meron na bang nakakita kung saan meron pampalit sa foglamps ng hilanders natin? nabasag kasi sakin tapos sobrang mahal sa kasa. sa preno ba may nakapag overhaul na sa inyo ng break master ng mga hilander nyo? san ok?
meron na bang nakakita kung saan meron pampalit sa foglamps ng hilanders natin? nabasag kasi sakin tapos sobrang mahal sa kasa. sa preno ba may nakapag overhaul na sa inyo ng break master ng mga hilander nyo? san ok?
I replaced my brake master twice already, 1,500-1,800 yata. hindi OEM syempre kc mahal yun. works fine, though yung internals was replaced new with seiken brand. Yung OEM fogs talagang mahal, so I bought DLAA brand clear lens dual bulb model P999.00 sa concorde, though hindi sya square at di na fill yung buong butas kya me spacer para balance yun itsura
.
mga bossing, still looking for my first ride, until i found this thread...nakakita po ako ng prospect sa kabilang website a '98 slx...baka naman po me nakakakilala na specifically sa ride na eto..any warnings? is this a good buy considering a low mileage of 74k odo reading kung totoo..is the price reasonable at Ph260k?...advice naman po mga sir...
http://www.sulit.com.ph/index.php/vi...PA+PO%21%21%21
para sa akin ok yan kung fresh pa talaga. i-drive test mo tapos iharurut mo kung maganda pa ang hatak. buksan mo ang oil dipstick kung may talsik. buksan mo rin ang oil filler cap habang naka-idle ang makina tapos takpan mo ng kamay mo, kung walang pressure ok pa yan. silipin mo rin mabuti ang body. lahat ng puna silipin mo tapos tawaran mo ng konti.
tnx sir ramledi, ipa-try ko po sa father ko ung advise ninyo...this afternoon meron din kami titingnan na 2001 slx medyo mas malapit sa area namin...wala kasing pictures sa ad nya kaya mas mabuti pang puntahan namin kaagad...wish me luck...
eto po ung link...http://www.sulit.com.ph/index.php/vi...highlander+slx
mga bosing, i-share ko lng ung experience ko sa pag-test drive nung nasa ads na slx 2001...ginawa ko po ung advice ni sir ramledi, pagtapos po namin i-test drive binuksan ko po ung oil cap while idle, eh nagtalsikan ung oil at pati ung damit ko natalsikanmalakas ung pressure (dapat siguro before i-test drive eh gagawin ung procedure na un while idle
), pati ung dipstick puno ng tagas hanggang sa belly pan ba un..mahina din ang hatak at marami pagagawa...handbrake di gumagana, brake nya kailangang bobombahin ng 2 beses bago kumagat...clutch masyadong malalim..eh sabi ng father ko parang walang compression dahil walang damba at matagal ang response ng makina...for overhaul na daw un. tsaka ung plate nya starts w/ "C"...
baka meron po kau ma-irecommend mga bossing...
sir i_van Parang sakit ng ulo yan, slx 2001.
One thing also you have to check is yung front fender. Wala kasing mudguard/splashguard ang hi-lander, kaya prone sa kalawang. Pati na din yung rear leaf suspension kung bagsak, ibig sabihin kinargahan ng mabibigat lagi yan ang you may have to replace the entire set or change to longer shackles.
sir gambit salamat sa feedback mo. cge maghahanap ako ng break master at ng foglamps na ok.hassle talaga yang foglamps na yan
sir carlogt in case di nila alam part number, just tell them na 15/16 yung sukat ng cylinder.
http://jmark.multiply.com/photos/alb..._truck#photo=1
and eto po pala yung fogs ko, baka trip mo din...
http://jmark.multiply.com/photos/alb..._truck#photo=2
Sir may tanong lang po ako about my hilander xtrm 2001 yung magkano ba magpa calibrate kasi mausok na sya baka may ma irefer kayong shops na mura lang thanks.. and happy new year
may nakita akong shiny black na hilander nakapark sa moa gandang-ganda ako kasiang taas nya tapos naka white sidewall pa and chrome yung mga accessories. classy to classic ang dating. kala ko trooper. sayang di ko nakuhaan gabi na rin kasi at lo-end na camphone lang dala ko.
patulong mga audio masters, yung kasing stock stereo ng xtrm ko, yung old type na may casette player pa, at walang audio in. meron akong nakitang audio in sa may likod nya, pero rca plugs ang kailangan nya. so, bumili ako ng rca-jack converter para magamit yung mp3 player. ang problema, malakas ang static at mahina ang volume ng sound, kahit naka full ang volume setting nya, paano ba i set up ito? saan channel ba dapat naka set ang frequency, fm ba or am? please advise, maraming salamat, and a very prosperous new year to all.![]()