can anyone confirm na pareho ang shocks ng FX at Revo?
slickae92red,
pareho lang yong shocks ng revo at fx sa harap. i am not sure though kung pareho sa likod kasi nakapatong yong spring ng fx sa likod while yong sa revo naman eh naka bitin so baka mas mahaba shocks revo sa likod. pero malakas ang kutob ko na pareho lang din shocks nila sa likod.
vosch,
due for overhauling na yong makina mo kung ganon karami kinakain nya langis in one week. check mo yong tambutso kung oily na yong labasan ng usok. kung white/blue ang usok ng fx mo kahit mainit na makina baka kailangan na talaga i overhaul. mura lang naman overhauling ng gasolina na makina. baka naman kaya pa yan sa top overhauling lang or yong sinasabi nilang "dukot style"
knightrider,
yong airguide na sinasabi ko eh yong fiber glass or plastic na nakatakip sa radiator fan. makikita yon in between radiator and the engine. meron siguro kasi karamihan sa mga assembled lang na sasakyan wala yon. pero i check mo at baka tinganggal nong owner before you.
ty sa reply sir, actually na check kona yung tambucho pinaandar ko sya from binondo to mkti tapos habang mainit pa engine patay ko makina and pinunasan ko yung muffler sa loob ng butas greasy na sya with engine oil residue,pero sir malakas pa hatak and everything yun lang nababawasan ang oil balak ko sana ityaga pa muna hanggang sa talagang sobrang lakas na sya kumain ng langis kasi pag ngayon ko binuksan engine ganun din mga papalitan ko na parts sa loob,do you think ok yung naisip ko ty very much!![]()
Hi guys have anyone of you here replaced already your A/C's evaporator? I just would like to ask if what's the best time to replaced it and how much would it cost? What's the recommended brand of evaporator and type.
Thanks
woohoo,
tumpak ka dyan bro. yan nga yong sinasabi ko na airguide ng fadiator fan. importante yan.
vosch,
malakas talaga kahit may tama na yan kasi gasolina na yan. unlike diesel engines na mararamdaman mo na himina yong hatak pag loss compression na.
pwede yong iniisip mo na gamitin mo muna hanggang lumala yong tama. yes pareho lang yong papalit mo assuming na normal lang na wear and tear yong tama pero kung sakaling may naputol na piston ring that causes yong pagkain nya ng langis, mas maganda agapan mo na magpa overhaul. baka sakaling piston ring lang papalitan mo. otherwise, baka lalo magasgas cylinder sleeve mo at kung nangyari yon, kailangan general overhaul na yan meaning magpapalit ka cylinder sleeve.
sherlabs03,
bakit ka magpapalit evaporator bro? hindi naman kailangan palitan yan kung maganda pa. ussually ang ginagawa para maganda lamig aircon ng fx, pinapalitan nila yong expansion valve and not the evaporator. i am not familiar though with airconditioning system so i am not in the position to give a good answer to your question.
mga sir, pls advise or recommend shop na gumagawa ng speedometer. ride ko po 1995 fx, diesel 2C.
sa mga nakapagpalit na po ng timing belt, pa advise na rin po kung saan maganda magpagawa saka magkano po inabot gastos.
maraming salamat po in advance.
Sir woohoo
Tenk u sa pictures at naintindihan ko na kung ano yung air guide
Sir kuligligko
Sir meron pa air-guide sakin, nga po pala pina-overhaul ko na yung radiator at konti lang nakuha dumi kaya ayun madali pa din uminit, meaning eh hindi sa radiator nanggaling yung cause ng madali pag-iinit, Sir napansin ko po na madali sya uminit pag naka-aircon lang kaya lang po di naman pwede na di ako gumamit ng aircon kase siyempre hanap natin pag nagmamaneho eh kumportable tayo at ang sakay natin hehehehehe, possible po kaya na sa compressor ko ang cause ng problema ko kase pag umaandar yung compressor eh maingay na sya di tulad nung ibang compressor ng ibang fx, sensya na po sa mga tanong ko, gusto ko lang po talaga na mapatino itong fx ko kase lab ko sya![]()
Mga Sir, tanong ko lang sana kung kasya ba yun upuan ng revo sa fx?im pertaining sa front seats. if ever ba, san makakbili ng front seats para sa fx o may marerecommend ba kayong mas maganda na front seats for an fx?magkano kaya to?
patulong naman po
during cold start po rpm nababa then mamamatay makina.
so ginagawa ko lang eh naka apak ako sa gas ng kaunti para mareach ang 750-800 rpm at mag stable after couple of minutes.
pag arangkada naman sa second gear nakakaramdam ako ng kumakadyot pero in the long run naman at mainit na ang makina eh smooth naman ang takbo pero pansin ko din na mahina ang ang accelaration eh.
naka 3K kilometers na po ako since my last change oil and tune up. 7K po ang FX ko.
bro, nangyari na sakin yan before.
nilinis ko yun carburador only to find out na basa yun isang sparkplug.try to check baka pinasok ng tubig yun mga sparkoplug, particularly the last one near the body. kasi madali siyang pasukin ng tubig lalo na pag naulan..
Try cleaning the sparkplugs and check mo contact point sa distributor baka pudpod na.
Good Evening mga Sir,
Share ko lang yung website where you can see all the rides of proud tamaraw fx and revo owners locally here in the Philippines
Pede din po kayo mag create ng account ; like Friendster account but this is for automobile rides
www.cardomain.com
Here is the link for my ride mga sir , proud owner of 1st Generation Toyota Revo
http://www.cardomain.com/ride/2926089
Many Thanks!
paano po ba malalagyan ng lock ang spare tire ng tamaraw fx? 97 model ang fx ko na buo ang step board. salamat po?
OT:
Ganda ng forum na ito dami ako natututunan this is my first post. my main reason di ko talga makita na yung kailangan ko. i tried looking at all 7k or 5k engine pics posted for sale for the vaccum routing ng 7k naduduling na ako. sana someone can help me by posting pics of their vac hose ilang beses ko na din pinatingin sa mga "expert" pero hindi ako kampante. I recently replaced the head gasket. naagapan. as of now ok pa namanjust want the vaccum routing para mas maayos yung idle. thanks more power.
since binata na tong fx natin (i also have a 97 7k) yung rpm nya ay ok lang tumaas ng onti. i have mine * 900 when idling. since hindi naman fuel injected tong binata natin, i try to pump the gas pedal twice or thrice before starting. and syempre try mo din kausapin simpleng kumusta na o goodmorning para pareho kayong good mood bago bumiyahe![]()