Hello tsikoteers, just wanna have some accurate advices po sana. More than a week ago, tumirik po ang car ko and I smell something na nasusunog na goma. I checked all the tires only to find out that my 2 front mags are hot kaya pala ayaw umandar dahil sa paninikit ng brakes, so I called a nearby mechanic and told me that my caliper brakes need to overhaul.
To make the long story short, dinala po namin yung car sa shop nila at kinalas mga caliper brakes, niliha at konting linis ang ginawa then they charged me for 600 labor.
So after a day, maayos sa umpisa ang brakes pero pag matagal ng ginagamit ay tumitigas po ang brake pedal at mejo nangangamoy uli ang preno. Binalik ko uli sa kanila at nilinisan lang uli un mga brakes at sabi ay okey na daw. But just recently ay nangyari na naman po ang same scenario...Im sick and tired of this na pabalik balik po ako sa shop at abala sa oras. I just want to have enlightenment kung ano po kaya ang sira ng car. Sabi nung chief mechanic ay baka daw busted na yung piston pero sabi naman po nung gumagawa ay maayos daw yung piston at linis lang ang kelangan...kaso ay paulit ulit na lang pong nangyayari eh. Very reliable po ang car ko kahit pa may kalumaan na at nagagamit ko kahit saang long drives..pero lately hinde po ako panatag sa auto, kahit mag-grocery lang ako, 2 blocks away from ours ay nangangamba akong manikit na naman ang preno (which again happened yesterday).
Ano po kaya ang real culprit at permanent solution about my brake problem? Gusto ko po kasi masolusyonan ito ng tama at hinde ko naman po madala sa ibang shop dahil sayang naman po binayaran kong labor sa kanila na hinde pa naman nila totally naayos.
By the way, my ride is nissan 86
Sorry po if medyo mahaba ang queries ko. TIA)




1Likes
LinkBack URL
About LinkBacks
) 






Reply With Quote

Bookmarks