Hello po. Bago lang po ako dito sa forum na ito nakita ko po 2 days ago. Buti may forum para sa Revo owners and active pa yung mga members at dumadagdag pa.
Anyways, May few questions lang po ako. Sana po masagot niyo.

)
Yung Revo po namin pala is a 2002 Sr 2c diesel with 118T+km
1. Nung mga naglagpas 100T km, tuwing cold start sa umaga may tumutunog sa makina na "Tok-Tok-Tok". Yung sabi ng mekaniko namin eh baka daw injection pump na barado na iyon. Totoo po kaya iyon? And if in case totoo po, Mga magkano po kaya pa repair nuon at san po may reputable shop na pwede?
2. Also pagkalagpas ng 100T km, yung speedometer nanginginig starting 20km/h until 60 km/h. Eh nung dati naman po di naman po ganun. Di din po matukoy ng mekaniko namin yung sira. Ano po kaya ang probable cause nuon?
3. Wise ba kung gagamit ng additional grounding kit at voltage regulator sa 2c engine? Totoo po ba na mag iimprove yung electronics at sabi din po na iba na may dagdag 5HP din daw po iyon?
4. San po pala makakabili ng schackles or lifters? Sabi po ng mekaniko namin, pag lifter daw ang ginamit eh lilikot yung likod? Totoo po ba iyon?
Sana po may makasagot nung mga questions ko. Gusto ko po kasi ipreserve at lalo pa pagandahin yung Revo namin. Thank you po sa magrereply.

Bookmarks