I agree too that Judell becomes our Charter President. Tamang tama pauwi na ako by Sept. Induction na!![]()
I am also still breaking in my Avanza J. I try to limit my self to 3K RPM only. That translates to only 80KPH. Although sometimes, umaabot ako ng 90KPH (>3K RPM).
Got mine last Saturday afternoon, the next day Sunday, went up to Tagaytay just for lunch. Odometer is now 260Km+. I live in Sta. Rosa Laguna and my office is at Pasig along Shaw Blvd. Bago pa so I bring it everyday. One way is about 45Km.
After my 1K oil chance will bring it to Tarlac Tarlac. Remember, we have 2 3-day week-ends.![]()
Charlie_Labo & Meledson:
Thank you guys in sharing your experiences. Plano nga ng family ko to have our AVANZA J blessed sa Manaoag, pangasinan this long weekends ng august
. again guys, salamat na marami!!!
*docguni: Banawe St din yung Ginza pero nasa kabilang side. From Banawe St (E Rodriguez side), turn right ka sa Quezon Ave then make a u-turn sa unang u-turn slot. Tapos turn right uli sa Banawe St (eto yung side na papunta sa Orthopedic). Nasa right side mo yung Ginza mga ilang stores pa mula sa kanto ng Quezon Ave.
'Got my mudguards there for 850 and sidevisor for 950. Sa Toyota Otis, yung mudguards pa lang 2400 na.
Mukang maganda rin na magpakabit ng OEM foglamps na pareho sa G.[/quote]
Magkano daw pakabit ng fog lamp katulad sa G variant?
Sana me mag-post ng mga pricelist dito ng mga aftermarket products ... actually sa forum lang na to captured market na eh...
Last sunday nga sa UPCAT sa UP, ma-pipiyesta mata mo sa mga nagkalat na Avanza don, parang na EB na tayo hehehe... pero pansin mo puro stock pa halos, kasi nga ala pa sa mga malls ang mga aftermarket ng avanza, kaya kung me mag-post dito sigurado benta non.
dapat nga siguro pa-sponsor din tayo sa Toyota para sa EB, imagine mo yung attention na ma-draw non pag nag-motorcade tayo, pag hindi ba naman maubos and avanza nyan sa Pinas eh ewan ko na lang![]()
Magandang araw po sa lahat!
Salamat sa mga members para sa helpful na forum na ito.
First time ko po mag post, I got my Avanza 1.5 M/T, champagne last month from Toyota Bicutan. Very satisfied ako sa performance at looks ng vehicle of choice natin.
HOWEVER, yun SA ko po, sa tingin ko ay di-mapag kakatiwalaan. Here's my story:
I waited for the unit to be released for about a month dahil daw nawawala ang TVSS (Toyota Vehicle Security System aka keyless entry remote). As we all know, medyo scarse ang availability ng color of choice ko kaya di ako nakapalag. No problem so far.
When I got my unit, sobrang tagal ako nag antay sa Bicutan before release, tumakas kc ako sa office during lunch time, excited kc eh. = ( So nung na-release, dahil kelangan ko bumalik sa office, di ko masyado na-check. OK nman hanggang maka uwi kaya lang I found out na di gumagana ang TVSS ko.
Balik ako sa Toyota within that week around 1PM, sabi kelangan daw iwanan ko ang unit ko for 2 days para ma check maigi. Kc daw whole day gagawin yun. Sabi ko, babalik ako next week 8AM so they will have the entire day to work on it. I did that last week, that day, they found out na yung receiver ko mismo ang may problem, at kelangan daw i-order sa japan yung part which will take 2-3 weeks.
Since day1, di gumagana ang tvss ng unit ko. In short, Toyota Bicutan sold me a defective unit. Unfortunately, I've let them get away with it.
Pasensya na sa haba ng istorya, I hope this will serve as a lesson for everyone not to rush your inspection kapag nag claim ng unit.
Hehehe... talaga nga naman at iba-iba pa sila. Sa Otis, P6,000 ang fog lamps. Kasama na sa price yung installation. Me quotation kasi ako ng lahat ng accessories nila for Avanza. Pero yung spoiler (P8,400) at keyless entry with central lock (P7,000) lang ang pinalagay ko. Gagalawin kasi yung electrical kaya medyo risky pag sa labas mo pinagawa. Void na ang warranty. Yung muffler cutter (P888) pa pala pinatulan ko rin. Kasi halos ganon din naman ang price sa labas.
Meron po bang may alam ng price ng stepboard lang muna?
TIA.
Medyo hinay lang sa gastos kaya unti unti.
Wala nman cgurong problem sa warranty kung sa labas papalagay ng stepboard dba ?![]()
*rv_flores- welcome aboard and congratulation co-avanzer. Its really hard to check all the defects of a car especially when we only have limited time. Lets just hope that they do their part when we complain about something that we discovered. Sana maayos lahat ng problema ng avanza mo. More power. Btw, i havent checked yet ours since si mrs palang gumagamit. I hope wala ding serious problem or defect.
Next month pakakabit ako ng Alam and power door locks. Para walang problem sa warranty, sa casa magpapakabit. Almost 10K daw iyong alam and door locks, Taiwan brand. Pag US brand, parang 18K yata ang sabi sa akin.
Stock pa rin ang J ko. Na upgrade ko lang ang tint mula sa sunmask (eto ang free tint) to 3M sa casa. Napa full windshield na rin with 3M.
Ionizer sa cigarette lighter pa lang ang accessory ko.
BTW, nagpakabit ka na ba ng door sensor sa back doors? Ito ang ipapakabit ko this week-end sa casa .
Medyo mahal yata yung alarm at power door locks * 10k. Yung sa kin nga kasi na Toyota Otis ang nagkabit ay 7k lang. Anyway, iba-iba rin naman yung brand na kinakabit nila depende kung saang kasa ka nagpagawa. Pwede mo ring i-check out yung sa Otis. OK naman kasi yung nilagay nila sa Avanza ko.
Hindi pa ko nagpakabit ng back door sensor. Inuna ko lang talaga yung spoiler dahil dun sa 3rd brake light for safety. Yung alarm naman at power door locks kung hihintayin ko pa yung 3 years after ng warranty bago ko ipagawa sa labas, baka hindi na rin 7k ang price nun. Mas mabuti nang ma-enjoy ko na yung convenience nun ngayon pa lang.