Praktis vehicle naming HS magbabarkada yung stainless na Ford Fiera na gas type na Panghakot ng isda ng isa naming kabarkada....
Sumasama kami sa paghakot, dun pa yun sa Malabon/Navotas Fishport. Eh tagal yun kaya habang wait praktis muna kami dun sa maluwag na parte ng parking lot.
Tapos pag uwi, paalam namin sa magulang nya kunwari huhugasan namin sa kanto, ayun dinadala namin sa Fort Bonifacio (wala pang The Fort noon, puro open field pa ang kampo kaya super luwag). Ambag-ambag sa gas, tapos take turns sa manibela.
Tapos nung magkadyip sila na pampasada, yung barkada namin ang naglalabas sa gabi tapos 5 kaming pahinante/alalay. Ruta namin Guadalupe-Cartimar. Ayun, habang nakapila, kami tiga-abante.
Pero on da serious side, si erpats may Volks noon, ayun ang pinagtripan ko ng husto. Nagsimula sa simpleng start/stop engine muna. Then paurong-paatras. Tapos ayun di nya namalayan asa kalye na kami.
Initial na sakit ko lang that time is di ko masyadong napi-press yung clutch kapag shift ng gear kaya ayun parang may yelong kinakayod sa makina
Pero di ko malimutan one time, on my first job, pinakuha sa akin ng boss ko yung Lancer nya sa casa coz naiwan nya license nya. Ayun, nagmayabang ako at nag-volunteer na ako na lang. Pagdating sa casa, eh di ilalabas ko na sa working bay, start engine, baba handbrake, apak clutch, ayaw pumasok ng gear, in short ayaw umandar. Baba ako, got a phone and tawag ke boss sabi ko may problema pa coz ayaw umandar. Punta agad sya dun, nung sya nagpa-andar one click lang lahat, turned out na medyo engot lang ang pag-apak ko sa clutch, asa 1/4 lang ata ang apak ko kaya di pumapasok yung gear![]()




LinkBack URL
About LinkBacks








Reply With Quote
lalo na pag may passaenger ka, buti kung isa ka lang gawin mo kung ano gusto mo, pero iba pag meron ka pasahero isipin mo muna sila bago sarili mo^^

Bookmarks