OT: ano bang dapat skills/degree para maka-pasok sa ganyan?
Parang gusto kong ma-experience yung sa Armaggedon hehe.
OT: ano bang dapat skills/degree para maka-pasok sa ganyan?
Parang gusto kong ma-experience yung sa Armaggedon hehe.
wildthing, before di masyadong compulsary na may degree ka. Kaya lang mga later part na, medyo naging requirement na sya na graduate ka ng engineering. Sa former company ko puro licensed electrical at mech'l ang hire nila.Pag sa well engineering naman, dapat tapos ka ng petroleum engineering or mining.Originally Posted by the_wildthing
Btw, I can consider pakistan isa sa worst assignment ko since may location kami which is close sa afghanistan na dapat 2am umalis ng location punta sa airport para ma catch ang 8am flight. Uncharted talaga ang daan at maraming military escort. Sa ibang area after the new york bombing, APC gamit nila sa crewchange.
Depende kung anong Line mo mostly mga dept. sa oil field.Originally Posted by the_wildthing
Instrumentation (mga controls and Scada kasama PLC)
Electrial (mostly big motors and Elec. Sub. Pump)
Mechical (Compressors at Turbine at mga Pumps)
May mga Geologist din sa Surveying at Petroleum Eng'r
Sa dami ng dept hindi ko halos ma alala..
Marami din kasing Branches.. mula sa Exploration, drilling hanggang sa Production.. then to Refinery as final product.
Last edited by NightRock; February 28th, 2006 at 11:13 PM.
try mo sa seismic survey vessel,heto yong nagsusurvey kung nasaan ang oil offshore,,they are hiring engineering(mech.ece,electrical etc),,computer programming,,same contract din as 28/28 or35/35 depend sa company.okay din ang benefits..Originally Posted by the_wildthing
decade ago no bearing ang mga degree, pero ngayon mahigpit na then yong ibang company pa plus factor ang mga me certifications na na kailangang sa offshore environment.Originally Posted by the_wildthing
TOTAL is a french company yan ang one of the owners ng aming company ngayon.
I've been in Africa for 13 years na, so far the best place for me is now my workplace Eq.Guinea. Tahimik medyo takot lng kaming makagat ng lamok dahil may malaria.
Worst Place: Algeria, travel kami on bullet proof yellow school bus then may military escort sa harap at likuran.
mga tsong paki-identify naman company names nyo.
sa transocean po ako, merger ng dating sedco-forex and transocean inc. chief mechanic, semisubmersible, presently assigned sa indonesia.
sagot ko sa question: yes, based sa home country ang sweldo. tagal na ko nagrereklamo tunkol dito, pati vice president ng company nakasagutan ko na. sa awa ng diyos e mukhang ngayong april e magkakaron yata ng resulta yung pakikipagaway ko sa lahat ng manager na pwedeng awayin ehehehehehe! pero hindi pa din parehas sweldo, since ang nilalaban ko lang naman e "same standard of living" at hindi "same salary". in other words gusto ko mabili sa pilipinas yung kayang bilihin ng relyebo kong kano sa america.
yung mga companies na alam ko na patas ang bigay ay diamond offshore saka atwoods drilling. does not matter saang lupalop ka ng mundo nangaling basta kaya mo ang trabaho. kaya lang halos wala nagreresign dun kaya hirap din makapasok.
yes sir Yebo .may mga company talaga ganito ang policy ,.gaya sa dati ko employer..kmuha sila ng chief operator galing sa europe laki ng sweldo more or less half a million pesos pag convert natin sa pera ng pinas.magaling daw nang sinalang para mag operate .mga pinoy pa din ang inuutusan pa para magpatakbo pero pag may trobol di na alam ang gagawin tsk tsk tsk samantala ang chief operator na pinoy nasa 75K Php lang ang sweldo .laki ng difference .potsa sa Europe lang kayo pinanganak .nakaloko na agad.Originally Posted by yebo
![]()
Hi yebo!Originally Posted by yebo
Ka grupo pala tayo before. Ex-sedco forex din ako(worked sa semi at Jack-up). Kaya lang ng benta ng Schlum ang offshore, nalipat ako sa onshore operation nila. I think it was the Pranses pasimuno ng standard of living salary scheme. I think purely inggit lang sila that we will live like king sa pinas pag same salary nila. Pero kainis lang kasi isipin since it's not our choice to be born sa pinas at sila naman sa europe o america. Parang lumalabas na kasalanan natin kasi sa asia tayo nanggaling kaya iyan lang sweldo makukuha mo. Ngayon company ko Century company. Australian company at mas okay ang pay kesa sa dati ko.
yung pinsan ko kakatanggap lang nya this month, schlumberger wireline. nag-hiring ang schlumberger sa pinas last january, lumabas sa inquirer ang advertisement. deploy sya this march 15 going to qatar, $2k+ daw ang bigay (di pa nya alam exact figures wala pa yung contract nung umalis ako last week e.) 27 lahat sila na nakuha. dating senior engineer ng wartzila philippines pinsan ko kaya sisiw na yung makina ng wireline pag dating nya dun.
yung kapitbahay naman nila ermats ko paalis din sa march 20, doctor yun pero nag-apply na rig medic sa offshore (email sa kanya yung isang doctor friend nya na rig medic din sa qatar). sa qatar din punta nya. dami tanong sa akin kung delikado daw trabaho, lalo na takot sumakay helicopter ehehehe! di pa mandin marunong lumangoy ehehe!
*jeanpierre,O!lman
Mga sir baka pwede nyo po ako matulungang makapasok sa company nyo kung may opening, puro tanker experience ko(oil,chemical,gas tanker) at diesel engine at steam turbine exp din, gusto ko rin ng 28days on at 28days off para more time with my family at maiba naman po kasi puro na lang ship, magsubmit po ako resume kung kailangan nyo, 2nd engr po ako at available by April or May. TIA.
Kung merun pang ibang katsikot na merung alam na opening sa mga rig po baka matulungan nyo ako, salamat po![]()
Well sa totoo lang, medyo may kahirapan pumasok sa field (oilfileld ) na ito if you didn't have an oilfield experience. I was lucky na isa ako sa mga napili (di ko mabilang ilang applicants ang na screen first sa dami ng application papers nakita ko nakatambak sa table, then yong mga napili was given series of exams and interviews at final count was 5 Mech'l at 5 Elect'l lang nakapasa puro licensed lahat)to join the oilfield training program. That's how I started sa oilfield.Tapos tuloy tuloy na ako. Before that, Tooling engineer ako sa Uniden FTI pa non. Gusto mo talaga sa oilfield, try mo www.rigzone.com daming companies don and you can post your resume as well para ma view ng mga prospective employers.
french company ang Total Elf.. na assigned ako dyan dati sa offshore boarder ng UAE at Qatar... sa El Bunduq field..
Alam ko daming Hiring sa Qatar lalo na gas field.. schlumberger wireline??? Yebo ano trabaho nya wire line Operator laki din kita ng mga yan pero parang bitin yung 2K$ kung ganon lang offer sa kanya... Kung schlumberger Reda medyo relax lang mga ESP namin sila may hawak ngayon.
mechanical technician lang position nya e mechanical engineer kasi. di bale basta makapasok sya pag andun na bahala na sya dumiskarte. ako nga 15 years ago $1200 lang sweldo ko. yun daw mga ece mas malaki ang offer at trainee wireline operator ang position.
oil company ka ba nightrock?
Pag wire line Operator medyo malaki talaga bigayan pero sagad ang trabaho.. minsan sa isang araw nakaka 5 wellhead sila depende sa visor .. naawa nga ako minsan sa mga wireline crew almost 24hrs ang work nila..tapos palaging nalilligo ng langis..Originally Posted by yebo
Opo Boss yebo sa Oil Company po ako.. small time lang nakaka 15years pa lang din sa oil company hehehe
Ang alam ko sa wireline, kumukita lang dyan ang wireline engineer. I heard, he's getting 5% of the job cost. Mostly "puti" yan. Mahirap talaga kasi para silang flying squad. No fix na off days pa minsan. Meron man, mahaba ang schedule nila.Originally Posted by NightRock