New and Used Car Talk Reviews Hot Cars Comparison Automotive Community

The Largest Car Forum in the Philippines

Page 1 of 10 12345 ... LastLast
Results 1 to 10 of 97
  1. Join Date
    May 2005
    Posts
    689
    #1
    Laganap na ang raket ng mga Hugas-Windshield Boys dyan sa may Airport/Tambo area sa Paranaque.

    May bitbit silang mga baldeng tubig. Kapag huminto ang kotse mo sa traffic light, bubuhusan nila ng tubig yung windshield mo tapos pupunasan, then hihingi ng bayad. Ang dami nila. Kalimitan mga bata at binatilyo. Parang isang gang sila. Grupo-grupo na may balde.

    Meron dyan sa stop light sa coastal road sa tapat ng Coastal Mall.

    Meron din dyan sa stop light sa Tambo, yung papuntang St. Pauls Paranaque.

    Meron din dyan sa stop light sa MIA Road papuntang Domestic.

    Then meron din dyan sa stop light sa kanto ng Sucat Road papuntang NAIA Terminal 2.

    Kahit malinis yung kotse mo, bubuhusan nila ng tubig. Mukang malakas ang raket nila dahil sobrang dami na nila. Buong baranggay yata nila eh naka-abang dun sa bawat stop light, naghihintay ng bubuhusan ng tubig.

  2. Join Date
    Jul 2006
    Posts
    8,557
    #2
    If its raining lightly ... one deterrent is to leave your wipers on. They usually clean jeepney and truck windscreens ..

    I had an experience with them once ... kahit sinabihan ko na wag .. tuloy pa rin ... I turned on my wiper to full ... ayun masakit ang kamay ni makulit .. hampasin ba naman ng monowiper ng MB.

    Ingat din sa mga yan ... who knows what they're up to.

  3. Join Date
    Oct 2002
    Posts
    4,388
    #3
    kahit naka bukas wiper mo pupunasan pa rin ng mga yan. usually pag umuulan o umaambon nila ginagawa yan. kahit senyasan mo na wag itutuloy nila minsan lalo na pag mga binatilyo na. pero yung mga bata don sa papuntang domestic naaawat naman. saka walang alalay yung mga bata don sa domestic. yung sa coastal meron. isang tiga punas at isang tiga banlaw. ginagawa ko slow mo ako pag malapit na sa stoplight para umaandar pa rin ako. para sakto minsan nalalagpasan nila ko. hehehe

  4. Join Date
    Dec 2005
    Posts
    39,162
    #4

    Matindi ang iba riyan,- tumatakbo na ang sasakyan,- nakasampa pa rin sa stepper board, at todo punas ng windshield...

    Hindi bumibitaw; talo asar....

    11.8K:burn:

  5. Join Date
    Oct 2002
    Posts
    22,658
    #5
    Huminto ako quite a distance from the vehicle in front. Nung lumapit yung hugas windshield, umabante ako.

    Yung bata kumuha ng bato sa gilid ng daat at umumang na babatuhin ang windshield ko.

    Pakibaril na lang siya pag nakita niyo. Thanks.

    http://docotep.multiply.com/
    Need an Ambulance? We sell Zic Brand Oils and Lubricants. Please PM me.

  6. Join Date
    Jun 2009
    Posts
    837
    #6
    hay nako letche yan mga nalatambay na yan sa may malapit sa airport. lalo na kung suv dala mo, sasakay sila sa stepboard kahet umaandar hanggang bigyan mo saka lang sila bababa. pag binigyan mo barya magagalit pa. sinisilip nila if may laman na bagahe o box un likod e. so pag may laman alam na nila na balikbayan at hihingan nila pera. the best pang may kotse dala para di obvious kargada unlike kung can o suv. just this december 8x ako nagpunta airport dahil umalis kame family at nag hatid sundo din ng friends and relatives. nakakatrauma the first two times. kaya nag skyway na lang ako the rest. libre pa naman :D i suggest as much as possibe to avoid the area especially the one near the intersection of uniwide coastal mall

  7. Join Date
    Oct 2002
    Posts
    4,388
    #7
    problema eto route ko araw-araw going sa mckinley from cavite. swerte lang sa may coastal nasa may left most lane sila.

  8. Join Date
    May 2007
    Posts
    932
    #8
    bakit ba walang nagagawa ang mga authorities dito. Marami din sa mayon/a.boni at sa may chinese gen.

  9. Join Date
    Dec 2009
    Posts
    607
    #9
    Quote Originally Posted by foifoi05 View Post
    bakit ba walang nagagawa ang mga authorities dito. Marami din sa mayon/a.boni at sa may chinese gen.
    So what else is new with the Philippines?

  10. Join Date
    Jan 2010
    Posts
    107
    #10
    Sa may Sta Mesa Centerpoint din.. sobra at may kasama ring binatilyo. Minsan sa hood talaga umaakyat hangang bayaran sila. Yung mga pulis nasa kanto lang pero walang ginagawa.. Bwisit!

Page 1 of 10 12345 ... LastLast
Hugas Windshield boys