sa mga recon tranny Sir, mahina ang acceleration kadalasan na sakin kapag galing sa malamig ang tranny. once driven a few meters, okay na ang takbo. sa overheating naman ng engine, nangyayari yan kapag naubusan ng coolant ang radiator. dahil sa problema ng cylinder head gasket o kaya may tama na ang cylinder head mismo. upang hindi bumigay agad ang gasket ng cylinder natin sa pregio, tamang higpit (torque = 53 ft.-lbs. + 2x 90 degree angle) ng mga cylinder head bolts ang pinaiiral. bagong cylinder head gasket ang ikabit na pinahiran ng high temp grease sa bawat surface at sa surfaces din ng cylinder head at block. paki check lahat ng cylinder head bold kung hindi pa elonggated. dapat may langis ang lahat na cylinder head bolts bago gamitin.


Reply With Quote
thanks po kase for my future reference po para kapag hindi ko na matolerate at maka-ipon na ng budget eh ipapagawa ko na. meron po ba kayong mairerecommend na nagcacalibrate malapit dito sa Muntinlupa area.