Results 91 to 100 of 111
-
Verified Tsikot Member
- Join Date
- Jan 2013
- Posts
- 43
February 2nd, 2013 07:59 PM #91Thank you uli sa mga info mga tsikoteers!
May bagong tanong na naman ako.. pasensya na newbie palang talaga sa sasakyan. Tanong ko lang po yung tungkol sa dashboard lights.
Ito po example:
Diba parang may 2 click doon sa susian? 1st ikot, para magamit yung mga electrical instruments sa sasakyan tapos sa 2nd naman yung ignition ng sasakyan. Kapag sa 1st click ba dapat magiilaw yung mga iba't-ibang dashboard lights? Normal lang ba iyon? Ang alam ko.. kapag nastart mo na yung engine at may ilaw parin iyon ibig sabihin may prob. Pero paano kung bago magstart or sa 1st click e may ilaw na.. normal lang ba iyon or may prob? Kasi ganoon yung nakita kong Hyundai Accent 2011 umiilaw ng saglit yung engine at yung sa oil tapos mawawala na agad ata.. pero kapag nastart na yung engine wala na yung ilaw. Sabi kasi nung nagbebenta nung Accent normal lang daw iyon. Pati yung nakita kong mga AT.. normal lang daw na naiilaw yung sa engine kapag magstart ka palang tapos nawawala siya kapag nasindihan na yung engine.
Alam ko naman yung meaning ng karamihan ng mga lights kasi nisearch ko sa net. Wala lang akong makitang explanation tungkol sa kailan umiilaw. Kung kailan normal na umiilaw yung mga iyon or kung dapat bang hindi iyon umilaw kahit kailan?
TIA!
-
Tsikoteer
- Join Date
- Aug 2012
- Posts
- 2,767
February 2nd, 2013 08:52 PM #92don't you worry. normal lang umilaw ang mga warning indicator light before you start the engine. does not matter kung kailan sila umilaw.
but once engine starts na, dapat mamatay na mga warning indicator light. otherwise, may problema sa part na naka-assign to those particular warning indicator lights.
-
-
Verified Tsikot Member
- Join Date
- Jan 2013
- Posts
- 43
February 4th, 2013 12:27 AM #94Ahh ok.. thanks!
Update:
Nakakita na ako ng unit! 2006 1.8V MT 370k!! Pwede na ito no! Maganda walang kalawang sa ilalim ng upuan may scratch lang ng konti sa likod tapos stock na stock pa!
Post ako ng pic kapag may time.
-
February 4th, 2013 07:05 PM #95
Ayos yan. Kung ok condition wag mo na pakawalan. Gwapo FD. Nakakamiss ng konti hehehe
-
Verified Tsikot Member
- Join Date
- Jan 2013
- Posts
- 43
February 6th, 2013 07:14 PM #96Mga Tsikoteers! tanong lang sana ako kung ano-ano ang mga dapat kong asahang papel na ibibigay sa akin kasi kukunin ko na yung unit bukas. Paano ba ang proseso ng pagkaliwaan sa pagbili ng 2nd hand na sasakyan?
After naman makuha yung sasakyan.. ano ang dapat unang gawin? Ano yung mga dapat ipasilip sa shop? Dapat ba major tune-up agad?
Salamat po!
-
Tsikoteer
- Join Date
- Apr 2008
- Posts
- 6,235
February 6th, 2013 08:45 PM #97As far as I can remember, there must be the original copies of the CR and OR, notarized deed of sale, insurance documents and it would be best if there's the warranty booklet with maintenance history and user's manual.
Unless you are 101% sure the car is in good condition, or that it has detailed service records, it is best to have a thorough oil and filter change.
-
-
Verified Tsikot Member
- Join Date
- Jan 2013
- Posts
- 43
February 11th, 2013 06:40 PM #99Gandang hapon Tsikoteers!
May FD na ako!! WOO! Kaya lang may prob ako..
Sabi ng mga mekaniko na dinalhan ko ng sasakyan medyo maingay daw yung makina ng sasakyan ko.. mahina lang daw at wala naman problema kung gagamitin ko pero kapag tumagal daw baka in the long run umingay ng umingay yung makina ko.
Nung binili ko yung sasakyan ko kasama ko yung pinsan ko na marunong daw tumingin ng sasakyan kaya akala ko na ok na yung sasakyan na nakita ko pero 2 mekaniko na ang pinuntahan ko sa magkaibang lugar at same ang findings nila.. medyo maingay daw pero mahina naman.. dapat daw parang matining lang daw yung tunog ng makina. Ang sabi nila.. although hindi pa sila nakakabukas ng makina ng FD maaring tune-up lang daw kung hindi.. baka daw i-top overhaul?!
Tiwala naman ako sa pinsan ko kaya kinuha ko yung sasakyan kasi sabi niya ok naman at walang problema.
Ok lang ba na dito ko ipost mga updates sa sasakyan ko o gawa nalang ako ng bagong thread since nakabili na ako? At saan ko pala ipost?
TIA!
*Additional info
2006 FD 51k (odo reading) MT.
**Additional question
Pwede ko bang dalhin sa CASA yung used Honda car? Saan magandang dalhin? Kasi may naririnig ako na nanaga yung ibang mga dealer e. Salamat po uli!
-
February 11th, 2013 08:06 PM #100
Pwede yan dalhin sa casa. Based sa mga basa ko dito. Honda spa raw maganda service. Experiences vary pero ill never go back to honda shaw. Nasa SA naman yun whether tatagain ka or honestly iaassess. Yun nga lang minalas ata ako. Yung naging problem sa car ko i dont think it was that big coz if it was hindi maglalast yung fluid ng car ko for months. Pero i may be wrong. Im not a mechanic anyway.
Recommend ko lang speedyfix. Sa may shaw yun banda. Sabi nung mayari eh sa kanilaraw dinadala ng honda yung mga kotse pagkapuno yung casa. Pero secret lang daw. Recommended din sya ng a lot of people. Specialty nila honda. Or better yet ipaassess mo nalang sa honda casa mismo. Pagdadasal kita na hindi ka tagain. Hehe.
Congrats again sir!
Mahilig kasi sa profit ang ford. Strategy yan na huwag gawing matibay ang mga parts para maraming...
BYD Sealion 6 DM-i