New and Used Car Talk Reviews Hot Cars Comparison Automotive Community

The Largest Car Forum in the Philippines

Results 1 to 7 of 7
  1. Join Date
    Oct 2002
    Posts
    4,059
    #1
    Napanuod ko din ito sa news kanina.

    +1 pra kay Bayani

    ‘First Responders’ ng MMDA aaksiyon na sa mga kalsada
    SISIMULAN nang ipakalat ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ang kanilang “First Respon-ders” team na kinabibilangan ng kanilang mga paramedic, mekaniko at driver na sakay ng motorsiklong handang tumulong sa mga biktima ng iba’t ibang uri ng aksidente sa lansangan.

    Pangungunahan nina MMDA Chairman Bayani Fernando, General Manager Robert Nacianceno at iba pang mga opisyal ang paglulunsad ng naturang proyekto sa gaganaping programa sa alas-9:30 ng umaga sa emergency station ng ahensiya, kanto ng EDSA at Timog Ave., Quezon City.

    Ayon kay Fernando naisaayos na nila nang husto ang mga panuntunan at alituntunin sa naturang proyekto matapos ang ilang linggong pag-aaral at pagsasanay ng mga personnel na itinalagang gumanap sa naturang tungkulin.

    Umaabot sa 30 motorcycle riding first responders ang tutugon sa mga pangangailangan sa loob ng 24-oras na hahatiin sa apat na shift at itatalaga sa apat na emergency stations sa Timog, Katipunan, Ortigas at Libis sa kahabaan ng EDSA sa Quezon City hanggang Nagtahan sa Maynila.

    Ang bawat grupo ng first responders ay may dalang mga first aid kit, medical oxygen tank, fire extinguisher at mga rescue tools tulad ng cutters, spreaders, early warning device at lahat ng uri ng liyabe at heavy equipment na kanilang gagamitin sa para rumesponde sa mga aksidente sa lansangan.

    Ayon kay Fernando, may mga nakalagay na sirena, blinkers, paging system at two-way radio na konektado sa Metrobase ang bawat motorsiklo at kanilang namo-mo-nitor ang bawat galaw ng mga ito sa kanilang control center sa Makati City.

    Tiniyak ng MMDA chief na pinakamatagal na ang 15-minuto para makapagresponde ang grupo sa mga nagaganap na sakuna sa lansangan tulad ng banggaan, pagkasunog ng sasakyan, oil spills, at landslides. Edd Reyes
    from http://www.journal.com.ph/index.php?...ec=5&aid=51548

  2. Join Date
    Jun 2006
    Posts
    6,105
    #2
    This is really innovative of Fernando.

    Good job Sir!

  3. Join Date
    Oct 2005
    Posts
    177
    #3
    Had a chance to see them at Edsa a while ago. Meron kasing nasunog na kotse pagbaba ng ayala edsa flyover.. complete ang MMDA .. motorcycle cops, ambulance, tow truck.. you name it..

  4. Join Date
    Sep 2005
    Posts
    1,455
    #4
    sana wag lang silang mang-huli ng mga traffic violators or are they allowed?

  5. Join Date
    May 2006
    Posts
    8,357
    #5


    ituloy-tuloy mo lang chairman ang mga magaganda mong proyekto....

  6. Join Date
    Feb 2005
    Posts
    3,299
    #6
    Sorry sa mga "fans" ng MMDA pero ako personally wala pang magandang experience sa MMDA traffic personnel - either mayabang or hindi naman alam yung pinagsasabi nila: ilang beses na rin akong ininsulto.

    Sana naman 'tong mga "first responders" na ito eh hinde maging "first kotongers" kung hindi sayang yung magandang idea ng amo nila.

  7. Join Date
    Oct 2002
    Posts
    40,068
    #7
    also saw this on the news, sana lang they really went to a proper training before deployed as an first responders....

    kasi nakikita ko sobrang walang alam sa proper way sa tamang pag rescue ng mga naaksidente...instead na dapat immobilized yun accident victims eh, bara-bara ang pag extract nila...

    regarding nic's experience, ang tingin ko kasi since hard stance ang amo nila eh feeling nila eh dapat ganun na rin sila....

MMDA "First Responders"