Hindi naman talaga sirain ang BMW, problema lang, hindi lang talaga marunong mag maintain karamihan ng owners. Kasi ang style sa BMW, preventive maintenance talaga. Pag ganitong kilometro na, palitan mo na yung part na dapat palitan.

Unang una, wag kayo sa Casa.


Nag base ako sa Mike Miller Maintenance Schedule. Like ngayon malapit na mag 100,000 km, palitan ko na water pump at thermostat bago masira.

Minsan, kaya rin sakit sa ulo kasi laki tumubo ng mga repair shop dito. Lalo na yung Rick ng Sportline, sobrang hina pa ng utak. Euro Auto Parts, Automakers, etc. Iwas kayo diyan.

Kaya nung natuto na ako, sa RealOEM.com ang resource ko ng parts. Lagay mo lang last 7 digit ny VIN tapos mahahanap mo na part number. Type mo lang sa eBay yung part number tapos lalabas na yung hanap mo.

Sa eBay ko binibili ang parts, laking tipid. Tapos pag nagmamadali, sa Bimparts. For me halos same lang price ng Bimparts kesa sa eBay. Minsan nga mas mura pa.

Kaibigan ko may talyer, so pag may problema inaabutan ko na lang yung mekaniko niya.

Kung ayaw niyo mag order online at walang mekaniko, mas ok sa Advance Autowerke. Reasonable ang price ng parts and maintenance. Kaya lang don't expect good customer service from the owner LJ, kasi masungit at mataray yun, pero matalino at magaling.

Isa pa, kanya rin yung Auto Parts Depot sa Libis. Ok na sana dun kaso gago yung bantay dun na si Mike. Mahilig mag bait and switch.

For example bibili sana ako water pump. Sabi ganito presyo, mura at may available. Biglang nung dinaanan ko na, ubos na daw pala tapos doble presyo na yung next. This literally happened within 30 mins.

Akala ko honest mistake, pero nung umorder ako ulit ng fluids at nakabayad na ako sa kanya. Biglang wala na daw, add ulit pera para dun sa next na mas ok.

Anyway, kung may tanong kayo, nandito lang ako.