Mga kapatid, patulong naman sa problema ko. I have a honda 2001 Gen1 CRV (Gas, Automatic) na nag overheat lately. Ito ang storya:
Day 1
- Nag ooverheat, dinala sa subok na mekaniko ko. Medyo competent naman from past issues at inde namemera
- Bumubulwak yun tubig sa radiator, may pressure sa ilalim mukhang may tama yun head gasket
- Top overhaul, palit ng orig honda headgasket at na machine shop yun head.
- Pinapalitan ko na rin water pump
- Ni replace yun coolant. Binaklas radiator medyo nilinis onte
- Ikinabit, nilagyan fluid, pinatakbo umaandar. Maya maya nag overheat pa rin pag uwi umabot 3/4 g gauge

Day2
- Inde gumagana thermo switch, pag naka on lang aircon tsaka iikot yun fan
- Nag ooverheat pa rin, pansin ko pag naka on yun aircon tsaka sya umiinit
- nagdesisyon ako na ipa overheal yun Radiator. Wala pang 2 years yun nung pinalitan pero pinalinis ko na rin. May nakitang mga bara at nalinis naman
- Pina daluyan ng tubig yun mga hose na nakakabit sa block para malinisan
- Ikinabit, nilagyan ng tubig at pinaandar. Tinest drive inde naman uminit.
- Pag uwi, ayun tumataas ulit lagpas normal temp, nasa may gitna na

At this point inde na rin alam ng mekaniko kasi lahat na yata nagawa namin:
- Pinalitan head gasket at machine shop cylinder head para siguradong lapat. Pag nabuksan yun radiator inde na bumubula/bumubulwak yun tubig
- I dont see oil sa radiator water or water sa oil
- Bago water pump. So far wala ako makitang tagas. Wala din makitang leak sa mga hose/tubes
- Na overhaul na yun radiator, pero top lang inde binuksan yung baba kasi daw sa ATF yun kaya inde ko alam kung may issue yun o wala
- Bago yung thermo-switch
- Gumagana both fans (automatic on at pag switch AC). Normal naman daw yun lakas nila sabi ng mechanic at electrician
- Sabi ng mekaniko wala na daw thermostat ito tinaggal na daw dati
- Sabi din ayus pa naman yun radiator cap - paano ko ba malalaman kung kelangan na palitan? Wala naman tunog o steam o tubig na lumalabas dun

Ano po kaya problema nito at umiinit pa rin. Pansin ko pag naka on yung A/C dun tumataas yun temp, pero di ko lam kung dahil ba mahina yun cooling system ng kotse at di na nya kaya palamigin kasama yun condenser o may nangyayari sa aircon na nag papainit ng sasakyan. 3 weeks ago wala naman problema ngayun lang. Malamig naman AC pag naka on :|

Meron po bang mapagkakatiwalaang shop na pwede mapuntahan para matignan ito? Next steps ko sana eh ipa LavRaMon para malinis yun engine block o siguro palitan radiator but i dont want to proceed hanggat inde pa na clarify kung ano talag ang issue. POssible kayang may hangin sa loob at inde maalis?

Salamat po in advance. Si misis na kasi gumagamit nitong sasakyan and gusto ko sana maayos na ito para sa kanya. Thanks ulit at Godbless.