, signal lights, adjustment of side and rear view mirrors, etc. without actually driving. kasi pag ikaw magturo lalo matakot yan kasi sisigawan mo, e kung mag near-miss pa e di napahiyaw ka pa then pasok mo sa driving school, idadala agad sa edsa yan. pag naka-1 hour na yan sa edsa tanggal na kaba nyan madali na matuto.

  8. Join Date
    May 2004
    Posts
    903
    #38
    kung ako sayo enroll mo na muna sa driving school.. yung GF ko tinuruan ko dati sabi ko " brake dahan dahan" sabi niya "ano ah, ah. ah." ayun sumalpok kami sa gabundok na buhangin... at nag lock yung kamay niya sa manibela hindi ko maikabig... buti namatay yung makina pag salpok at hindi kami nasaktan at walang nasaktan na iba... basta after driving school dapat masanay siya mag drive every day....

  9. Join Date
    May 2012
    Posts
    675
    #39
    first.. turuan mo muna sir, sabihin mo yung mga gamit ng clutch gas break pedal, pati paggamit ng low beam, high beam, left,right turn lights, hazard, handbreak, pa memorize mo sa kanya lahat yan. pag alam na nya then saka mo sya dalhin sa driving school.

    sa driving school, mura lang naman yan naglalaro lang sa 3k to 4k ang 5 session. kaya kahit ibangga ng misis mo yung car sa driving school dont worry may insurance yan kahit pasabitin nya yung bumper or mabutas, pag sa car mo yan nya ginawa sigurado malaking gastos yan hehe. pati sa driving school tuturuan misis mo mag drive sa city at highway yun nga lang hanggang gear 3 lang. pati may sarili namang break pedal si instructor kaya alam mong safe misis mo. pati ang importante sa lahat, ituturo ang defensive driving at may orientation sa misis mo na hindi naman masyado ginagawa kung magpapaturo ka lang sa kakilala mo. malaking bagay din yun.

    habang pumapasok sa driving school misis mo try mo din pagamay sa kanya yung kotse mo para pagnatapus sya sa driving school, kahit papano gamay na din ni misis ang kotse mo.

    try mo ito sir, baka sakaling makatulong how to drive manual car smoothly, for beginners only

  10. Join Date
    Mar 2010
    Posts
    2,209
    #40
    salamat sa inyong lahat.

    di na ako bibili ng steering wheel simulator. hehehe

Page 4 of 11 FirstFirst 12345678 ... LastLast

Tags for this Thread

The Wife Wants To Drive