Maraming salamat po sa mga nagkaintiris magbigay ng comment sa sa sitwasyon ko.
I'm glad to inform all of you guys na ok na po. APPROVED na po!!!
PERO MAY NANGYARE PA NA FOR SURE KAKAINIT NYO NG ULO!!
Eto po ang nangyare. Pinuyat po ko ni SA nung Thursday, 03/03/2011(Night Shift po kasi work ko)
12pm:
SA: Sir, ok na po, approved na po kayo ng PNB, marerelease na po ng FRIDAY, 03/04/2011
AKO: Ok po kung ganun sir, paluwasin ko na po ng Manila parents ko(Co-maker) to sign the contract. Sure na po diba bukas?
SA: Opo sure na po mga 4pm.
2pm:
SA:Sir, Nagkaaberya po tayo. Di po pumayag dito na ang terms na ibigay sa inyo eh yung 48k DP with Php16,520 in48 months. Dapat daw po 58k DP at Php15,875. Mas makakatipid po kayo sir ng more than 20k all in all. So ano po gagawin natin? Utang muna po kayo kay mommy mo.
AKO: Naku, bakit po biglang nabago?
SA: Eh wala po tayo magagawa. So i-cancel na lang po ba natin sir?
(At may gana ka pang manakot?)
AKO: Saglit tawagan mo ko after 5 minutes
SA: Icancel po ba natin?
AKO: Tawagan n'yo po ko after 5 minutes
2:10pm:
SA: Ano po sir? Ok na?
AKO: Sige ok na basta magdadagdag na lang ako bukas ng 10k para sa DP. 4pm tomorrow diba?
SA: Wala po problema sir, Bukas na lang po. Sure naman na po kc approved na kayo ng PNB.
AKO: Sige po Sir, bukas na lang. Salamat
(PAANO KUNG WALA PALA AKO AVAILABLE NA PERA, CANCELED NA LANG? GANUN NA LANG UN?!)
5pm:
SA: Sir may konteng problema po tayo.(Kinabahan na ako agad)
AKO: Ano po yun?
SA: Yung Unit po kase na pinareserve nyo na ready for pick up tomorrow eh may kumuha na iba. Ok lang naman po kc may ibang available pa naman po na same color pero wala pa po ung upgrade so sa Wednesday pa po nyo makukuha.(WHAAAAAAAAAAAATTTTTTT)
AKO: Bakit nailabas ng iba. Kaya nga nagbayad ako ng 48k para mareserve yun.
SA: Eh wala naman po problema kasi meron pa pong ibang unit. Wala di pa lang available bukas.
AKO: Ang tanong ko eh kung bakit ibinigay pa sa iba ung reserved unit ko. RESERVED NGA DIBA!!!
SA: Eh kasi po di ko alam na may nagreserve na pala po nun dati eh. Ung model unit po na nakita nyo last time.
AKO. Well wala na ko magagawa. SIge sa Wednesday na lang kmi punta dyan. Sana wala na mabago at sa Wednesday ko na lang ibigay yung 10k pa para maging 58k ang DP ko.
MORAL LESSON: Masama din ang masyado mabait. Nilalamangan ka ng kapwa mo. PASALAMAT KA KONTE NA LANG ANG CARBON GREY NA 1.2 ENGINE!! KUNG HINDI, MAY MAWAWALAN NG TRABAHO.. SOBRA NAMAN ANG GINAGAWA NYANG PANGLALAMANG NG KAPWA AT PAGPAPAASA... DI LANG AKO NAGREREKLAMO KASI GUSTO KO LANG TALAGA YUNG UNIT AT AYAW KO MAUBUSAN..pasalamat ka di ako impulsive.
Sana po makuha na namin yung unit sa Wednesday at wala ng maging problem. Dahil sa kanya pumanget ang First Car buying experience ko!!
Sana makatulong experience ko sa mga nagbabalak bumili ng sasakyan. wag masyado magtiwala Para sa mga SA, wag po sana maging oportunista sa kapwa. Doble po ang balik sa inyo nyan.. May makuha ka nga na pera, sana walang ibang masamang kapalit..




Reply With Quote






