Results 1 to 10 of 39
-
BANNED BANNED BANNED
- Join Date
- Oct 2004
- Posts
- 128
May 19th, 2006 12:46 PM #1Grabe hulihan ngayon sa Edsa. Nahuli yung l300 namin kanina. Pasado naman sasakyan namin sa emission testing centers. Sinasagad kasi yung accelerator nung nanghuhuli. Grabe talaga dito sa pilipinas, daming gastos! Magrereklamo ako next week. Dapat unahin mga government vehicles sa anti smoke belching operations , isama na rin ang personal vehicles ng LTO, DENR, DOTC and LGU officials . Dapat sila mauna bago tayo!
-
May 19th, 2006 01:32 PM #2
Mga diesel lang ba ang emission spot checks nila sa Edsa, o pati gasoline vehicles?
-
May 19th, 2006 01:49 PM #3
Bad trip iyan. Inasar ko nga yung isa, tinabihan ko sabay bomba ng throttle. hehehehe. Hindi na nila ko nakita.
http://docotep.multiply.com/
Need an Ambulance? We sell Zic Brand Oils and Lubricants. Please PM me.
-
May 19th, 2006 01:58 PM #4
Matindi na naman siguro ang pangangailangan ng mga taga LTO. Lam nyo na, enrollment season na eh. Kahit ipakita mo yung certificate mo, hindi nila paniniwalaan yun. Ano pa silbi nyang mga emission certificates kung hindi nila pinaniniwalaan?
MODS: Paki merge na lang po sa similar thread. Parang may nakita ako.
-
BANNED BANNED BANNED
- Join Date
- Oct 2004
- Posts
- 128
May 19th, 2006 02:13 PM #5Im not sure if diesel engines lang ang hinuhuli. Driver ko lang kasi yung nahuli. Papagawa nga ako ng certificate sa smoke emission center. Mahal ata kasi yung multa. 1000 ata. Saka yung abala pa. Mahal pa naman gasolina ngayon. Buti na lang di ko pa binebenta FX ko na gasolina, maski matakaw sa gasolina wala namang huli.
-
May 19th, 2006 02:13 PM #6
though 2 mos. lang valid ang cert. during spot testing, dapat base lang sa max torque ang bomba nila sa throttle. in excess of that talagang belching. mga bull---t!
-
May 19th, 2006 02:28 PM #7
dala kayo ng camera. kunan nyo agad ng picture yung mga mokong na magpipilit na magtesting ng sasakyan nyo... sabay sabihin mo...gagamitin mong ebidensya yung picture para ireklamo sila sa head office o kaya takutin mo ng demanda.
takutan na lang ang laban natin dito. mga lintek yang mga bwitreng yan :fire: :mad:
-
May 19th, 2006 07:16 PM #8
Puede bang rason ang maduming diesel na binebenta sa Pinas? Bat di nila i require na linisin muna ang diesel na available sa atin bago maghulihan? Meron kasi akong kaibigan na me surf dito sa NZ, ang maintenance lang nya is oil change every 5k ala naman daw siyang pinapalinis na nozzle tip o calibration ng fuel injection, di naman mausok suv nya.
-
BANNED BANNED BANNED
- Join Date
- Oct 2004
- Posts
- 128
May 19th, 2006 08:05 PM #9Dapat siguraduhin muna ng gobyerno na lahat ng sasakyan na gamit nila is clean air act compliant bago sila manghuli sa kalye, para walang double standard. Kasi sa tingin ko talaga madumi diesel natin and di talaga uubra ang mga lumang sasakyan. Sayang naman yung mga diesel na kotse matipid sana kaso takaw huli! Kawawa talaga kaming mga hindi mayaman
-
May 19th, 2006 08:11 PM #10
yung emission testing results natin cant be use against sa mga nanghuhuli, kasi it clearlys ststes sa emission test natin na for registration purposes lang daw. bad trip nga. diesel malamg lang hinuhuli nila since yun lang namn ang bumubuga ng black smoke.
Agree with you there. Nicely put.
2022 Mazda BT-50 (3rd Gen)