
Originally Posted by
miked
....pero gumagana ang fuel, temp gages atsaka oil, battery, glow warning lights?
kung oo e most likely nasa circuit ng tach at speedo.
ayon sa electrical diagram ng tfr 54, which is almost similar to tbr 54 (crosswind/sportivo/hilander), yung grounding point ng tach at speedo ay iisa. sa may bandang fender right side (within engine compartment). katabi ng glow at start relays. subukan mong luwagan tapos higpitan uli ito.
maari din sira na yung vehicle speed sensor (sa may transmission) at yung engine speed sensor (sa may injection pump). kung ganon e simpleng r & r lang ito.
other than that e connection problem. kasi kung nagshort man ang circuit nitong dalawa e damay na rin lahat ng gages mo kasi iisa lamang ang fuse sa lahat ng gage at warning light sa dash meter (CB-7 15 Ampere Meter). yun ay kung hindi rin gumagana ang fuel, temp, oil, etc. pero kung nagana the rest of the gages e may open circuit dito (tach and speedo).
sa vehicle speed sensor (yung nakaconnect sa rear ng transmission), kelangan ng oscilloscope pero ayon sa manual maaaring itest using an analog tester atsaka 1.3kiloohm or 5 kiloohm 1/4 watt resistor. nasa manual kasi yung instructions kung papano ang connection ng testing instruments.