New and Used Car Talk Reviews Hot Cars Comparison Automotive Community

The Largest Car Forum in the Philippines

Results 1 to 6 of 6
  1. Join Date
    Oct 2009
    Posts
    3
    #1
    Mga parekoy, nakabili ako ng 2001 Starex galing Korea last January sa kumpare kong Koreano na dealer ng mga 2nd hand Starex. Nung nagpunta ako ng showroom nila para pumili, as is pa lahat yung mga unit. So far, hindi naman laspag yung mga unit na kinukuha niya from Korea. Original paint pa yung mga iba at minor lang mga scratches sa paint, walang bangga at hindi pudpod mga gulong. From Port Irene, isa-isang binabyahe d2 sa Manila mga unit kaya in good running condition pa tlaga sila. Iba't-iba kasi ang supplier ng mga dealers ng Korean cars d2 sa Pnas kaya iba-iba ang condition ng mga unit na dumarating rito. Yung akin, nagtravel na from Manila to Ilocos, 400 km ang tinakbo, nakagastos lang ako ng P1,200 sa diesel. Ganun katipid.

  2. Join Date
    Aug 2006
    Posts
    158
    #2
    how much po kuha nyo sa unit? tnks

  3. Join Date
    Oct 2002
    Posts
    29,354
    #3
    [SIZE="4"]REMINDER: do not post messages in SMS/TXT format.

    Read the RULES.
    [/SIZE]

  4. Join Date
    Oct 2009
    Posts
    3
    #4
    Quote Originally Posted by arieslhon View Post
    how much po kuha nyo sa unit? tnks
    Nabili ko siya P470,000 cash. Complete accessories na at may 6 months warranty sa engine at 1 month warranty sa aircon. Hindi ko na rin problema kung sakali magkadiperensya man kasi marami rin silang stocks na spare parts and accessories dun, mas mura pa and imported.

  5. Join Date
    Oct 2007
    Posts
    120
    #5
    Quote Originally Posted by parekoydgreat View Post
    Nabili ko siya P470,000 cash. Complete accessories na at may 6 months warranty sa engine at 1 month warranty sa aircon. Hindi ko na rin problema kung sakali magkadiperensya man kasi marami rin silang stocks na spare parts and accessories dun, mas mura pa and imported.
    Bro, saan ang showroom nila? Wala bang hassle sa LTO registration? Thanks.

  6. Join Date
    Sep 2009
    Posts
    4,600
    #6
    sir m/t po ba o a/t ang unit nyo at anong variant po ba ito (gas/diesel)? di ba mahal ang 470php para sa reconditioned unit ng starex?

    may mga nagbebenta rin dito saamin ng reconditioned from korea. actually kating-kati ako kumuha dati dahil sa sobrang kamurahan (300-up depende sa year model pero makinis dahil pakikinisin nila. ang gusto ko dito ay diesel variant manual lang ang binebenta at maayos din ang interior with roofrack pa at wala ka ng poproblemahin sa plaka o rehistro, sasakyan mo na lang).

    nasuya lang ako nung malaman kong 6kms/l lang kaya itakbo nito pag city driving at 8-9kms/l lang pag sa highway (wala pa daw sakay yun).
    anyway mura lang naman ang diesel pero ang iniiwasan ko yung presyo ng mga horror stories na naririnig ko.
    nag-ingat na lang ako coz i don't wanna get a lemon.
    and i don't wanna fall in the old maxim na-
    "naghanap ng kagitna, isang salop ang nawala."
    just my two pence.

Hyundai Starex from Korea (Reconditioned)