Results 1 to 10 of 10
-
Verified Tsikot Member
- Join Date
- Aug 2012
- Posts
- 54
October 31st, 2014 09:07 PM #1Good day mga sirs. Help naman po. 2 months pa lang po yung wildtak ko and napansin ko mahina ang headlights niya so I decided na magpalit sa HID (xenon headlight). Dinamay ko na rin foglight. Dahil bago at maliwanang sa kalsada, umaalis kam gabi-gabi para itest ung ilaw habang may warranty pa so nung 3rd night after mapalitan bigla na lang namatay yung headlight along the road per pag nag high beam meron naman so kinabukasan dinala namin sa pinagkabitan namin which hindi niya nagawa kasi sa loob na daw yung may sira kasi tinest niya yung stock na ilaw, ayaw din gumana ng low beam. So dinala namin sa casa then parang nirestart nila yung program ng wildtrak then tinanong namin kung baket nagkaganon, ang sabi nila ang hindi daw compatible ang HID sa sasakyan kaya napa isip ako na bakit marami akong nakikitang ranger xlt o wildtrak na nakaHID sa daan. Yung iba nga oa na sa dami ng ilaw pero okay naman. Tska ang masaklap pa nagbebenta yung isang branch ng casa samen ng HID. Sa casa miso yun, sa accesories nila.
Ano po ba talaga problem? Patulong naman po sirs.
-
October 31st, 2014 09:42 PM #2
-
October 31st, 2014 10:10 PM #3
Iyan ang isa sa mga problema ng plug n play na HID. Dapat talaga retrofitted para iwas problema. Medyo mahal nga lang but you can be sure na it's quality work and most of all, hindi pa nakaka glare sa mga kasalubong mo na cars. I'm speaking based on experience and I usually have my HL retrofitted by GaryQ. Check out his website here for more info and details http://www.hidretrofit.net/V2/ford-ranger/
Posted via Tsikot Mobile App
-
October 31st, 2014 11:06 PM #4
baka sir yung naka install sa inyo na ballast ay hindi quality?
i think kaya you said na nasa system kasi kahit nag palit ka bulb ayaw pa din ma power ng system ng wildtrak is because baka meh CAN-BUS system yung wildtrak...
try to ask kung yung ballast na kinabit sayo eh meh CANBUS error canceller.. or better if they can install a ballast with CAN-BUS error canceller...
-
Verified Tsikot Member
- Join Date
- Aug 2012
- Posts
- 54
November 1st, 2014 12:11 AM #5Thank you po sir. Sure po ba quality dito? Wala naman pong pumapalya? Mga magkano po kaya aabutin dito?
-
Verified Tsikot Member
- Join Date
- Aug 2012
- Posts
- 54
November 1st, 2014 12:17 AM #6
-
November 1st, 2014 07:46 AM #7
-
November 1st, 2014 08:35 AM #8
Better ask him and send him a text message, or PM him here at Tsikot forum to find out more about his retrofit works http://tsikot.com/forums/car-lights-...s-garyq-67675/
Posted via Tsikot Mobile App
-
November 1st, 2014 11:46 AM #9
Nade-detect talaga ng body control module ang plug and play na hid at akala ng computer ay short yun so i-power down nya yung circuit to the head light. Best talaga ang retrofit, di ka pa nakakasilaw sa kasalubong mo at dun sa sinusundan mo. Huwag mo na antayin may magalit pa sa iyo, malay mo makatagpo ka ng halang ang kaluluwa at barilin ka na lang dahil sa hid mo na nakakasilaw.
Last edited by yebo; November 1st, 2014 at 11:55 AM.
-
November 1st, 2014 11:49 AM #10
Try mo din kay redline autoworks kung ordinary retrofit (projector install, hid plus drl), mas mura pero quality work din. Kung special papagawa mo like lalagyan ng kung anong design yung hl mo then kay garyq ka. Mas mahal pero makikita mo naman dun sa thread about him na maganda ang gawa.
2025 BYD Seal 5 Premium Review: Best value hybrid at PHP 1.2M? AutoIndustriya - - - - - - - - -...
BYD Philippines