sir hondabot, thanks sa mga referrals in this thread, very helpful talaga.
just to share: went to honda spa last thursday to have the under chassis of my jazz '06 checked. namahalan ako sa quote nila. palitin na daw ang "lower arm bracket" L/R assembly. if i'm not mistaken nasa 4K isa, so 8K dalawa tapos labor pa. kala ko kasi nung una bumigay na ang shocks kasi nabako ako ng matindi a few weeks ago.
so sabi ko balik na lang ako to schedule the replacement. pero ang gusto ko talaga eh ma-try yung mga recommendations niyo dito. so i went to fertes to ask if they have the lower arm assembly & how much. nandoon si sir mike lim and he told me na available at mga 1.4K isa...wha!! buti na lang nag-canvass muna pala ko.
tapos sabi ko ke sir mike punta muna ko ke mang paul sa petron to get a second opinion sa papalitang parts. okay daw, pag kailangan ko na tawag na lang daw para i-deliver yung part/s, COD...just like you said.
pagdating ko ke mang paul, ni-lifter yung kotse tapos tsinek niya suspension...sinabi ko na na galing na ko sa kasa...sabi ni m. paul mukhang wala naman problema yung lower arm, although meron ng konting wear n tear na yung bushing. pero sa kanya daw hindi pa palitin...so sabi ko paki check na lang lahat ng pangilalim baka me makita siyang problema...yung disk brake ko daw sa harap hindi na pantay...so sabi niya kung gusto kong paayos...600 pesos daw labor tapos 1200 daw pa-reface sa machine shop. so since nakatipid na ako sa gastos, sabi ko "go"... mga 2 oras din ako sa petron, matagal kasi yung m.shop. tapos binalik na ni m.paul yung mga brakes... pag-test drive ko, napansin ko na isang click lang ng handbrake eh hindi ko na maitaas pa.
kaya lang, pauwi ko sa marikina, yung handbrake lumuwag ng husto, paghila ko ang dali daling itaas tapos kailangan todo sa taas para kumapit ang brake. pero kung pag brake ko naman walang nagbago. balak kong ibalik ke m. paul pag me time uli... just sharing po!




1Likes
LinkBack URL
About LinkBacks

iv just re-post my contacts for your satisfaction..






Reply With Quote

Bookmarks