what would you do
if you found out that during your wife's recent travel to the US, nakipag usap and meet sya sa friend/suitor nya, despite sa promise nya before na hindi sya makikipag communicate in any form?
na hindi lang sila nag meet kundi nag dinner out, nag bar, at may nangyari pa (pero hindi natuloy dahil nakonsensya daw sya)...
na kahit nalaman nya before sila mag meet na niloko lang pala sya ng guy. ang pakilala sa kanya magmula mag meet sila ay binata sya. yun pala may 2nd wife na pinay din, and 3 children...
na during her stay there, instead na ikaw ang i-chat at kausap nya, yung other guy ang kachat at namimiss nya palagi dahil narealize nya na mahal din pala nya ito (after na ito nung incident na hindi natapos)...
na willing syang hindi na bumalik sa pilipinas, maging kerida, isacrifice ang magandang carreer, family at marriage nya for him...
na may plan sila na bigyan ng 3 months ang isa't isa before mag decide kung anong mangyayari sa affair nila. na yung lalaki ididivorce yung asawa at yung wife mo para makapag decide kung mag stay sya sayo or sasama sa lalaki nya...
na nung pagkadating na pagkadating nya sa airport sa manila ay yung lalaki ang una nyang ininform samantalang ikaw nag antay sa kanya ng ilang oras...
na even after 2 days na sya nakabalik, cold parin sya kasi yun lalaki nya ang namimiss nya...
na may usapan pa sila na bibili ng new phone para matago syo totally yung affair nila...
nagbago lang lahat nung matuklasan mo yung affair nila accidentally dahil nakita mo chat log nila sa iphone ng misis mo...kahit deleted na yung email sa draft/inbox/sent item, may natitira sa iphone at pwede sya masearch
ngayon, ikaw pinili nya. naisip daw nya hindi sya magfa-function mabuti kung dun sa lalaki nya sasama.
na sising sisi sya sa nangyari.at ngayon nya narealize kung gaano ka nya kamahal...
ginagawa ang lahat lahat para mapakita nya syo na mahal ka nya...
kung ikaw, kaya mo pa ba sya tanggapin ulit? mapapatawad mo pa ba sya?
brief history:
- na meet nya yung lalaki sa airport 2 years ago sa una nyang punta sa US. tinulungan sya sa luggage, nakipag kaibigan at hiningi contact info nya. tanga naman ni misis dahil binigay ang cellphone # at email.
- since then, tumatawag yung lalaki. at nanliligaw na nag ooffer ng pera at US visa. nung una sinasabi pa nung misis mo. pero nung pinapatigil mo na dahil hindi ka na kumportable eh tinago na nya
- na minsan na depress sa work si misis at dun sya naging vulnerable. reklamo nya kulang ka daw ng oras sa kanya at yung lalaki ang nandun nung time na yun kaya nahulog na din loob nya.
- na on-off yung long distance emotional affair nila kasi nahuli mo sya ng ilang beses at tumigil naman sya. pero everytime tumawag si lalaki, hindi mapigil ang sarili na sumagot.
- 3 weeks before nung latest nyang travel, nahuli mo ulit syang nakikipag chat sa lalaki. at nung hihiwalayan mo sya, nagmakaawa na bigyan ng last chance. na titigil na talaga.
- nakontak lang sya nung lalaki dahil sa hotel operator. tumawag daw sa lahat ng hotel sa place na pupuntahan nya. nasabi nya kasi nung last na chat nila na pupunta sya sa place na ito ng ganitong date.
- nalaman mo lang yung nangyari sa knila sa kotse after ka na nya piliin ulit. ang alam mo nung una ay nakipag meet lang sya. napilitan lang sya magsabi nung tinatanong na yung detalye kung ano talaga nangyari sa US trip nya.
may weight ba sayo kung:
- malaman mo na wala naman talaga sya balak makipag meet sa lalaki. na kaya lang sya nakipag meet para mawala yung curiosity nya kung ano talaga nararamdaman nya sa lalaki
- na hindi sya pumayag at lumaban sya ng naparaming beses nung pinilit sya nung lalaki na ikama sya magmula sa una nilang pagkikita sa hotel hanggang sa nilalasing sya sa bar. pero tanga sya sobra dahil sumama parin sya at nakipag inuman pa
- na nangyari sa kotse "yun" nung pauwi na sila. bigla daw itinigal sa walang katao tao na lugar. mabilis daw yung pangyayari. split second, kinubabawan sya, pinilit, hanggang sa wala na sya lakas lumaban dahil nakainom din sya. kaya naisip nya, "what the hell. andito na din lang ako". na mga 15 seconds siguro sya nag responce sa halik nya, na 1/2 penetration lang nangyari, mga 10-15 seconds siguro yun. na nung nalingat yung lalaki dahil pinag condom nya eh dali dali syang lumabas ng kotse dahil ayaw daw nya talaga?
*napatawad ko na sya at pilit na binabalik yung dating relasyon. pero ang pumipigil na makapag move on talaga ay yung nangyari sa kanila sa kotse. paulit ulit every second na naiisip ko yung nangyari sa knila dun. para akong mababaliw. hindi ko matanggap...
*sorry sobra haba, isang way siguro ito para makapag vent out ng sama ng loob...![]()