New and Used Car Talk Reviews Hot Cars Comparison Automotive Community

The Largest Car Forum in the Philippines

Page 290 of 498 FirstFirst ... 190240280286287288289290291292293294300340390 ... LastLast
Results 2,891 to 2,900 of 4978
  1. Join Date
    Sep 2009
    Posts
    1,136
    #2891
    Na encounter ko kanina is stupid motoring, akalain mo ba naman na tumakbo ng 20 kph paakyat ng flyover kaya lahat kami na sumusunod sa kanya eh naipit sa likod. Hirap naman kami mag change lane dahil mabibilis yung mga padating. Kabwisit yung mga ganung driver lalo na kung rush hour mo pa makakasabay sa kalsada. Mukhang nahihirapan magdrive dahil tinted yung auto tapos nakasalamin pa yung driver.


    Posted via Tsikot Mobile App

  2. Join Date
    Jan 2011
    Posts
    300
    #2892
    Last Thursday afternoon sa Coastal Road pa north bound naman Fuzion GLS pag lagpas ng Chinese Temple nakasabay ko at ako yung nasa likod niya takbo namin mga 100 lang bigla ba naman kabig pa kanan si ogag kase late na niya napansin na meron gulong sa lane niya at nasa expressway na galing siguro sa bus yung pudpod na muntik na niya mahagip yung Prado na kasabay namin.

  3. Join Date
    Jan 2011
    Posts
    300
    #2893
    Quote Originally Posted by brainmafia_310 View Post
    this is bad, ang nababasa ko sa thread ng MS na "MYTH" eh sudden acceleration, pero ito naman ay sudden stop.

    nyahahaha.


    Actually dito sa Las Piñas marami silang ganyan sudden stop parang hobby na nila kase napapansin ko sa kanila either nag text, browsing ng Ipad, or chit chat with yosi at lahat yun ginagawa nila while driving. Walang exaggeration kase madalas ko sila kasabay at dito lang ako sa Las Piñas nakaka encounter ng mga weird traits ng mga motorist's.

  4. Join Date
    Sep 2013
    Posts
    1,832
    #2894
    nag driving driving ako ng car pauwi
    then may humps kainis yung bike sa harapn ko nakaharang
    bubuwelo na nga ako biglang may tricycle na makikipag karera sa akin amf!
    bumusina pa eh "tutut" daw sabay arangkada eh yung dadaanan ko hinarangan nila
    haha tuwang tuwa mga gunggong na binatilyo akala mo mabilis na yung 30 na takbo nila :hysterical:

  5. Join Date
    Oct 2011
    Posts
    26,787
    #2895
    Ung mga nagpapatakbo ng mabilis kapag madaling araw na knowing wala na mga traffic enforcers.


    Posted via Tsikot Mobile App

  6. Join Date
    Nov 2005
    Posts
    2,372
    #2896
    Quote Originally Posted by marion2 View Post
    Actually dito sa Las Piñas marami silang ganyan sudden stop parang hobby na nila kase napapansin ko sa kanila either nag text, browsing ng Ipad, or chit chat with yosi at lahat yun ginagawa nila while driving. Walang exaggeration kase madalas ko sila kasabay at dito lang ako sa Las Piñas nakaka encounter ng mga weird traits ng mga motorist's.
    Buti hindi ka hinahamon with matching rev pa. By the way, may yosi.... hmmm. Napansin mo ba kung naka-oakley na japeyks? Baka kala nila nakabtek sila. Hehehe.

    Posted via Tsikot Mobile App
    Last edited by brainmafia_310; April 10th, 2014 at 06:08 AM.

  7. Join Date
    Jan 2014
    Posts
    57
    #2897
    Nakaka inis yung mga sasakyan na nasa lane ng sky way ramp malapit sa sucat. Ang bagal ng takbo pero di naman pala mag sa skyway. Biglang mag swerve bago dumating sa ramp.

  8. Join Date
    Jan 2011
    Posts
    300
    #2898
    Quote Originally Posted by ambasad0r View Post
    Nakaka inis yung mga sasakyan na nasa lane ng sky way ramp malapit sa sucat. Ang bagal ng takbo pero di naman pala mag sa skyway. Biglang mag swerve bago dumating sa ramp.
    Basta tollgate trip nila gawin yan ayaw pumila gusto singit lang palagi at minsan ok sila panoorin yung mga wala naman E-tap or E-pass tapos derecho dun sa exclusive lane tapos bigla switch on ng hazard lights then reverse para bumalik sa mga lane na meron bayad.

  9. Join Date
    Jan 2014
    Posts
    57
    #2899
    hindi ko pa naman na eencounter ganito. Kadalasam may mga cone naman para separate yung mga line kya d makasingit

  10. Join Date
    Nov 2008
    Posts
    4,642
    #2900
    Quote Originally Posted by marion2 View Post
    Basta tollgate trip nila gawin yan ayaw pumila gusto singit lang palagi at minsan ok sila panoorin yung mga wala naman E-tap or E-pass tapos derecho dun sa exclusive lane tapos bigla switch on ng hazard lights then reverse para bumalik sa mga lane na meron bayad.
    Di ako nagpapasingit ng ganito. Kadalasan mga tanga yan. Ok pa siguro kung lumabas na wala na syang load sa epass, at least may epass talaga sya.

    A bit OT. Nung nagbigay ako sa isang pedestrian and gave her the sign na tumawid na, sumenyas sya na "ayoko, mauna ka na.". Kala ko naman di talaga tatawid. Sabay tumawid din pag lampas ko. Labo.


    Posted via Tsikot Mobile App

Bad motoring etiquette: What you hate the most.