New and Used Car Talk Reviews Hot Cars Comparison Automotive Community

The Largest Car Forum in the Philippines

Page 1 of 2 12 LastLast
Results 1 to 10 of 15
  1. Join Date
    Dec 2009
    Posts
    3
    #1
    magandang araw po sa inyong lahat. naku mga kabayan, tulungan nyo naman akong mag isip. si mader at pader kasi ay may edad na, kaya gusto ko sana sila bilhan ng sasakyan, para di matatagtag sa tricycle. at nangangawit pag naghihintay ng taxi or jeep. hirap din sila sumakay sa jeep, kawawa naman ang mga mahal ko.

    nung una, sabi ko, bibili ako ng 2nd hand SUV. tapos sabi ni kuya, baka daw chop chop ang parts. o kaya baka may sira yun, mapagastos ka pa kaka-repair.

    so sabi ko, brand new na lang na Innova or Space Gear. sabi naman ng iba, naku, carnap yan. baka kidnapin pa sila papa, akala nila manyaman ako!

    (sensya na ang haba ng storya, baguhan po ako dito eh

    ano po ba ang aking dapat gawin? na di malalagay sa peligro ang pamilya ko ? aling brand ang di mainit sa mata ng carnapper? KIA daw sabi ng iba. totoo ba ito?

    naku, napakalaking tulong po kung may maipapayo kayo. salamat po

  2. Join Date
    Dec 2009
    Posts
    322
    #2
    Bili ka ng gusto nyo sasakyan kahit mainit sa carnapper. Kasi kung bibili ka ng kia dahil hindi cacarnapin eh pangit na decision yun. Hindi nga macacarnap car mo eh hirap ka naman sa parts at mahal pyesa.

    Bili ka color na bihira sa kalsada para iwas yung carnapper dahil madali makita.

  3. Join Date
    Mar 2009
    Posts
    21,667
    #3
    Kahit ano pa yan mapa2nd hand o brand-new. Mapa owner-type jeep o sedan maski motor pag napagdiskitahan ng magnanakaw yari ka.

    Kahit anong brand pwede saiyo. Toyota, Mitsubishi, Honda, Nissan, Kia etc. etc.

    Ang kahit na anong sasakyan mapa-benz o mapa-bmw man iyan, pag naipark sa maayos at ligtas na lugar at may tamang alarm system ay hindi mananakaw, pero natural kung lagi ka nagagawi sa mataong lugar at ipaparada mo kung saan saan ay aba, mananakaw ito.

    Sa dalawang napili mo naman ay parehong OK. Pero, mas OK ang innova dahil mas mura

    Pero ang huling desisyon ay mangagaling pa rin saiyo.

  4. Join Date
    Dec 2009
    Posts
    3
    #4
    renzo at water, salamat sa inyong mga insights. oo nga, nung sinabi ng sister ko na kia ang bibilhin nalungkot ako. mahal na, parang lata pa.

    samakatuwid, ay kelangan ko lang na, maliban sa mag iingat, ay piliin ang epektibong anti carnapping device.

    anong color ba ang pansinin, para iwas carnapper? puti? pula?

  5. #5
    di mainit sa carnapper... eto suggestions ko:

    merc r-series, s-series..

    chrysler, jeep

    bmw x-series, 5, 6, 7

    nissan 350/370z

    previa

    prius

    murano

    endevour

    armada/pathfinder/terrano

    any land rover

    lambo, ferrari, buggati

    am general hummer h1,h2, h3

    smart

    mini

    chevy

    and anything chinese......


    remember--mas common ang sasakyan, mas nakawin--kasi kakatayin!
    Last edited by alwayz_yummy; December 14th, 2009 at 08:32 PM.

  6. Join Date
    Jul 2008
    Posts
    1,889
    #6
    Yes, its still the law of supply and demand.

    Uber luxury Euro vehicles (kasi sobrang mahal i-maintain) and Chinese cars (kasi konti lang may gusto).

  7. Join Date
    Jan 2005
    Posts
    1,419
    #7
    bro kung ano ang gusto at kung saan ka maligaya yuon ang bilhin mo. wag mong isipin ang sinasabi nila pag nakinig ka wala kang mabibili niyan.

  8. Join Date
    Dec 2009
    Posts
    322
    #8
    Wag puti. Ang daming puting kotse sa kalsada.

    Red ang bihira sa kalsada.

    Antayin mo yung bagong jazz color yellow. Super bihira

  9. Join Date
    Mar 2009
    Posts
    21,667
    #9
    depende saiyo kapag innova ang piliin mo ay silver or blaze ( ito yung red nila ) kung ang mga variant na pipiliin mo ay E.

    kung J naman ay, puti o silver din.

    susunod naman kung G or v ay yung grey mettalic ba 'yun, yung parang dark na grey na silver. or black kung gusto mo. huwag muna green o bronze, bihira pa ito sa kalye, baka akalain ng mga carnappers limited edition. hehe

    kung space gear naman, since di common ito kahit ano. mas safe to kasi konti lang ang need na supply dito.

    magkano pala budget mo ?

  10. Join Date
    Dec 2009
    Posts
    3
    #10
    chinese cars... hmmm... kelangang makapag isip isip. papano naman ang piyesa ng chinese cars, d ba mahirap sa atin nyan?

    naku, labas ako sa mga luxury cars, dehin afford yan. mga 1m siguro puwede ko yan hulugan.

    ano ang masasabi nyo sa mitsubishi grandis? oks ba yan, marami bang naglipana sa kalsadang grandis?

    thanks sa mga suggestions nyo, kabayan, lalo na yung mga suggestion sa kulay. ang sa akin lang na iniisip nuon ay performance. pero ang dami palang iba pang considerasyones.

    sige, pag aaralan ko pang maigi ito. maraming salamat ulit mga kabayan!

Page 1 of 2 12 LastLast
Alin ang hindi mainit sa mata ng carnapper? :(