docglen ok pa ba sa anilao ngayon? Noong kumuha ako ng diving course sa South Sea Dive sa Paco doon din kami nag-checkout dive sa Anilao. Ang natatandaan ko na lang ay yung malapit sa Sombrero island. Bale parang cliff diving kasi yung bundok deretso pababa sa dagat. Nadale nga ako ng sea urchin sa kamay kasi tinanggal ko yung gloves ko. Tapos yung final dive namin sa may cathedral. Yun bang may cross sa ilalim. Siyangapala kung magawi kayo sa Bohol malapit lang ako sa Balicasag Island (2nd best dive site sa Pilipinas). Maganda don sa may black forest. Maraming baraccuda at pawikan. Yun nga lang malakas ang current.
Nagka-kayak ako paminsan-minsan pag hindi nagda-diving. Mas makakamura ka nga pero kailangan mo ring mag-invest sa gear mo katulad ng kayak, paddle, lifevest at syempre kailangan mo rin ng thule kayak carrier mo sa strada. Pero kung may makita kang pwedeng upahan mas lalong mura yun kasi per hour lang. Marami ng mga resort ngayon na may mga kayak pero mas maganda mag-kayak sa river kumpara sa open sea. Custom built yung sa akin. Gawa sa marine plywood at coated ng fiberglass. Hindi kasi maganda yung mga commercially made na benebenta sa atin katulad sa Toby's Sport. Gawa yun sa hard plastic kaya mabigat at nabe-bend pa.
oo yung upahan nga gnagamit ko madalas sir pag nag bebeach, pero mas gusto ko yung sa river kasi mas delicado mas enjoy..pero di ko pa na ttry gusto ko ma experience..
nag babalak ako dati kumuha ng kayak sa mga toby's pero ayun nga wala ako idea kung ano ok, andame klase kasi..baka mali o hndi maganda mabili ko..kaya hndi nako bumili..
yung kayak nyo sir na custom made, pang river or sea?
may training school ba ng kayak sir, yung pang river?interested ako..
River kayak yun sa akin kasi sleek ang design. Mostly yung pang open-sea malalapad para stable sa alon. Wala akong alam na training school pero baka meron kung i-research mo seguro sa internet. Yung sa akin kasi sumama lang ako sa mga kayakers sa amin. Tapos sila na nagturo ng mga mounting pati yung mga rolling at kung paano bumalik sa kayak sakali mang tumaob ka. Nakayak na ng iba sa kanila yung paikot ng Bohol at Cebu. Tapos pag summer nag-oorganize sila ng moonlight paddling. Nakasama na ako minsan at masaya kasi mahigit 15 yata kami na nagsasagwan sa ilalim ng bilog na buwan papuntang beach resort. Tapos don na nagpapaumaga at kayak ulit pauwi. Pero mas maganda pa rin yung river kayaking katulad ng ginawa namin na mga 7 kilometers upstream tapos sa dulo may waterfalls. Yung river parang sa amazon at winding pa.
wow ang sarap nun sir, na imagine ko yung moonligh paddling..ok yun parang sa amazon river!
sarap na experience nun..adventurous din kasi ako sir, umaakyat din kasi ako ng bundok dati, kaya trip ko yung mga ganyan..
oo mas gusto ko talaga yung sa river, mas thrilling..
ganun nga yung gusto ko matutunan yung tamang pag paddle, pag tumaob ano gagawin, kasi mahirap na pag hndi maruonong, ayoko naman buili agad at sumabak mag isa sa ilog ng wala ko alam mamatay ako nun hehe
nag try nako sa net maghanap sir pero wala ako makita, may group ba kayo na online din?parang ganito tsikot.com?
[quote=eslonblue;1032111]wow ang sarap nun sir, na imagine ko yung moonligh paddling.. ok yun parang sa amazon river! sarap na experience nun..adventurous din kasi ako sir, umaakyat din kasi ako ng bundok dati, kaya trip ko yung mga ganyan..
oo mas gusto ko talaga yung sa river, mas thrilling..
ganun nga yung gusto ko matutunan yung tamang pag paddle, pag tumaob ano gagawin, kasi mahirap na pag hndi maruonong, ayoko naman buili agad at sumabak mag isa sa ilog ng wala ko alam mamatay ako nun hehe
nag try nako sa net maghanap sir pero wala ako makita, may group ba kayo na online din?parang ganito tsikot.com?[/quote
partner eslonblue, kung may time mag setup tay rafting kahit sa may kalinga lang!!!! last time i went rafting was at isabela 8 years ago!!![]()
Maganda talaga sa river kasi hindi mo nakikita o natatanaw yung pupuntahan mo kumpara sa open sea. Ang maganda pa niyan kung may kasama ka at nagkukuwnetuhan kayo hindi nyo namamalayan malayo na pala ang narating nyo. May grupo sa amin ng mga kayakers pero hindi naka-online.
Ok rin yung rafting. Yan din gusto kong subukan.
Share ko lang. Frustrated diver ako. During our medical school days, during summers, ako at mga barkada ko, we go to different beach shores from up north in Ilocos, down south to Batangas and Puerto Galera where we go snorkeling and spear fishing where permitted. Sa beach, di namin hanap ang fine sand. Mas mabato, mas maige. Medyo budgeted kami, kasi estudyante pa kami, at hindi naman rich ang fayrents namin, hehehe.
So we do free diving, holding our breath for a minute while diving down to more than 10-15 feet and explore what is underneath the corals. We snorkel for hours, unmindful of the passing time. Sarap na ang feeling namin doing those free dives. We get high at the sight of a different world. Nature tripping talaga. At di mabigat sa bulsa. Investment lang namin are good quality face masks, snorkel, and diving fins. Yung speargun namin, home-made lang.
Yung lung capacity namin are large during those times, kasi nga we do breath holding for a minute plus a few seconds. We have learned certain basics of diving by experience, like how to blow off water from the snorkel and face mask, avoiding underwater currents, avoiding venomous sea creatures, etc.
If ever matuloy kayo, sama ako. I love the sea and what's underneath.
Last edited by ooba99; March 17th, 2008 at 02:56 AM.
Iba pakiramdam ko pagka-diving. Para kang nasa ibang planeta kasi ang tahimik sa ilalim tapos yung mga makikita mong sea creatures at halaman kakaiba sa lupa. So nagiging curious ka at hindi mo rin namamalayan yung paglipas ng oras. Sa mga hindi pa nakakasubok i-try nyo kasi hindi kayo magsisisi. Meron sa mga resort yung tinatawag na fun dive, parang trial lang. Kung magustuhan nyo pwede mo ng ituloy sa proper na diving course. Hindi naman kailangan bumili ng equipment kung gusto mong mag-diving kasi pwede ka namang mag-rent lang. Pero para sa personal safety at hygiene mas maganda yung meron kang sarili sa basic equipment.
Last edited by ooba99; March 17th, 2008 at 02:56 AM.
*docglen
pa post po doc nung details ng march 30 dive.gawa ka na rin po n sign-up list.thanks.
sir egaysky musta po?
ok pa anilao. im familiar sa cathedral. dun ako nag checkout dive. everytime na mag dive kami, binabalik balikan ko yun..i love that site. parang gusto ko dun magpakasal..hehe..i heard maganda nga ang bohol. baka ngayong summer pumunta kami. i'll just PM you. kita tayo dun sir!
BOSBs, il be in Cebu from April 28-May 5... may ma-refer ba kayo na dive resort/teacher/master doon na reasonable ang price? wala kasi ako gagawin dun might as well matuto na ako mag-dive and makakuha na rin ng license para makajoin ako sa inyo kung may dive mini eb. any tips pala that you can give for a beginner like me?![]()
Last edited by egaysky; March 23rd, 2008 at 12:58 AM. Reason: lost connection
Ok nga don sa cathedral. May picture kami don ng final dive sa course. Mga nakaluhod at nakakapit sa cross. PM mo lang ako kung kailan kayo pupunta sa Bohol. Baka sakali andoon ako. On and off din kasi trabaho ko sa offshore. Meron akong kailalang lady divemaster na 40 dollars lang dati singil sa 2 dives inclusive of dive equipment and boat rentals.