New and Used Car Talk Reviews Hot Cars Comparison Automotive Community

The Largest Car Forum in the Philippines

Page 2 of 2 FirstFirst 12
Results 11 to 19 of 19
  1. Join Date
    Nov 2012
    Posts
    8
    #11
    *crazy_boy - salamat sa mga advise mo sir at nakakuha kme magandang idea para sa maintenance ng unit namin. ty ulit.

  2. Join Date
    Sep 2011
    Posts
    1,313
    #12
    isa pa boss, sabihan mo driver mo na wag segunda ang pang arangkada, pwersado ang clutch , ganyan kasi kadalasan ang gawain ng mga PUV drivers ;)

  3. Join Date
    Mar 2009
    Posts
    21,667
    #13
    Magastos magkaron ng pampasadang sasakyan, lalo na FX... Naku. Grabe iyung mga yan kung magpatakbo. Parating hirit, kahit lubak... tapos brake... ng malakas! Eh magkano pa naman brake pads ngayon at suspension.

    Every 5T talaga ang PMS. Sundin mo yan or risk mo yung quality ng sasakyan.

    Araw araw mo ba naman gamitin. Laspagan pa ang pag gamit.

  4. Join Date
    Nov 2009
    Posts
    2,938
    #14
    Every 5T ang PMS pero every 10k ang change oil kung fully synthetic ang ilalagay mo.

  5. Join Date
    Jan 2011
    Posts
    642
    #15
    may PUV din ako. strictly every 5k ang interval ng change oil, delo multigrade gamitin mo. subok na yan sa pampasadang sasakyan. monthly rin palit ng air filter, mura lang naman yan pero malaking epekto sa hatak kung barado ang hangin. tatakan mo rin ang mga gulong mo, para iwas sa tukso sa driver mo na palitan ng luma.

  6. Join Date
    Nov 2012
    Posts
    8
    #16
    mga bossing salamat sa mga advise malaking tulong po ito samin. ty ulit.

  7. Join Date
    Nov 2012
    Posts
    8
    #17
    *shelu - tanong ko lang po kung sa casa nyo pa ba pinapa maintain yung unit nyo or sa mga gasoline stations? Medyo malaki laki rin kse difference ng presyo nila. Malapit na kase mag 10k km. yung unit namin kaya nagtatanong na ko, pasensya na kung medyo makulit. hehe. Yung unit po pala namin Toyota Hi-ace Commuter. Tanong ko na rin po kung magkano yung kadalasan na inaabot nyong gastos sa regular maintenance ng unit nyo. TIA.

  8. Join Date
    Feb 2009
    Posts
    54
    #18
    Quote Originally Posted by chokeeeeee View Post
    *crazy_boy - sir mas ok nga sana kung every 5k km ang change oil, ang tingin ko lang kase kung every 5k km ang change oil parang mapapagastos ako ng malaki sa maintenance kase more or less 5000km ang nako-consume na kilometer ng unit ko sa isang buwan, so lalabas na monthly ang change oil ko. Hindi po ba advisable or safe para sa sasakyan ang every 3 months or every 4 months na maintenance regardless kung ilan ang na-consume na kilometer. Or baka po may ma-i-advise kayo na mas-OK at masmakakamura ng kahit konti para sa maintenance ng unit. Salamat.
    Yung regular car user, di aabutin ng 10 hrs na tumatakbo makina, (Home - Office - konting ikot sa labas - Home) Mon-Sat yan, Yung Sun, family time, Gamitin man, di rin tuloy-tuloy ang andar ng makina.
    Passenger car na yan, malamang tuloy-tuloy andar ng makina nyan, at ilang hours ang boundary ng unit mo? Jan mo makikita na ang isang araw ng passenger car ay almost 3 days ng regular car user. Now do the math.
    My two cents.

  9. Join Date
    Nov 2012
    Posts
    17
    #19
    Quote Originally Posted by chokeeeeee View Post
    Mga bosing baka meron po dito sa inyo na matagal ng may uv express business. Baguhan lang po kme sa ganitong business kaya hindi pa gaanong kalawak ang aming kaalaman pagdating sa maintenance ng sasakyan. Hihingi lang po sana ng mga karagdagang tips, opinion at idea kung saan masmakakamura, maayos at magandang pag maintain ng sasakyan para sa ikakatagal nito. Maraming salamat.
    Sir, is this your first time sa uv express business? baka pwede nyo po I-share your experience going into this business. Plano ko sana pasukin this uv express business. Thank you.

Page 2 of 2 FirstFirst 12

Tags for this Thread

PUV tips on maintenance (UV EXpress)