New and Used Car Talk Reviews Hot Cars Comparison Automotive Community

The Largest Car Forum in the Philippines

Page 1 of 2 12 LastLast
Results 1 to 20 of 36
  1. Join Date
    Feb 2011
    Posts
    21
    #1
    Hi to all fellow tsikoters, napansin ko lang bakit kapag tuwing naka full stop hanging ako sa fly over lalo na sa NAIA terminal 1, nahihirapan iyung innova ko sa arangkada. Minsan namamatayan ako ng makina. Actually iyung lumang sasakyan namin na diesel hindi naman ganito. Ok naman sa hanging.

    Naka experience narin ba kayo ng ganito? TIA

  2. Join Date
    Jun 2010
    Posts
    797
    #2
    sorry to say pero malamang hindi ka lang sanay magmaneho lalo na ng gasolina. may mga ibang drivers kasi na sanay sa isang sasakyan lang pero kapag pinahawakan mo ng iba halos parang hindi na marunong ulit.

    tamang timpla lang ng clutch iyan sir. mas malakas kasi talaga ang torque ng diesel compared sa gas so mas iba ang timpla this time.

  3. Join Date
    Feb 2011
    Posts
    21
    #3
    Quote Originally Posted by ben_david19 View Post
    sorry to say pero malamang hindi ka lang sanay magmaneho lalo na ng gasolina. may mga ibang drivers kasi na sanay sa isang sasakyan lang pero kapag pinahawakan mo ng iba halos parang hindi na marunong ulit.

    tamang timpla lang ng clutch iyan sir. mas malakas kasi talaga ang torque ng diesel compared sa gas so mas iba ang timpla this time.
    haha... actually matagal na ako nagmamaneho 1994 pa kasi may sasakyan rin kame at ito sarili ko na to nabili ko last year lang. Pagdating naman sa timplahan ng clutch at silinyador,marunong din ako brad kaso lang eto minsan kapag sa hanging talaga lalo na matarik eh ramdam ko na mahina iyung hatak nya. Kaya nagtanong ako dito kung meron po ba sainyo naka experience ng ganon. Hindi naman ako magtatanong kung hindi ako sanay magmaneho.

  4. Join Date
    Jun 2006
    Posts
    1,139
    #4
    Bro me delay kasi ang throttle ng innova. kaya hirap ka magtimpla. Bumili ako ng throttle controller. may econo, normal at sprt mode. Sa sport mode, walang delay ang throttle. Mabilis mag redline. Mas mabilis din anf acceleration.

    Electgronic kasi ang throttle natin. walang cable.

  5. Join Date
    Jul 2011
    Posts
    705
    #5
    ganyan din sinasabi ng bro-in-law ko about sa new innova nya. dati kasi naka 2.5 G D4D siya kaso na-Ondoy kaya nagpalit siya ng 2.0E VVT-i, mas mahina daw hatak.

  6. Join Date
    Feb 2011
    Posts
    21
    #6
    Quote Originally Posted by shibby75 View Post
    Bro me delay kasi ang throttle ng innova. kaya hirap ka magtimpla. Bumili ako ng throttle controller. may econo, normal at sprt mode. Sa sport mode, walang delay ang throttle. Mabilis mag redline. Mas mabilis din anf acceleration.

    Electgronic kasi ang throttle natin. walang cable.
    Ah ganun ba bro.. Oo nga eh mahina ang hatak sa akyatan lalo na kapag maraming sakay. BTW saan ka nabili ng throttle controller? Maraming Salamat sa info.. :-) Iniisip ko kasi dati baka kulang lang sa menor pero hindi naman kasi nung dinala ko yan sa CASA pinatingnan ko narin yan sa mechaniko dun ang sabi naman niya na tama lng daw iyung menor ng sasakyan ko.

  7. Join Date
    Feb 2011
    Posts
    21
    #7
    Quote Originally Posted by greatauror28 View Post
    ganyan din sinasabi ng bro-in-law ko about sa new innova nya. dati kasi naka 2.5 G D4D siya kaso na-Ondoy kaya nagpalit siya ng 2.0E VVT-i, mas mahina daw hatak.
    Thanks Bro. Akala ko iyung sasakyan ko lang ang nakakaranas ng ganun. Mahina talaga ang hatak ng innova vvti gas dapat tama iyung timpla ng clutch tsaka gasolina. Ang delikado lang usually sa akyatan mahirap kapag may nakadikit kang sasakyan sa likod delikado dapat sakto iyung timpla ng clutch kung hindi mamatay iyung makina at mapapa atras iyung sasakyan mo. Ang nangyari sa akin sa NAIA terminal 1 nung nagGo na iyung mga sasakyan nasa unahan ko hindi naman ako namatayan kaso lang ang bagal ng hatak ng sasakyan at umatras pa iyung sasakyan ko bago umabante..

  8. Join Date
    Jun 2006
    Posts
    1,139
    #8
    Mas mahina kasi ang torque ng gaS, malakas sa top end ang VVTi, Low speed naman ang power ng diesel.

    Mas refined ang takbo ng gas, pagabot ng 50000km ng diesel, iba na takbo at maingay na rin ang diesel

    sa c3 4x4 ko nabili throttle controller ko.

  9. Join Date
    Dec 2009
    Posts
    304
    #9
    Shibby

    Magkano bili mo ng throttle controller? C3 na rin ba nag install?

  10. Join Date
    Jun 2006
    Posts
    1,139
    #10
    5k ata bili ko, ako na lang nagkabit. Wala naman pinuputol at tinatanggal. Bypass lang sya sa throttle connector.


  11. Join Date
    Jun 2006
    Posts
    1,139
    #11
    *inno25

    ilan kms na ba inova mo, nasa 4k mileage na ako nun nung tumipid sa gas at lumakas hatak ng innova vvti ko.

  12. Join Date
    Feb 2011
    Posts
    21
    #12
    Quote Originally Posted by shibby75 View Post
    *inno25

    ilan kms na ba inova mo, nasa 4k mileage na ako nun nung tumipid sa gas at lumakas hatak ng innova vvti ko.
    Nasa 3kms palang ang innova ko. Usually within QC lang ang takbo ko lage at during weekends lang. Matakaw kasi sa gas ang innova ko kaya tipid ako lalo na ngayon tumaas na naman ung gasolina.

    Iyung Innova mo ba *shibby75 malakas din magkonsumo ng gasolina dati? TIA

  13. Join Date
    Jun 2006
    Posts
    1,139
    #13
    Quote Originally Posted by inno25 View Post
    Nasa 3kms palang ang innova ko. Usually within QC lang ang takbo ko lage at during weekends lang. Matakaw kasi sa gas ang innova ko kaya tipid ako lalo na ngayon tumaas na naman ung gasolina.

    Iyung Innova mo ba *shibby75 malakas din magkonsumo ng gasolina dati? TIA

    typical 2.0 consumo. 7-8kml per liter pure city. Nung bago palang inova ko gang 6kml lang ako. Tumipid lang nung halos mag 5000km na mileage ko.

  14. Join Date
    Feb 2011
    Posts
    21
    #14
    Quote Originally Posted by shibby75 View Post
    typical 2.0 consumo. 7-8kml per liter pure city. Nung bago palang inova ko gang 6kml lang ako. Tumipid lang nung halos mag 5000km na mileage ko.
    *shibby75, same experience pala tayo. Ganun din sasakyan ko ngayon mga 6km/liter ako city driving.. Nice info sir..Thanks.

  15. Join Date
    Oct 2002
    Posts
    6,385
    #15
    Quote Originally Posted by shibby75 View Post
    5k ata bili ko, ako na lang nagkabit. Wala naman pinuputol at tinatanggal. Bypass lang sya sa throttle connector.

    May tulong na ba sa 'Normal' mode? Or dapat sa 'Sport' mode ilalagay? No additional power to the engine, but basically mas maaga or mas sensitive yung gas pedal, tama nga ba?

  16. Join Date
    Jun 2006
    Posts
    1,139
    #16
    Eco mode has 5 steps - 5 gives the longest delay between throttle and engine response

    normal mode- bypass

    sports mode has 7 steps - 7 gives the fastest engine response.

    No power increase.

  17. Join Date
    Jun 2006
    Posts
    1,139
    #17
    Sa pagkakaalam ko, even when you instantly press the accelerator, the manifold butterfly slowly opens until it reaches the fully opened position, thus the throttle delay.

  18. Join Date
    Oct 2002
    Posts
    6,385
    #18
    Quote Originally Posted by shibby75 View Post
    Sa pagkakaalam ko, even when you instantly press the accelerator, the manifold butterfly slowly opens until it reaches the fully opened position, thus the throttle delay.
    So with the throttle controller, you make the pedal more sensitive? The manifold butterfly will open quicker since the signal telling it to open is boosted?

    Sorry for the many questions. I'm doing research for my Dad's Innova G A/T gas. Despite having either a K&N or Hurricane filter already, throttle response is still very sluggish from the get-go. High end power is ok, but from stand still or low speed, it's very weak. Don't want to fiddle around with the exhaust first coz iingay yun for sure. Perhaps this will help solve the problem...

  19. Join Date
    Oct 2002
    Posts
    6,385
    #19
    Anyone else try the throttle controller, or perhaps in a brand other than Shadow?

  20. Join Date
    Jan 2009
    Posts
    268
    #20
    Thanks Bro. Akala ko iyung sasakyan ko lang ang nakakaranas ng ganun. Mahina talaga ang hatak ng innova vvti gas dapat tama iyung timpla ng clutch tsaka gasolina. Ang delikado lang usually sa akyatan mahirap kapag may nakadikit kang sasakyan sa likod delikado dapat sakto iyung timpla ng clutch kung hindi mamatay iyung makina at mapapa atras iyung sasakyan mo. Ang nangyari sa akin sa NAIA terminal 1 nung nagGo na iyung mga sasakyan nasa unahan ko hindi naman ako namatayan kaso lang ang bagal ng hatak ng sasakyan at umatras pa iyung sasakyan ko bago umabante..



    good am Sir... try to use Hand Break kapag naka hinto ka ng paakyat or sa mga tulay. dapat Rhythm ang release mo ng Hand Break, Clutch, & Gas Pedal para hindi ka umatras sa halip ay sisikad ka ng paahon... so far sa mga paakyat ko wala pa naman po akong naging problem (Parking ng MOA/Mega Mall/Robinsons ermita/at sa mga tulay). Innova J VVT-i '09 with 215/55/17 po ang akin. pansin ko pa nga minsan ng masabay ako sa Monty paakyat ng Nagtahan Fly-over (after ng nagtahan bridge) naiwan ko 'yung monty. hindi ko lang alam baka naka pasyal pasyal mode 'yung driver. Drive Safely & God Bless!

Page 1 of 2 12 LastLast
Bakit hirap sa arangkada iyung Innove E VVTI 2010 ko kapag nasa hanging....