New and Used Car Talk Reviews Hot Cars Comparison Automotive Community

The Largest Car Forum in the Philippines

Page 3 of 17 FirstFirst 123456713 ... LastLast
Results 41 to 60 of 332
  1. Join Date
    Oct 2002
    Posts
    10,819
    #41
    sa questions ni boeing... depende sa need ng company, gaya ngayon kahit walang experience kinukuha nila kasi almost 95% na yata ng oil drilling rigs merong contract so hirap sila kumuha ng mga tao, at madaming nag-retire past few years at hindi naman sila nag-train ng bago.

    15 years ago puro trainees ang hire ng company namin sa pinas, sama ako dun 27 yrs old ako nun. so kahit na sa airconditioning ang experience ko e nakuha ako na trainee chief mechanic sa oil rig. yun lang nga first day ko pinagapang ako sa langis at grasa ehehehehe! enjoy naman kahit mahirap ang training. ngayon sa company namin meron ako 2 trainee sa department ko. puro bata pa. yung pinsan ko 34 na sya pero dami nya experience sa diesel engines, makina ng barko ginagawa nila sa wartsila. nag-work din siya nuon sa napocor. afaik wala age limit basta papasa ka sa medical. lalo na kung meron ka experience sa related fields.

    for mechanical department - diesel power, turbines, pumps, cranes and lifting equipment, compressors, etc. sa electrical/electronics dept - electronics measurements and calibration, electrical switchgear and DC motors controls, SCR systems, synchronous ac motors controls, plc programming and automation, etc, etc. sa mga malalaking oil rigs meron pang hydraulics engineers saka electronics technicians, dami na kasing equipment dun. meron din subsea department (blow out preventer valves, etc) saka barge dept (marine engineering grads and able seaman) pag sa drilling department naman usually petroleum o kaya mining engineers dun. pero mga old timers na drillers karamihan high school graduate lang (na may utak). experience after all is worth more than education lalo na mostly hands-on ang petroleum drilling industry.

    dagdag ko sa sinabi ni nightrock na trabaho ng wireline operator: logging-while-drilling, well logging, well perforation (using explosive charges), well testing and flaring.

  2. Join Date
    Oct 2002
    Posts
    3,754
    #42
    Yung isang pinoy na Wireline Operator namin dati nalaglag yung isang blasting Canister nya sa truck gagamitin yata sa perforation..napulot ng isang katutubo sa africa ayon pinag laruan kala nya normal tin cans lang... sumabog dedbol.. maraming risk sa oil field.. kaya di mo rin ma sisi ang mga company kung bakit pa ulit ulit kang papa puntahin sa mga safety courses kahit sawang sawa kana...
    Last edited by NightRock; March 5th, 2006 at 11:29 PM.

  3. Join Date
    Sep 2003
    Posts
    1,202
    #43
    speaking of training ayokong ayoko ng HUET sakit sa ilong pagka nilubog kayo sa tubig then ibabaligtad pa kayo sa ilalim

  4. Join Date
    Nov 2005
    Posts
    840
    #44
    Quote Originally Posted by yebo
    mga tsong paki-identify naman company names nyo.

    sa transocean po ako, merger ng dating sedco-forex and transocean inc. chief mechanic, semisubmersible, presently assigned sa indonesia.

    sagot ko sa question: yes, based sa home country ang sweldo. tagal na ko nagrereklamo tunkol dito, pati vice president ng company nakasagutan ko na. sa awa ng diyos e mukhang ngayong april e magkakaron yata ng resulta yung pakikipagaway ko sa lahat ng manager na pwedeng awayin ehehehehehe! pero hindi pa din parehas sweldo, since ang nilalaban ko lang naman e "same standard of living" at hindi "same salary". in other words gusto ko mabili sa pilipinas yung kayang bilihin ng relyebo kong kano sa america.

    yung mga companies na alam ko na patas ang bigay ay diamond offshore saka atwoods drilling. does not matter saang lupalop ka ng mundo nangaling basta kaya mo ang trabaho. kaya lang halos wala nagreresign dun kaya hirap din makapasok.
    Hi yebo!
    Ka grupo pala tayo before. Ex-sedco forex din ako(worked sa semi at Jack-up). Kaya lang ng benta ng Schlum ang offshore, nalipat ako sa onshore operation nila. I think it was the Pranses pasimuno ng standard of living salary scheme. I think purely inggit lang sila that we will live like king sa pinas pag same salary nila. Pero kainis lang kasi isipin since it's not our choice to be born sa pinas at sila naman sa europe o america. Parang lumalabas na kasalanan natin kasi sa asia tayo nanggaling kaya iyan lang sweldo makukuha mo. Ngayon company ko Century company. Australian company at mas okay ang pay kesa sa dati ko.

  5. Join Date
    Nov 2005
    Posts
    840
    #45
    Quote Originally Posted by qman
    speaking of training ayokong ayoko ng HUET sakit sa ilong pagka nilubog kayo sa tubig then ibabaligtad pa kayo sa ilalim
    Yaks! Grabe ang training ng HUET ( Helicopter under water training ). Did it with UNOCAL Thailand. Dami nag give up sa training na yan especially yong scenario na lalabas ka sa chopper nakablindfold nakabaliktad ka saka yong scenario na unconcious yong katabi mo at yong exit ay sa side niya at syempre upside down pa rin ang position. Grabeeee

  6. Join Date
    Oct 2002
    Posts
    10,819
    #46
    mga tsongs, pag HUET sa subic na lang kayo mag-training. sa IDESS, norwegian company operation at sbma. dali lang huet training dun. bakasyon ka pa sa subic ng libre! search nyo website nila, IDESS. yun lang insist nyo na sa hotel kayo titira at hindi sa barracks nila kung balak nyo mag-overnight dun. half day lang HUET dun, 1030am tapos na.

  7. Join Date
    Nov 2005
    Posts
    840
    #47
    Quote Originally Posted by NightRock
    Pag wire line Operator medyo malaki talaga bigayan pero sagad ang trabaho.. minsan sa isang araw nakaka 5 wellhead sila depende sa visor .. naawa nga ako minsan sa mga wireline crew almost 24hrs ang work nila..tapos palaging nalilligo ng langis..
    Ang alam ko sa wireline, kumukita lang dyan ang wireline engineer. I heard, he's getting 5% of the job cost. Mostly "puti" yan. Mahirap talaga kasi para silang flying squad. No fix na off days pa minsan. Meron man, mahaba ang schedule nila.

  8. Join Date
    Nov 2005
    Posts
    840
    #48
    I think sa sweldo at sa schedule kung may family ka, wala ng gaganda pa sa oilfield. It's a risky job minsan but most oil companies are spending lots of money sending their employees to attend different trainings to minimize the risk or accidents.
    Saka sa work na'to, whether nasa jobsite ka o naka bakasyon, parehong salary paid.At maraming opportunities to travel in different countries all expenses paid by the company. Infact, di ko na mabilang kung ilang passport na ang na avail ko...

  9. Join Date
    Sep 2003
    Posts
    1,202
    #49
    Quote Originally Posted by jeanpierre
    Yaks! Grabe ang training ng HUET ( Helicopter under water training ). Did it with UNOCAL Thailand. Dami nag give up sa training na yan especially yong scenario na lalabas ka sa chopper nakablindfold nakabaliktad ka saka yong scenario na unconcious yong katabi mo at yong exit ay sa side niya at syempre upside down pa rin ang position. Grabeeee
    haha me simulation pa na ida drop ang helicopter sa tubig bigla then in seconds capsize agad and totally baligtad na liit pa ng window na lalabasan mo iyong sirit ng tubig sa ilong and tenga yan ang da best, buti na lang every 3 yrs ang renewal/recertification

  10. Join Date
    Sep 2003
    Posts
    1,202
    #50
    Quote Originally Posted by jeanpierre
    I think sa sweldo at sa schedule kung may family ka, wala ng gaganda pa sa oilfield. It's a risky job minsan but most oil companies are spending lots of money sending their employees to attend different trainings to minimize the risk or accidents.
    Saka sa work na'to, whether nasa jobsite ka o naka bakasyon, parehong salary paid.At maraming opportunities to travel in different countries all expenses paid by the company. Infact, di ko na mabilang kung ilang passport na ang na avail ko...
    I agree da best talaga ang Gas and Oil industry lalo na ngayon nagsusulputan ang mga gas and oil field dumadami ang options mo. Isa lang ang di ko gusto kasi di pa gaano nape penetrate ng mga noypi ang Production job sa industry na ito karamihan nasa Maintenance.

    Have you heard what happened sa mga roughneck sa Malampaya, puro pinoy yon di ba pero pirated sila at sa Shelll Brunei ng kanilang amo they thought it would be better to work there eh kaso ang rate na tanggap ata eh rate ng pinas at me tax sila... I don't know kung totoo to.

  11. Join Date
    Sep 2003
    Posts
    1,202
    #51
    Quote Originally Posted by the_wildthing
    OT: ano bang dapat skills/degree para maka-pasok sa ganyan?

    Parang gusto kong ma-experience yung sa Armaggedon hehe.
    decade ago no bearing ang mga degree, pero ngayon mahigpit na then yong ibang company pa plus factor ang mga me certifications na na kailangang sa offshore environment.

  12. Join Date
    Nov 2005
    Posts
    1,859
    #52
    im not into oil..but i've got tons of pinoy friends who r into it. they said that the worst country that they've been is thge middleeast....mid-desert location.....
    the best place they said is here in china... in shekou, a small district southeast of shezhen near the nansahn gulf..its like hell and paradise comparison.

  13. Join Date
    Nov 2005
    Posts
    840
    #53
    Guys, meron na ba sa inyo na assign sa Kazakhistan? Okay ba ang pag travel punta doon at safe? Looks like magkakaroon kami ng project doon eh. Thanks!

  14. Join Date
    Mar 2003
    Posts
    272
    #54
    Hey guys, i'm working offshore too here in UAE....anybody here working in Qatar?...I got an offer in a new company; Dolphin Energy a JV company w/ Total, Occidental Petroleum at UAE gov't...maganda ang package, 28x28 rotation din at ang maganda ay new company ito. hopefully sa July ako ako magjo-join.

  15. Join Date
    Nov 2005
    Posts
    840
    #55
    Quote Originally Posted by Tikoyman

    Hi! Tikoyman!
    Goodluck sa bagong company mo. Saan mo nakita ang opening nila? Sana if you don't mind, post mo rin dito para sa ibang oilfield guys na naghahanap din ng trabaho.

  16. Join Date
    May 2005
    Posts
    8,077
    #56
    Quote Originally Posted by jeanpierre
    Hi! Tikoyman!
    Goodluck sa bagong company mo. Saan mo nakita ang opening nila? Sana if you don't mind, post mo rin dito para sa ibang oilfield guys na naghahanap din ng trabaho.
    aba ayos iyan sir Tikoy man ,baka pwede mo ipost para doon sa nag hahanap ng trabaho or mga interesado Petroleum industry

    Quote Originally Posted by qman
    I agree da best talaga ang Gas and Oil industry lalo na ngayon nagsusulputan ang mga gas and oil field dumadami ang options mo. Isa lang ang di ko gusto kasi di pa gaano nape penetrate ng mga noypi ang Production job sa industry na ito karamihan nasa Maintenance.
    baka mabigat ang work sa Production compare sa MAintenance kya bihira ang pinoy doon? saan ba mejo malaki ang bigayan sa Dalawa department?

  17. Join Date
    May 2005
    Posts
    8,077
    #57

  18. Join Date
    Jan 2005
    Posts
    700
    #58
    Quote Originally Posted by Tikoyman
    Hey guys, i'm working offshore too here in UAE....anybody here working in Qatar?...I got an offer in a new company; Dolphin Energy a JV company w/ Total, Occidental Petroleum at UAE gov't...maganda ang package, 28x28 rotation din at ang maganda ay new company ito. hopefully sa July ako ako magjo-join.

    hi tikoyman,
    good for you,co'z anew company base on "RAS-LAFFAN" where iam right now working for the last 10 yrs.almost matatapos na ang project niyan dito sa loob nang ras-laffan indutrial city.on-shore ako at sa "QATAR PETROLEUM" ako nag tra-trabaho...
    i hope i see you around here in qatar and maybe you will see the coming 15th "ASIAN GAMES" in december'06...

  19. Join Date
    Sep 2003
    Posts
    1,202
    #59
    ganda ng dolphin mas malaki bigay nila compare sa mga ibang offshore company sa Qatar bagong company kasi at nang aakit ng mga experienced offshore personnel. Goodluck member ka na ng Tsikot Qatar Chapter hehehe

    Boeing mas malaki lagi ang Prodution kesa sa Maintenance pagdating sa Gas and Oil industry.

  20. Join Date
    May 2005
    Posts
    8,077
    #60
    Quote Originally Posted by qman
    Boeing mas malaki lagi ang Prodution kesa sa Maintenance pagdating sa Gas and Oil industry.
    madali ba hiring para sa Production dept.kung wala pa experience sa oil field industry. or madami pa vacant na pwede applyan ?kasi sabi po ninyo bihira ang pinoy doon (Prod.Dept.)mostly ay nasa Maintenance dept.

    Quote Originally Posted by qman
    decade ago no bearing ang mga degree, pero ngayon mahigpit na then yong ibang company pa plus factor ang mga me certifications na na kailangang sa offshore environment.
    may alam ka ba na nag coconduct ng mga training or seminar dito sa pinas.or para makakuha ng me certifications para sa off shore..
    sorry sir dami tanong interesado lang po kasi ako
    Last edited by BoEinG_747; March 15th, 2006 at 01:33 PM.

Page 3 of 17 FirstFirst 123456713 ... LastLast
Question to all OFW Tsikoteers especially to those working in the oilfield