Re: turning down a request
tama naman. pero di mo malalaman kung magtago ng sama ng loob sayo. malaman mo yan in the future.
Re: turning down a request
tama. bait mo nga e may pa-diner-diner ka pa. kung ako yun diretsahan agad. "sorry pare no vacancy, next time na lang pag gumanda na negosyo. pwera na lang kung ikaw magpapasweldo ok lang sa akin", with matching smile syempre ehehehehe. aba, hindi biro yung request nya sa iyo. papa-swelduhan mo yung tao every month for how long, 30 years? multiply mo yun kahit minimum wage lang...
Re: turning down a request
kuya kagalang-galang ka sa ginawa mo...hindi naman mali ang ginawa mo at talagang di kaya ng powers mo request nya...dont feel guilty or somehow isipin mo na sasama loob nya...anyway, kung kaya mo naman gawin request nya, gagawin mo naman dba?
Re: turning down a request
hirap kasing tanggihan minsan mga government official natin, parang lumalabas na wala kang pakisama kung hindi mo pagbibigyan. pero sana nga hindi nagalit.
Re: turning down a request
tulad ng recent request ng BIR official dto sa kapatid ko, hiramin daw yung binebenta naming multimedia projector worth 90k. give n take lang daw sabi ng kapatid ko haha
Re: turning down a request
i think you handled it very well. kudos.
kung nagtanim ng sama ng loob yan at hindi niya naintindihan ang kalagyan mo, maybe he doesn't deserve your friendship. ;)
he already put you in a tough spot by basically asking you to put your good reputation at work on the line to recommend (no, force) employment for someone you don't even know. pano kung walang kwenta o magnanakaw pala yung pinasok mo? pangalan mo yung sira dun...
Re: turning down a request
i think you handled the situation quite well...
another option but not so practical is giving the said applicant some cash allowance to provide him/her some allotment while looking for a job lets say 1 months pay (but for sure ibubulsa na ng govt official yun heheh)
ang isang natutunan ko ay "ayus lang tumanggi pero wag lang mapapahiya yung lumapit" especially sa mga nasa government.
dami nang situation na ganun na nangyari sa akin like sa firefighters dito sa municipality namin ang hirap before kumuha ng fire safety certificate kesyo you need to have a number of fire extinguishers then bago ang tag etc etc in short hahanapan ka nila ng butas; what i did i went to the firestation personally befriended the chief, cost me less than 1k (brought some canned goods few calendars and the regular giveaway shirts) pag abot ko sabay sabi yan ha magkaibigan na tayo! pag may kailangan ako itatawag ko sayo ha hehehe e di ayus smooth sailing na my certificate is delivered to me annualy no inspections of whatsoever
ive done the same with the local municipal police here so isang tawag ko lang sometimes text nandito na kaagad sila if ever i need assistance specially pag may accidents ang delivery trucks ko...
ang kapalit? may times na medyo malaki ang hinihingi but none that i remembered exceeded 5k sometimes pupunta rin chief nila dito telling me bday daw or some occasion ng family or friend nya etc etc. i just give him a bottle of fundador or whatever cheap wine i have yun lang happy na sya
then mga bataan na police nya papasyal minsan dito sa shop hihingi kesyo wala daw pang allowance anak nya pag minsanan lang 500-1000php depende sa drama nya pag madalas na ill tell him mahina e pasensya na eto pang meryenda 50 or 100 lang
pinaka important ang pasko dapat mag rasyon ka sa police firestation birs etc ng mga giveaways ng company nyo
its that simple ang importante ay dont let them leave empty handed hindi na sasama ang loob nun...
and its quite a small investment to pay for your convenience and security sobrang bilis talaga nila rumesponde pag nadinig boses ko sa fone :D i can even get my police clearance non appearance hehe, sobrang asikaso din nila when i need them give and take sabi nga nila. tsaka iba ang pinoy when it comes to the two words "pakikisama" and "utang na loob"
i know may part dito na mali pero wala kang magagawa e we are in the philippines :P
its either makisama ka at maging hindi katalo or paginitan ka
peace
Re: turning down a request
boybi ok na yun ginawa mo, big favor na din yun ginawa mo and treat them, e yun naman ang totoo na alang kayong vacancy, well siguro kung kakilala mo talaga yun ipapasok mo sa trabaho, you could recommend him sa iba mong kaibigan na nangangalaingan ng tao.
pasok ako sa inyo boybi tapos decline me din tapos treat me sa dinner, hehehe
Re: turning down a request
cutedoc, sige treat kita sa dinner, basta libre for life na ang pagpadentist ko sayo ;)
Re: turning down a request
boybi depende kung anong sangay ng gobyerno siya....kung meron ka rin naman mahihita in the future...okay lang....tapos pagmeron kang vacancy, give him the first option, malay mo marunong naman yung bata diba.
Pero opinion ko lang, never fall into that pit-hole ng request kahit na boss pa ng kung ano...at the end of the day baka business mo magsuffer sa inefficiency ng tao na nahire because of nepotism or palakasan system...hindi uunlad ang industria natin pag ganyan lagi ang systema...pero okay naman yung ganun KUNG qualified naman yung tao.
Re: turning down a request
Quote:
ive done the same with the local municipal police here so isang tawag ko lang sometimes text nandito na kaagad sila if ever i need assistance specially pag may accidents ang delivery trucks ko...
ang kapalit? may times na medyo malaki ang hinihingi but none that i remembered exceeded 5k sometimes pupunta rin chief nila dito telling me bday daw or some occasion ng family or friend nya etc etc. i just give him a bottle of fundador or whatever cheap wine i have yun lang happy na sya
then mga bataan na police nya papasyal minsan dito sa shop hihingi kesyo wala daw pang allowance anak nya pag minsanan lang 500-1000php depende sa drama nya pag madalas na ill tell him mahina e pasensya na eto pang meryenda 50 or 100 lang
pinaka important ang pasko dapat mag rasyon ka sa police firestation birs etc ng mga giveaways ng company nyo
its that simple ang importante ay dont let them leave empty handed hindi na sasama ang loob nun...
and its quite a small investment to pay for your convenience and security sobrang bilis talaga nila rumesponde pag nadinig boses ko sa fone i can even get my police clearance non appearance hehe, sobrang asikaso din nila when i need them give and take sabi nga nila. tsaka iba ang pinoy when it comes to the two words "pakikisama" and "utang na loob"
bilib ako sa puso bro. yan ang gusto ko maging kasi yan talaga pinoy eh, pusong mamon pag pinahiya mo. kaya hindi ko totally blame ang mga corrupt na leaders kasi
ganyan talaga eh. corruption is not evil it's a phenomenon at dyan nagsisimula talaga sa pakikisama. kung tanggalin naman pakikisama, indifferent naman dating natin.
Re: turning down a request
Sir Boybi tama yun ginawa mo... na explain mo naman sa kanya ng maayos kung bakit di mo sya mapagbibigyan... libre chibog pa nga eh. :bowako:
Re: turning down a request
You did the right thing IMO.
Re: turning down a request
baka chicks nya ang ipapasok, para nga naman may "cover" sa mrs nya....
on the other hand.. you handled it well
Re: turning down a request
Re: turning down a request
Nice Move.. hindi offending ang diskarte mo.. pero hindi pa rin natin alam kung mag tago ng sama ng loob.. wag mo nalang isipin yon and best thing Iwasan mo na sa kanya ka naman humingi ng favor...
Re: turning down a request
ok ka talaga sir Boybi..ayos lang iyon ginawa mo ..
mahirap naman mag bigay kung ikaw din mag susuffer someday ....
marami pa naman ibang paraan para makatulong ka sa kanila
Re: turning down a request
bibigyan ko nalang ng medyo ok na alak this christmas para makalimutan nya na yun.
Re: turning down a request
sa ginawa mo lalo mong pinahanga ang kaibigan mong head ng Government agency. hehehehe.
Theres nothing wrong sa honesty, you did the right thing.