DEPO brand ba yan chicks, and saan mo binili?
DEPO brand ba yan chicks, and saan mo binili?
Yup, Depo. Sa kakilala ni erpat binili. Ang hirap kasi may mga kailangang putuling wire (the positive wire from the fogs) tapos issplit mo sya into two then lalagyan mo nung male terminal sa dulo para masaksak sa alloted space nya sa fuse box sa engine bay.
Tapos yung wire naman ng switch, icconnect sa connector ng stalk switch, parang dun ata kukuha ng power bale yung switch base sa pagkakaintindi ko. Iba kasi kulay ng wires ko compared sa nandun sa guide kaya nakakatakot din mag trial and error. Baka may masira
It will be a tedious process pala, parang nakaka-takot ipagawa sa brand new car unless gamay na talaga ng taong gagalaw.
Feedback chiks kung saan mo ipapatira ah and kamusta yung pag-gawa.Kung mahirap, baka patusin ko nalang yung 2800php dun sa VCP tapos ipakabit ko sa SM North or Trinoma since mukha naman alam niya ginagawa niya.
Di na pala need i-split yung positive wire from the fogs. Tatanggalin lang yung white socket nya then icconnect na dun sa abang nya sa engine bay fuse box.
Pwede na rin yung P2800 if ever di mo na gusto pailawin yung fog indicator. Most probably kasi nun plug and play bale yung relay na kasama sa foglamp kit yung gagamitin. Palagyan mo na lang ng sealant yung gilid ng glass para di mag moist.
Maarte kasi ako kaya gusto ko oem style installation hehe napagastos pa nga sa oem surplus relay ng 300. Pero okay lang naka diskwento naman sa fogs hehe.
So sa pag-kabit mo Chiks, mapapailaw na nila yung FFL indicator?
Ok lang naman sakin gumastos basta yung trabaho eh hindi bara bara and yung wires eh well-intact. Hehe.
Kung maganda pagpapakabit ni Jemson sayo or whatever shop, baka dun ko nalang din dalhin. Syempre, closer to OEM ang pagkabit, the better.
DIY (08' USDM Liftback): ESUSE Fog Light Install v2.0 - Toyota Yaris Forums - Ultimate Yaris Enthusiast Site
Yan yung fina-follow kong style. Sa baba makikita mo napailaw nila yung fog indicator although sa center console nakalagay yung switch nila, between the gear shifter and handbrake instead of the left side of the dashboard. But basically same din naman gagawin ko. Feeling ko kaya napailaw ng madali yung fog indicator kasi oem style ang installation, same or nearly the same sa G. May abang na talaga sya.
So i-DIY mo?
Di ko kaya yan. Baka ma-Destroy It Yourself ko pa yung sasakyan.![]()
Medyo. Papatulong pa rin sa installer. Ituturo ko lang yung gusto kong mangyari. Sana nga kaya ni Jemson to. Tututukan ko lang yung pag-install para sure.
300 lang surplus relay? Pwede!
Mukhang may diff ang PhDM and USDM harness ah. Sa USDM instructions plug daw ang positive ng fogs sa upper right pins ng socket. Sinilip ko fusebox nung weekend may mga wire na dun
Sinong may 1.3G dyan baka pwede magvolunteer picturan fusebox nya![]()
Sir John yung akin wala po. Facelift model ba yung inyo? Baka may pagkakaiba na kapag facelift na. Nalilito lang ako sobra dun sa pag modify ng harness. Tas magkaiba pa yung color ng wire kaya nakakabobo lalo. Damn mukhang matatagalan pa ako unless kaya ni Jemson to. Might drop by soon doon.
Oo nga mas maganda kung 1.5G paki pic naman fusebox nya hehe.
| Tsikot Car Finder Latest Toyota Car Listings Thousands of Tsikoteers see these ads everyday. Get better results with your car ads. Post your cars for sale at Tsikot Car Finder now! |
Bookmarks