Hello po sa mga taga Tsikot. Last month nanganak yong pinsan ko at ipinaalam nya sa 'kin na isa raw ako sa mga ninong. Gusto ko lang itanong kung magkano ba ang usual na binibigay nyo pag nag-aanak kayo sa binyag. I know na sasabihin ng iba na magbigay kung anong kaya mong ibigay pero ayaw ko namang mapalaki or mapaliit ang bigay although na mas mabuti kung mapalaki. May disadvantage rin kung malaki ka laging magbigay dahil yong iba kinukuha ka lang ninong o ninang dahil sa ireregalo mo. Yon kasing parents ko siguro mga 30 yong anak nila sa kasal at sa binyag, sakit ng ulo at bulsa kung minsan lalo na kung madalas itong nangyayari.