New and Used Car Talk Reviews Hot Cars Comparison Automotive Community

The Largest Car Forum in the Philippines

Page 2 of 2 FirstFirst 12
Results 21 to 36 of 36
  1. Join Date
    Apr 2004
    Posts
    6,685
    #21
    I lost hope after visiting the dog pound. "Hindi na natin siya mahahanap" my mom said. It is possible that he was butchered to death or starved to death.

    But today, we never thought of this. Our "Fudge" came home. He was crying, dirty and hungry. It was a miracle. Naiyak nga mom ko nung nakita nya yung dog. May konting sugat. We thought he was dead.

    Our house help heard some scratching sound sa door. Pagbukas nya, si fudge. Now we know how he got lost. Yung gate kasi namin may mga maliliit na design na butas (uso nung early '70s). DUn siya lumusot palabas, dun din siya lumusot pagbalik.

    Exactly 2 weeks. He got lost black saturday and he is back today.

    Until now, di pa rin kami makapaniwala. Prayers....yes prayers. Totoo may milagro.

    Hindi na namin siya ilalagay sa garage pag gabi. Dun nalang siya sa balcony.
    Last edited by carlocaraddict; April 29th, 2006 at 08:07 PM.

  2. Join Date
    May 2005
    Posts
    8,077
    #22
    wow good news nakita na ang alaga ninyo,

    bakit kaya ang tagal niya nakabalik

    hirap niyan hindi mo makausap kasi

    baka naman tinago muna ng neighbor ninyo at saka lang pinakawalan

  3. Join Date
    Apr 2006
    Posts
    3
    #23
    baka tinago lang nung kapitbahay niyo, tapos nakawala siya. does your dog have a collar and tag? if your dog can escape again, you might want to place a collar and tag (with your tel#) so whoever finds your dog can phone you.

  4. Join Date
    May 2005
    Posts
    8,077
    #24
    Quote Originally Posted by rob
    does your dog have a collar and tag? if your dog can escape again, you might want to place a collar and tag (with your tel#) so whoever finds your dog can phone you.
    good idea,and dont forget to give some reward

  5. Join Date
    Jan 2005
    Posts
    4,865
    #25
    wow, congrats carlo! :D

    happy ending ah.

  6. Join Date
    Oct 2002
    Posts
    10,819
    #26
    sure ka ba na sya nga yan? di kaya impostor yang dog na yan? oh no, member ng akyat bahay gang! bantayan mo baka buksan nya front door sa gabi ehehehehe! ask mo muna sya ng question na sya lang dapat may alam! :D

    naalala ko tuloy yung askal ko na naiwan sa probinsya nuon, after 2 years nagkita kami ulit layo pa lang tumatakbo na sumalubong sa amin. 1st time i saw an animal cry. and who says animals don't have souls?! wag mo na pabayan mawala ulit sir, kahit askal yan mahal ka nyan.

  7. #27
    "Fudge" must be having a feast as we speak :D

  8. Join Date
    Apr 2004
    Posts
    6,685
    #28
    Quote Originally Posted by yebo
    sure ka ba na sya nga yan? di kaya impostor yang dog na yan? oh no, member ng akyat bahay gang! bantayan mo baka buksan nya front door sa gabi ehehehehe! ask mo muna sya ng question na sya lang dapat may alam! :D
    hehehe, tinanong ng mom ko yan.

    Quote Originally Posted by yebo
    naalala ko tuloy yung askal ko na naiwan sa probinsya nuon, after 2 years nagkita kami ulit layo pa lang tumatakbo na sumalubong sa amin. 1st time i saw an animal cry. and who says animals don't have souls?! wag mo na pabayan mawala ulit sir, kahit askal yan mahal ka nyan.
    Nakakatouch yan. Ewan ko nalang kung makikilala pa ni Fudge yung kuya ko. My bro has been away for almost 6 years. Every time na tumatawaga siya lagi nya kinakamusta yung dog. Sana makilala pa siya. Fudge was only 1 year old when my brother left for abroad.
    Last edited by carlocaraddict; April 29th, 2006 at 11:37 PM.

  9. Join Date
    Apr 2004
    Posts
    6,685
    #29
    Quote Originally Posted by ILuvDetailing
    "Fudge" must be having a feast as we speak :D
    ahihihihi! yeh. Binilhan ng ate ko yung dog ng Pianono. Inutusan ng mom ko yung maid na magluto ng corned beef para sa dog hehehe. We are still observing him. Parang natrauma eh. Ayaw na bumaba ng bahay kasi kanina naiwan bukas yung door ng balcony. Usually mabilis pa sa kidlat yan bumaba ng stairs pero kanina, hanggang landing lang.

    As for the dog collar, yes we are planning to put our address and telephone number sa dog collar.

    We are still observing his wound, baka galis yun. Though nilagyan ko ng betadine, medyo nagimprove.

  10. #30
    pics naman ni Fudge carlo hehe

  11. Join Date
    Feb 2006
    Posts
    21
    #31
    wow, na-touch naman ako, lalo na at happy ending
    i too love our askals, we have six, 3 of which napulot lang namin sa kalye na sobrang payat at galisin nung puppies pa sila. too bad some people just don't seem to care, kung itapon at pabayaan lang nila you should see them now, d mo akalain sila yung puppies na sobra galisin at malnourished noon. nung nahuli nga yung isa kasi umaakyat ng bakod we had to shelve out 5,000++ para lang tubusin sa marikina dog pound. but then our dogs are part of our family, & yung loyalty and love nila d talaga matutumbasan.
    i'm really glad your dog's well, i'm sure he must love you & your family kaya talagang bumalik sya

  12. Join Date
    Oct 2002
    Posts
    15,528
    #32
    pre, curious lang ako....

    di kaya napagalitan nyo yang aso kaya medyo nagtampo at naglayas? o baka may lakad sya kasama ng tropa, tapos di nyo pinayagan...

  13. Join Date
    Jan 2004
    Posts
    3,362
    #33
    Baka nag-soul searching sa Antipolo napag-tripan ng mga gang ng aso. Buti naka-lakad pabalik.

    Hehehe joke lang carlo. I miss my dog.

  14. Join Date
    Oct 2002
    Posts
    14,822
    #34
    Quote Originally Posted by yebo
    sure ka ba na sya nga yan? di kaya impostor yang dog na yan? oh no, member ng akyat bahay gang! bantayan mo baka buksan nya front door sa gabi ehehehehe! ask mo muna sya ng question na sya lang dapat may alam! :D
    .
    hehe! welcome back sir! long time no post.

  15. Join Date
    Oct 2002
    Posts
    3,883
    #35
    wow happy ending...naalala ko tuloy yung aso namin noon sa Cainta...bigla na lang nawala at di na namin nakita kawawa naman....

    bantayan nang mabuti si bantay he he ...

  16. Join Date
    Nov 2002
    Posts
    500
    #36
    I'm so happy for you.

    Nawalan din kami ng askals, nawala ng umaga, hinanap namin buong araw. Bandang hapon nakita ng nanay ko, hinahanda nang lutuin. Sabi ng mga tambay nabundol ng jeep kaya hayun, piyesta ang mga ogags. Malaki na kasi nung nakuha namin, halos isang taon na. Mga 2 days pa lang nung nawala.

    Yung mga askals naman na lumaki sa bahay namin, marunong umuwi at di nagpapahuli sa mga tao. Marunong tumakbo pag alam nila masama intensiyon mo.

    Haay, i miss my askals. I can't replace them kahit na nagkaroon ako ng German Shepherd at Labrador. Both purebreeds di marunong tumawid. Unlike the askals, tumitingin sa kaliwa at kanan bago tumakbo.

    I miss them.

Page 2 of 2 FirstFirst 12
Where is Manila City Dog Pound?[updated]