New and Used Car Talk Reviews Hot Cars Comparison Automotive Community

The Largest Car Forum in the Philippines

Page 1 of 7 12345 ... LastLast
Results 1 to 10 of 61
  1. Join Date
    Apr 2004
    Posts
    3,067
    #1
    Last night (December 22, 2004) around 9pm, before going to a party in a village in Ortigas area, nag-pa gas muna ako sa SHELL VISAYAS AVENUE in QUEZON CITY. The usual, medyo matagal ang hinintay ko tapos nagpa-full tank, okay naman ang lahat. Pagkatapos ng party umuwi ako ng 2am. But kaninang umaga (December 23, 2004) at exactly 930am paalis ako ng house going to glorietta to workout and meet someone, biglang nagflufluctuate yun power tapos every two minutes namamatay, hindi pa ako nakakalabas na village, in fact hindi pa ako nakakalampas ng street, half-way pa lang ako mula from our house to kanto, ilan beses na ako namamatayan. So tumawag ako sa casa kasi 1 week pa lang since nilabas sa casa yun car, then bakit nagkakaganoon. Then they agreed na ibalik ko daw, pero sabi ng mom ko, hindi na kami makakaabot. So pumayag na puntahan yun car sa house namin. Around 530-6pm dumating sila, chineck-up lahat, okay naman except yun gas pressure. So binuksan yun kargahan ng gas. At ayun! Wala na yun lid. Pero may nakasaksak na piece of cloth. Basang basa pa ng gasolina since may pressure. Eh since galing ako sa party, what if kung may nagyosi sa tabi ng auto ko? Eh di siguro patay na siya. Buti na lang napalayo yun parking ko kasi late na ako dumating. Buti na lang din hinigop yun cloth, kung hindi malaki-laking problema yun diba? So ang ginawa namin ay tumawag sa SHELL Pilipinas, nagcomplain pero walang maayos na makausap so we asked for the name of the officers then sinama namin yun mga casa guys, tapos sinugod yun SHELL VISAYAS AVENUE BRANCH. Tapos sabi nila kung may nakalimutan naman daw sasabihan kami, pero sabi nila wala naman daw. Hiningi yun resibo, sinisi pa yun casa, baka dun daw nawala. So nilabas namin yun mga casa guys, eh di gulat sila, tapos kinuha ng mom ko yun name nila and nun manager. Tapos sinabi ng mom ko na gagawa siya ng formal complain, biglang natakot yun mga tao, at hinanap kung saan-saan yun lid. Akala ko ba walang naiwan? After a few minutes, sinabi nila na sa may cashier area. Ano yun? Biglang nawawala at lumilitaw na lang bigla? So nilagay nila at sinukat, tamang-tama yun sukat, tapos natuwa pa sila, parang utang na loob pa namin. Sabi ng mom ko hindi siya makakapayag ng ganoon, kasi sabi nun mga mekaniko, maswerte kami at walang nagyoyosi sa garage namin kung hindi patay na kami. Or kung kagabi on my way home eh pwedeng magstart ng explosion yun. Hanggang ngayon amoy gas pa rin yun place nun car na yun sa garage namin. So we are planning to file a formal complain to SHELL PILIPINAS. Nasira yun lakad ko, and unknowingly pwede pala ako mamatay kagabi.

    Nagbigay ng tips yun mga guys sa casa when nagpapakarga ng gas...
    -patayin yun makina, in case maling gas yun mailagay at least pwede pa ma-drain
    -bumaba ng car kasi minsan daw hindi zero yun sa meter, and minsan ninanakaw daw talaga yun lid kasi P300-700 din daw yun...

    Basta ingat na lang kayo, baka kayo sumunod (wag sana) at medyo malasin at may magyosi sa tabi mo... tsk tsk...

    -Paolo Antonio M. Cristobal

  2. Join Date
    Apr 2004
    Posts
    3,067
    #2
    kung mali yun forum, pamove na lang po... thanks Kung unintentional yun pagkalimot ng paglagay sa lid, eh bakit may cloth dun?

  3. Join Date
    Oct 2002
    Posts
    6,796
    #3
    move natin sa goon squad pards....

    alam mo ba...sobrang kulit ng tatay ko about the lid ng mga sasakyan namin.kailangan chinicheck namin tapos magpa gas.ganun kami lagi...ganun siya lagi.

    so check on the lid EVERYTIME you gas up.

    diko lang magets kung bakit may white cloth doon.

  4. Join Date
    Apr 2004
    Posts
    3,067
    #4
    siguro inisip nun gasoline boy, nanakawin niya pero palitan niya ng improvise...

  5. Join Date
    Oct 2002
    Posts
    2,639
    #5
    just write a formal letter of complaint to shell philippines regarding the visayas avenue shell branch.

    tsk tsk though you still have to verify who really put that cloth into your fuel lid. shell visayas avenue or your casa?

  6. Join Date
    Sep 2004
    Posts
    4,631
    #6
    Minsan din naiwan ng father-in-law ko yung lid ng tangke niya, sa Petron Ortigas Ave. Binalikan pa niya, panay daw hingi ng dispensa nung staff.

    Kaya lagi kong sinusulyapan sa rear view mirror kung ibinabalik yung takip pagkalagay ng gas. Tsaka inaabangan ko din yung tunog ng takip pag isinasara na nila.

  7. Join Date
    Apr 2004
    Posts
    3,067
    #7
    shell visayas avenue... kasi sa bahay namin mismo binuksan eh... yun ang ginamit pang-takip imbis na yun lid...

  8. Join Date
    Jan 2003
    Posts
    263
    #8
    grabe naman yan, ang bastos sobra nun ah.

    buti naman hindi ka nasunog.

  9. Join Date
    Apr 2004
    Posts
    6,685
    #9
    ma check nga yung gas lid ko!

  10. Join Date
    May 2004
    Posts
    50
    #10
    ako rin bro ... check ko palagi sa side mirror kung binabalik yun gas lid after filling up .... tsaka abang ko yung click nung lid.... syempre b4 they fill my tank ...tinitingnan ko rin na correct fuel at correct hose/nozzle ang gamit nila ....at "0"

    Kasi un ibang gasoline boys parang lumulutang yung mga isip .... we have to take it upon ourselves to check and see that everything is in order ..... para less hassle...

Page 1 of 7 12345 ... LastLast
WARNING: my car almost exploded because of SHELL