Like ABS EBD Brake Assist And Airbags? VSA ESC etc?

Kagabi lang, muntik ako ma head on collision sa isang sasakyan. Nasa highway ako nun papunta sa bahay ng friend ko. When suddenly sa isang curve, may multicab na nag overtake sa trailer. eh ako 80kph ang takbo ko kasi medyo pababa din yung curve na yun so siya paakyat.

And nakakainis pa dito is Wala Siyang HEADLIGHT! I slammed the brakes. medyo nanigas pa ako isang segundo iniisip ko na pagsasalpok ako, chance na lalabas talaga airbag! kaso naisip ko na meron rin pala akong ABS. Eh ayun na maneuver ko.

weird pala feeling sa ABS nag vivibrate sobra! todo tapak ko talaga yun. umuulan rin pala. medyo madulas.

for me, it really pays to invest in a car na may mga safety features. Sana one day, standard lahat ng ito sa mga cars. at hindi optional.

share ko lang experience ko mga ka tsikot!