Results 1 to 10 of 15
Threaded View
-
Tsikot Member
- Join Date
- Dec 2009
- Posts
- 3
December 14th, 2009 07:56 PM #1magandang araw po sa inyong lahat. naku mga kabayan, tulungan nyo naman akong mag isip. si mader at pader kasi ay may edad na, kaya gusto ko sana sila bilhan ng sasakyan, para di matatagtag sa tricycle. at nangangawit pag naghihintay ng taxi or jeep. hirap din sila sumakay sa jeep, kawawa naman ang mga mahal ko.
nung una, sabi ko, bibili ako ng 2nd hand SUV. tapos sabi ni kuya, baka daw chop chop ang parts. o kaya baka may sira yun, mapagastos ka pa kaka-repair.
so sabi ko, brand new na lang na Innova or Space Gear. sabi naman ng iba, naku, carnap yan. baka kidnapin pa sila papa, akala nila manyaman ako!
(sensya na ang haba ng storya, baguhan po ako dito eh
ano po ba ang aking dapat gawin? na di malalagay sa peligro ang pamilya ko ? aling brand ang di mainit sa mata ng carnapper? KIA daw sabi ng iba. totoo ba ito?
naku, napakalaking tulong po kung may maipapayo kayo. salamat po
Agree with you there. Nicely put.
2022 Mazda BT-50 (3rd Gen)