New and Used Car Talk Reviews Hot Cars Comparison Automotive Community

The Largest Car Forum in the Philippines

Page 2 of 4 FirstFirst 1234 LastLast
Results 11 to 20 of 34
  1. Join Date
    Jul 2006
    Posts
    1,731
    #11
    maglabas ng presyo para mahusgahan kung mura nga yan

  2. Join Date
    Mar 2009
    Posts
    32
    #12
    mga sirs, may kilala po akong mechanic sa sobida. Pinakamababa daw na truck nasa mga 450k, basta below 500. Dami na daw cla customers na may repeat order - kasama na daw dun absolute, coke, pepsi, etc. Tama po ata si sir whitebug, ang sabi saakin kalas ang buong truck hangang sa turnilyo tapos inaayos/pinapalitan ang may sira at inaassemble uli.

  3. Join Date
    May 2006
    Posts
    913
    #13
    if its from japan.. then the parts are readily available..

  4. Join Date
    Jun 2007
    Posts
    2,854
    #14
    Kung yung bagong Motor Vehicle Development Program will be strictly enforced, patay yung mga importers ng surplus na CBUs and even used engines and parts.

    Norkis, Sobida maaapertuhang maigi.

  5. Join Date
    Oct 2002
    Posts
    1,977
    #15
    planning to buy truck soon din... ok ba ito??

    what about engines? alin po ba mga ok surplus engines? sabi kasi ng mekaniko namin... ayaw niya ng mga direct injection...

    important lang naman po sakin sana is easy to maintain..


    thanks

  6. Join Date
    Apr 2007
    Posts
    2,284
    #16
    Tumingin ako dati dyan when we were looking for an Isuzu Forward wing van body, its basically a Subic reconditioned truck, may kamahalan sila mag presyo. We ended up buying an "as-is" unit from a truck dealer in Araneta Ave. Then we reconditioned it ourselves since may mga mekaniko naman kami in house. The advantage of doing this is at least alam mo na di dinaya yung pagkagawa and we installed good replacement/Japan made parts kasi pag sa mga reconditioned, usually mga mahinang klaseng parts ang nakakabit dyan kaya di rin yan tatagal.

  7. Join Date
    Mar 2008
    Posts
    52,754
    #17
    it's been a year. and so far, no inputs from actual users...

  8. Join Date
    Mar 2009
    Posts
    32
    #18
    dumadami sobida sa daan ngayon - just yesterday I was stuck in traffic along edsa I got sandwiched between two sobida trucks

  9. Join Date
    Apr 2011
    Posts
    1
    #19
    magandang araw!

    Sumusulat po ako sa inyo para bigyan kayo ng mahahalagang impormasyon tunkol sa Remanufactured Trucks ng SOBIDA motors. Nais ko po muna ipaalam sa inyo ang ilang bagay na maaari ninyo bigyan ng pansin kung kayo ay nakabili at nakasubok na ng truck ng Sobida o kaya ay may plano bumili ng truck ng sobida.

    Ako po ay labing limang taon na nagtatrabaho bilang empleyado sa planta ng Sobida. Nagkaroon noon ng strike dahil sa pang aabuso ng kumpanya sa mga trabahador sa planta, kabilang na ang hindi tamang pagpapasahod at kulang kulang na benepisyo. Mga kwento ng mga trabahador na hindi na sumama sa strike dahil sa katandaan, at naisip nalang na manatili sa kumpanya kesa mawalan ng trabaho. Sa ngayun mataas na din ang posisyon ko sa planta, at kahit problemado ako sa trabaho ko ngayun ay nagtatyaga na din ako dahil mahihirapan na din ako maghanap ng lilipatan sa edad ko ngayun. Ang mga kasamahan ko ay nagpaplano magsagawa ulit ng strike, pero alam ko na wla na rin sila magagawa dahil konti lang ang bilang ng totoong empleyado sa planta dahil karamihan samin ay mga CONTRACTOR at ang iba naman ay under ng AGENCY na ang may ari din ay ang kumpanya ng sobida. Wais di po ba??

    Totoo po na madami ng malalaking kumpanya ang umorder samin. Mga kumpanyang sumubok sa kalidad ng gawa ng Sobida. Pero karamihan po sa kanila ay dismayado at hindi na umulit. Ang ibang umulit na kumuha ay kumuha nalang ng paisa isa at hindi na maramihan dahil sa takot na sumakit ulit ang ulo nila sa dami ng backjob.

    OO. Maganda ang itsura ng Remanufactured ng Sobida. Pero aanhin naman po natin ang ganda ng truck kung lagi naman po ito nasisira. Mas madalas na nasa planta para i-backjob o madalas na nasa garahe nyo para ayusin ang sira. Ang iba naming customer na kumuha lalu na taga probinsya sobrang taas ng expectation sa truck na kinuha nila. Halos araw araw kung ikwento sa lugar nila na bumili sila ng magandang truck na halos kala mo ay bago. Pero nung nakuha na nila ang truck, wala na silang mukhang maiharap sa mga kapitbahay nila dahil laging may sira ang truck. Ang ibang customer na kakakuha palang ng truck ay hindi pa umaabot sa lugar nila ay tumitirik na ang truck nila sa daan palang.
    Saksi po ako sa dami ng backjob sa mga unit ng sobida. Halos lahat ng for delivery namin sa outlet, hindi pa nailalabas sa customer ay binabalik sa planta dahil hindi rin ito matatanggap ng customer.

    Meron po 6 months warranty ang mga truck ng sobida. Bakit po 6 months?? Dahil sa dami na rin complaints ng customer sa mga units ay napilitan na magbigay ng 6 months ang kumpanya para mapagbigyan ang mga customer sa dami at paulit ulit na problema ng truck. Nariyan ang kabig sa manibela, maingay na dashboard, malfunctioning na ilaw at panel gauge, matigas na preno, clutch at accelerator, ayaw pumasok na kambyo, maingay na transmission, makalampag na under chassis, naninikit na preno at wiggle ng gulong. May mga units pa na kulang talaga ang 6 months bago lumabas ang mga malalaking sira. Bakit hindi gawin 1yr ang warranty?? Sa loob po kasi ng 6 months ay puro minor lang ang nagiging sira. Pag lagpas ng 6 months ay major na, gaya ng katok sa makina, sirang transmission at sirang differential. Malaking gastos na po sa kumpanya kung magbibigay sila ng 1yr warranty para serbisyuhan ang mga major na sira.

    Bakit sirain ang mga unit? Ang mga unit ng sobida ay dumating na Front Cut. Cabin na may makina na naka mount sa putol na chassis kaya tinawag na front cut. Napansin nyo po ba ang mga nakasalansan na mga putol na chassis pag pasok nyo ng planta sa bandang kaliwa at kanan ng kalsada?? Ayun po ang putol na chasiss. Kinuha na po doon ang cabin at makina. Ang mga front cut na unit ay galing japan na sa sobrang dami ng sira at bulok na body ay pinutol na doon palang sa japan. Mas mura po yun at dahil cabin at makina lang naman ang kukunin doon ng sobida, ay ayun po ang binibili ng sobida sa japan. Ang iba pang mga pyesa ay ibat iba na ang pinanggalingan. May galing china, Taiwan, vietnam, at Indonesia. Ang chassis po ay localy made na. San po namin yun binibili?? Hindi po yun binili dahil sobida na po ang gumagawa mismo ng chassis. Mas makakabuti kung tingnan nyo mismo ang pag gawa ng chassis. Restricted area po yun sa loob ng planta. Sa dulong warehouse katapat ng cabin painting area. Hindi ko po alam kung papayagan kayo tingnan yun dahil sikreto po yun. Ang sinasabi po kasi ng sobida ay binibili ang chassis imported galing ibang bansa pero ang totoo, sobida na po ang gumagawa ng chassis.

    Bakit modelo ang cabin ng sobida?? Lahat ng front cut cabin na nakukuha sa japan ay GIGA Model o yung tinatawag na Cat Eye. Pag dating po sa sobida ay pinapalitan nila ng mukha para mag mukhang modelo. Pinalitan lang po ang ilaw, grills, pisngi, front emblem at bumper para mag mukhang bago pero ang totoo ay lumang modelo din ang mga ito. Huwag po kayo maniniwala kung sasabihin na ito ay galing japan na ganyan na ang mukha. Ang mga pyesa po na pamalit para mag mukhang bago ang truck ay nabibili na rin po dito sa pilipinas.

    May ilang buwan na din nakalipas na puro NKR low cab lang ang available. Pero sa ngayun meron na din hi-cab na mas gusto ng mga customer. Sa japan po ba galing ang mga hi-cab na ito?? HINDI PO! Nakagawa na po ng paraan ang sobida na makagawa ng bandang itaas na bahagi ng cabin. May MOLDE po na ginagamit para makagawa ng bandang itaas na bahagi ng hi-cab na kinopya sa original na hi-cab. Ang mga lumang stock na low cab ay pinuputol ang itaas na bahagi at pinapalitan ng bagong pang itaas para maging hi-cabin.

    Sa nakalipas na buwan na walang available na NPR wide cabin ay nakagawa na rin ng solusyon ang sobida. Ang mga NKR narrow cabin ay pinuputol sa gitna para dugtungan para lumapad at maging NPR wide cabin. Hindi na po ito malalaman ng customer dahil pinturado na at buo na ang unit pag nakuha nila.

    Kung nakapag canvass na kayo sa ibang dealer bukod sa sobida. Mapapansin nyo po na lahat ng dumarating na NKR narrow cab units ay 6 wheeler o di kaya ay yung tinatawag na Flat Low. Sa japan po kasi, ang mga unit na 4 wheeler ay yung may mga makina na 4JG2 3.0liter lamang, ito po kasi ay para lang sa magaan na kargahan. Pero ang iba na po na makina maliban sa 4JG2 ay 6 wheeler na ang standard sa japan. Bakit ang sobida ay may mga differential na 4 wheeler??? Hindi po ito original na 4 wheeler differential. Ito po ay mga dating 6 wheeler differential na pinutol at na-convert para maging 4 wheeler. Ang mga pyesa na ginamit dito sa pag convert ay replacement parts nalang. Maari nyo po tingnan mabuti ang differential sa likod ng sinasabi nila na 4 wheeler, may welding po ito sa magkabilang dulo malapit sa kinakabitan ng molye. Alam naman po natin na kapag may pinutol at welding ay hindi ito magtatagal.

    Huwag po kayo magtaka kung bakit ganito ang kalidad ng truck ng sobida. Halo halo na ang mga pyesa nito at karamihan ay replacement parts lang. Idagdag mo pa ang mga empleyado sa kumpanya na contractual lang na madalas ay wala ng malasakit sa kalidad ng gawa. Maganda ang unit, modelo at parang bago. Pero karamihan sa mga pyesang ginamit dito ay made in china, Taiwan, Vietnam at Indonesia.

    45 working days po ba ang pangako sa inyo na delivery time?? Huwag po kayo umasa, dahil sa delay ng mga supply namin sa pyesa ay tiyak lalagpas ito ng 45 working days. Kung ang mga order samin na paisa-isa ay umaabot ng higit sa 45 working days, kapag dumami ang order ay mas lalu pa tumatagal. At dahil sabay sabay ito, magiging rush ang pag gawa sa mga units nyo at lalong makakabawas sa quality ng pag gawa sa mga ito.

    Kung ikukumpara ninyo ang presyo ng SOBIDA sa ibang brand new kagaya ng JAC, Foton atbp.. ay konti nalang ang difference at halos magkasing presyo na. Mas makakabuti na kumuha nalang kayo ng brand new sa parehong halaga na may mas matagal na warranty kesa sa Sobida na 6 months warranty pero hindi naman brand new at puro replacement parts ang nakalagay. Makina nalang po dito ang ISUZU pero ang loob ng makina naman ay puro replacement parts din.

    Mas makakabuti kung kukuha nalang kayo ng RECONDITION na trucks kesa REMANUFACTURED dahil ang mga recon ay dumadating na buong unit at hindi chop-chop gaya ng Sobida. Pag buo na dumating ang unit, masasabi natin na halos lahat pa dito ay original parts. Tutal inaayos din naman lahat ito bago ibigay sa customer.

    Nasa inyo po ang desisyon kung sakaling kayo ay bibili sa sobida. Kung kayo po ay nakabili na, ay subukan nyo po obserbahan mabuti ang nabili nyo. Mas madalas po ba ito masira? Na serbisyuhan po ba kayo mabuti sa mga backjob at complains ninyo? Mabilis po ba ang serbisyo? Nagawa po ba ang maayos ang pinagawa ninyo at hindi na bumalik ang sira? Mas madalas po ba na nasa planta ang unit nyo?? Kung ok naman po ang nabili ninyo ay ma-swerte po kayo dahil isa kayo sa nakakuha ng maayos na unit.

    Mas makakabuti po na kayo ay magtanong muna sa ibang nakakuha sa sobida bago kayo bumili sa sobida. Huwag po kayo oorder agad ng maramihan at baka maging problema pa sa kumpanya ninyo. Maging sigurista po sana tayo at mapanuri sa ating binibili.

    Sa tuwing makakakita po kayo sa kalsada ng truck na may pangalan na sobida ay alam nyo na ang kalidad ng truck na ito.

    Sana po ay nakatulong ang impormasyon na ito sa inyo at kung maari ay ipasa ninyo ang impormasyon na ito sa iba ninyong kakilala na nakabili o may planong bumili para maunawan ng bawat Pilipino kung anong klaseng truck ang Remanufactured Truck.

    Maraming Salamat Po!

    Mario De Guzman

  10. Join Date
    Jul 2011
    Posts
    1
    #20
    now ko lang nalaman na meron pala nito... sana nag check muna ako dito sa tsikot bago kami bumili ng truck... nka gawa na rin ako ng bagong thread para sa mga customers ng sobida. wla kasi ako makitang forum tunkol dito. sana magka tulungan lahat tayong mga nakabili ng truck sa sobida.

    kung gusto nyo sumali dun sa yahoo groups na ginawa ko... eto yun...sobida_customers : Customer Experience at Sobida Motors

    salamat!

Page 2 of 4 FirstFirst 1234 LastLast
Sobida Motor Corporation